"Hinahanap ko ang asawa ko, his name is Juan Buenavista." Sagot niya rito, nakita niya ang pagkawala ng ngiti ni Señora Corazon at para bang biglang lumamig ang buong paligid dahil sa sinabi niya. May nasabi ba siyang masama? "Asawa? Si Juan ang asawa–" Naputol ang sinasabi ni Señora Corazon nang may dumating na isang magandang babae, simple lang ang suot nitong off-shoulder dress na hanggang tuhod ang haba na pinaresan ng boots, the woman look so innocent, nakalugay ang mahaba nitong buhok at hanggang balikat lang ang tangkad nito sa guwapong lalaking kasama. Gusto na niyang masampal ang sarili dahil hindi naman siya nagu-gwapuhan sa lalaking hindi maputi. Napatitig din ang lalaki sa kanya na para bang hinuhubaran siya kaya nakaramdam siya ng sobrang pagkailang. Tumikhim ang lalakin