"K-kung ganoon sino ang asawa ko?" Nauutal at naguguluhan niyang tanong, alam niyang nagmukha siyang tanga sa mga ito dahil mismong asawa niya ay hindi niya kilala. Naiiyak na siya ulit dahil sa hiya, awa sa sarili at pagkalito. "Dapat alam mo dahil ikaw ang asawa diba?" Sabi ng lalaking kaharap niya na sinasabi ni Señora Corazon na ito raw ang totoong Juan. Halata sa boses nito ang panunuya. "Juan, shut up!" Saway sa kanya ni Señora Corazon kaya nanahimik ito. "Pero sa marriage certificate ay pangalan ni Juan ang nakalagay at pirma, hija." Pagpapatuloy ni Señora Corazon. "Pero paano nangyari iyon? Ang asawa ko ang pumirma mismo sa marriage certificate namin, imposibleng ang lalaking iyan dahil ngayon ko lang siya nakita," saad niya sabay irap dito. Bumuntonghininga si Señora Corazon.