Pinandilatan na ni Venus ng mga mata si Juan ay ayaw pa rin siyang lubayan. Kahit saan sulok siya ng bahay pumunta ay nakasunod pa rin ito sa kanya. "Ano ba, Juan! Bakit ba buntot ka nang buntot sa akin?" Saad niya sa naiinis na boses pero parang balewala lang dito. "Gusto kitang makasabay na kumain, hindi pa ako nag-lunch." Turan nito. "Hindi ba dinalhan ka ng pagkain ni Mirabella?" mataray niyang tanong dito. "Hindi ko kinain iyon, Venus. Mas masarap pa rin ang nilagang sinigang mo." Sabi nito, halata na pinipigilan ang tawa. "Huwag mo akong pinagloloko, Juan!" asik niya rito. Napangiti ito, gusto ng bumigay ng puso niya sa ngiti nito. Bakit napapansin niya na para bang dumadalas ang pagngiti nito sa kanya? At hindi na rin ito suplado sa kanya. "Hindi kita niloloko, gusto ko ang n