Abot hanggang tainga ang ngisi ni Juan, pabalik na siya kina Venus at Luis pagkatapos niyang kunin ang kwentas na binili niya sa bayan kanina. Nakapuslit siyang pumunta sa maliit na jewelry store na hindi nalalaman ni Venus. Inilagay niya sa bulsa ng suot niyang pantalon ang kwentas. Sumisipol pa siya pero napahinto rin nang makasalubong si Venus, nakasimangot at parang wala na ito sa mood. Nakasunod naman si Luis, halatang pinipigilan ang ngising gustong kumawala sa bibig. "Gusto ko ng umuwi." Sabi nito saka nilagpasan siya, dumeretso ito sa owner jeep niya kung saan naka-park. Matatalim ang tinging ipinukol niya kay Luis na ngayon ay hindi sinasalubong ang tingin niya. Alam niyang may ginawa na naman itong kalokohan o may sinabi na hindi maganda. "Hoy, Luisito! Ano na naman ang gin