Natigilan si Venus nang huminto ang sasakyan sa harapan ng Memorial Cemetery, nakaidlip siya kanina sa biyahe kaya hindi niya alam kung saan sila pupunta. "A-ano ang ginagawa natin dito?" Nauutal niyang tanong kay Juan. Sabay pa silang lumabas sa sasakyan. "Hindi ba at hinahanap mo ang asawa mo? Then, follow me." Sabi nito sa matigas na boses. Bumilis ang kabog ng dibdib niya, kanina ay hindi siya naniwala sa sinabi nito na patay na si Miguel, ngayon na nandito sila sa sementeryo ay parang piniga ang puso niya. Nanghihina ang mga tuhod na humakbang siya kasunod ni Juan. Pansin niya ay mga mayayaman lang yata ang mga inililibing sa cemetery na ito, bukod sa nakaayos ay malawak at malinis ang buong paligid. Huminto siya nang huminto si Juan sa tapat ng isang tombstone. Nakasulat doon an