"He died 2 weeks ago." Parang binuhusan ng malamig na tubig si Venus sa sinabi nito. Hindi siya halos makagalaw sa kinatatayuan niya. Parang hindi na lang ang dibdib niya ang masakit kundi pati ang buong katawan niya ay masakit na rin at gusto ng bumigay. Humakbang siya palapit kay Juan at hinawakan ng mariin ang suot nitong tshirt. Halos hindi siya makapagsalita dahil sumisikip ang dibdib niya. "Nagsisinungaling ka, hindi ba? Ayaw n'yo lang siyang iharap sa akin!" asik niya. Juan held her wrists. "Ayaw mong maniwala? Sumama ka sa akin." Madilim ang mukhang saad nito sa galit na boses saka kinaladkad siya palabas ng bahay. Hindi niya lubos maisip kung bakit ang pakakasalan nitong babae ay nagkagusto rito gayong napakagaspang ng ugali nito! Palatak niya sa sarili. "Ano ba! Bitiwan mo n