Nang masuri ng Doctor ang kalagayan ni Venus, kailangan niya lang daw magpahinga. Dahil sa mahabang biyahe ay napagod siya ng sobra lalo na sa kalagayan niya na buntis siya. "Dapat doble ingat ka na ngayon dahil buntis ka, hindi ka dapat nagpunta rito na wala kang kasama." Pigil ang galit na turan ni Juan sa kanya. Tumayo siya sa kama kung saan siya nakaupo. Wala na rin sina Annaliz at si Señora Corazon. Tanging silang dalawa na lang ni Juan sa silid. "Gusto ko lang malinawan kung totoo ba ang sinasabi ng Annaliz na 'yon na siya ang asawa ng asawa ko." Naiiyak na tanong niya kay Juan, binalewala niya ang sinabi nito. Tanggap na niya na niloko siya ng asawa niya sa hindi nito paggamit nang tunay na pangalan. Ang hindi niya lang matanggap ay ang malaman na may asawa na pala ito at kaya