Napukaw sa malalim na pag-iisip si Venus nang tumunog ang cellphone niya. Kinakabahan niyang tiningnan ang caller ID, nakahinga siya ng maluwang nang makita kung sino ang tumatawag. It's been three days at panay ang tawag ng Kuya niya, he even threatened her–kaya ganoon na lang ang takot niya sa kapatid.
Pero pasalamat na lang siya dahil hindi nito alam kung nasaan siya ngayon.
"Hey Lo..." Sagot niya sa tawag.
"Oh my goodness, V! Nagpunta ako kanina sa condo mo at ang daming mga bodyguards ng Kuya mo ang umaaligid-aligid. Are you okay?" Nag-aalalang turan nito.
"Yes, i'm fine Lo." Nanghihina niyang sagot. Pero sa totoo lang ay hindi gumagana ang utak niya, nag-iisip siya kung ano ang magandang gawin. Alam niyang hindi siya titigilan ng Kuya niya.
"You don't sounds fine, V. Sabihin mo sa akin kung may maitutulong ako sa'yo."
Bumuntonghininga siya, ayaw niya namang idamay ito sa gulo ng buhay niya.
"Don't worry Lo, i'm fine. Tatawagan kita kapag kailangan ko ng tulong."
"Okay, basta mag-iingat ka. Hindi ko na tatanungin kong nasaan ka ngayon. Basta ang alam ko nasa mabuting kalagayan ka."
Napangiti siya sa tinuran ng bestfriend niya. She knows her very well.
"Thanks, bye."
Pagkatapos ng tawag ay muli na namang nag-ring ang cellphone niya. Napakunot ang noo ni Venus dahil si Carmen ang tumatawag, her cousin from her mother side. Si Carmen La Corazon.
"Hey," sagot niya sa tawag nito.
"Hi cousin..." Masayang bati nito sa kanya, matanda siya rito ng ilang taon pero parang magkasing-edad lang din sila lalo na kapag magkasama sila. Magkasing-tangkad at parehong balingkinitan ang mga katawan nila. Idagdag pa ang makinis at maputi nilang mga kutis.
"Napatawag ka?" Curious niyang tanong dito, alam niyang nasa bakasyon ito ngayon kasama ang kaibigan nitong si Karla Mercedes, galing din sa mayamang angkan.
"Kinukumusta kita, alam mo bang panay tawag si Kuya Vince sa akin, hinahanap ka."
Huminga siya ng malalim. Sinasabi niya na nga ba.
"Ano ba kasing nangyari?" Dagdag pa nito.
"Hayaan mo na." Tipid niyang sagot dito.
"Nasaan ka nga pala ngayon?" Casual na tanong nito. Bumuntonghininga siya.
"Kasama ko ang boyfriend ko." Wala sa loob na sagot niya, bigla itong napatili na tila ba na-e-excite sa sinabi niya.
"May boyfriend ka na?" Masayang turan nito, natawa na lang siya.
"Oo, sige na bye na. Kapag tumawag sa'yo ulit si Kuya huwag mo na lang pansinin."
"Okay, bye V..." Ani nito bago pinatay ang tawag. Sana naman hindi na siya kulitin pa ng Kuya niya na pakasalan ang kaibigan nito. Hindi siya makakapayag na maging pambayad utang dahil sa pagiging makasarili nito.
Nakaidlip siya sa mahabang sofa habang naghihintay kay Juan na dumating. Juan was so gentleman and kind to her. Ni minsan hindi ito nag-take advantage sa kanya. Sa katunayan ay para lang silang magkaibigan nito na nag-aasaran at nagbibiruan. Pero nakikita niya naman sa mga mata nito na mahalaga siya rito. Masaya siya kapag kasama ito, ganoon din si Juan sa kanya.
Napabalikwas siya ng bangon nang may biglang tumakip sa bibig niya.
"Shhhh, huwag kang maingay." Mahinang saad ni Juan, halata sa boses nito ang pag-aalala. Marahan siyang tumango saka inalis nito ang kamay sa bibig niya.
"Bakit?" Mahina niyang tanong.
"I saw your brother's bodyguards in the lobby. Parang alam na ng mga ito na nandito ka."
Napakunot ang noo ni Venus, wala siyang pinagsabihan kung nasaan siya. Maski si Loisa ang bestfriend niya ay hindi nga nito alam kung nasaan siya. Oh no! Napasinghap siya ng maalala ang pag-uusap nila ng pinsan niya kanina. Nabanggit niya rito na kasama niya ang boyfriend niya. Baka nga ito ang nagsabi sa Kuya niya.
"s**t! What will i do now?" Puno ng pag-aalala na usal niya.
"Don't worry, aalis tayo rito. May isa pa akong condo na puwede nating tuluyan." Ani ni Juan.
Napaisip tuloy siya kung ilan ang tirahan ng boyfriend niya. Marahan siyang tumango. Madali lang silang nakapuslit sa condo na hindi napapansin ng mga bodyguards ng Kuya niya dahil kabisado ni Juan ang pasikot-sikot sa condominium. Habang nasa biyahe sila ni Juan ay napapaisip siya kung ano ba ang dapat niyang gawin.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Juan, nilingon niya ito saka tipid na ngumiti.
"Will you marry me?" Ani ni Juan na ikinalaki ng mga mata niya. Hindi niya lubos maisip na yayayain siya nitong magpakasal. Bago pa lang ang relasyon nilang dalawa tapos kasal na agad ang nasa isip nito.
"W-what?" Mahinang usal niya. Bahagyang tumawa si Juan.
"I said, will you marry me?" Casual nitong ulit sa kanya. Napalunok ako, hindi biro ang tanong nito.
"Are you serious?" Balik tanong ni Venus kay Juan.
"Yes, i'm serious V. Let's get married baka sakaling tigilan ka na ng Kuya mo. Hindi naman habang panahon nagtatago ka sa kanya." Ani ni Juan.
Natigilan siya sa sinabi nito. Oo nga naman may punto rin ito. Pero tama bang pumayag siya sa alok nito? Napa-kagat labi siya habang nag-iisip. Pero wala siyang matinong maisip.
"Sigurado ka?" Tanong niya kay Juan. Nakangiting tumango si Juan.
"Okay, let's get married." Agad niyang saad dito.
Sa araw na ring iyon ay ikinasal silang dalawa sa Mayor. Kakilala ito ni Juan kaya madali lang na i-process ang lahat. Tanging ID lang niya ang ipinakita at ganoon din si Juan. Hindi na niya alam kung paano nangyari dahil ang bilis ng pangyayari sa araw na 'yon.
Hindi lubos maisip ni Venus na kasal na siya sa boyfriend niyang hindi niya pa naman masyadong kilala pero inisip niya na lang na makikilala rin nila ang isa't isa habang magkasama sila bilang mag-asawa.
Nasa bagong condo na siya ni Juan ngayon. May inasikaso pa ito kaya iniwan muna siya nitong mag-isa sa condo. Ngayong kasal na siya hindi na siguro siya guguluhin ng Kuya niya, at sigurado siyang mapapatay siya ng bestfriend niya kapag nalaman nitong kasal na siya.
Napatingin siya sa hawak na marriage contract. Tatlong araw na silang kasal ni Juan pero hindi pa sila nagtatalik. Bumilis ang pintig ng puso niya. Mahal niya naman si Juan at masaya siya sa piling nito at wala itong ginawa na hindi niya nagustuhan. Kaya deserve lang din nito na ito ang unang lalaking makakauna sa kanya. And besides, asawa na niya ito kaya may karapatan na ito pati sa katawan niya.
Napa-kagat labi na naman siya habang nakatitig sa marriage contract nila, nakalagay ang name at pirma niya pati na ang pirma at pangalan ni Juan. Tatlong araw na ring hindi umuuwi si Juan, pagkatapos ng kasal nila ay inihatid lang siya nito sa condo at sinabing pupunta lang muna sa Hacienda Buenavista, may aasikasuhin daw ito. Ang dami niyang tanong dito pero saka na lang pagbalik nito.
Tinawagan niya si Loisa, agad naman nitong sinagot ang tawag niya.
"V, how are you? Alam mo bang walang tigil sa kakahanap ang Kuya mo sa'yo." Hindi makapaniwalang saad ni Loisa. Bumuntonghininga siya.
"Lo, i'm already married." Sabi niya sa kaibigan. Ilang segundo na wala siyang narinig mula rito.
"Lo–"
"You b***h! What are you talking about?" Asik nito. Napangiti siya saka napailing dahil sa reaksyon nito.
"I married Juan 3 days ago and–"
"Are you crazy!" Bulalas ni Loisa sa kanya, halatang hindi makapaniwala sa sinabi niya,"my goodness V! What are you thinking? Hindi n'yo pa masyadong kilala ang isa't isa tapos nagpakasal ka na."
Halata sa boses ni Loisa ang iritasyon at pag-aalala. Naiintindihan niya naman ang kaibigan, maski siya ay katulad din nito ang magiging reaksyon kapag nalamang biglaang nagpakasal ang kaibigan.
"This is the only solution–"
"No! Hindi ang pagpapakasal kay Juan ang solusyon, Venus Chavez!"
Putol nito sa sasabihin niya, alam niyang naiinis na ito sa kanya dahil sa pagbanggit nito sa buong pangalan niya kasama pa ang apelyido. Bumuga siya ng hangin.
"It's Buenavista now, Lo. I am Venus Chavez Buenavista." Pagtatama niya sa kaibigan na hindi na lang pinansin ang galit nito.
"Whatever, V!" Pagtataray nito sa kanya. Napangiti siya, madali lang naman mawala ang inis nito sa kanya. Narinig niyang bumukas ang pintuan ng condo, nasa kusina siya dahil kakatapos niya lang kumain.
"I'll call you later, Lo. Mukhang nandito na si Juan." Ani niya sa kaibigan na agad namang nag-goodbye sa kanya. Napapailing na lang siya.
Nagmamadali siyang nagtungo sa sala at si Juan nga ang naabutan niya sa sala. Halata sa hitsura nito na pagod na pagod pero nang makita siya ay umaliwalas ang mukha nito. Nang makita niya rin ang nahahapong mukha nito ay nakalimutan na niya ang mga gustong itanong dito.
"Hi." Nakangiting bati nito sa kanya.
"Hello." Ganting bati niya rito, parang ang awkward pero binalewala niya na lang, "kumain ka na ba? Nag-luto ako."
Matamis na ngumiti si Juan sa kanya.
"You sounds like my wife now..." He said, teasing her.
"Hindi nga ba asawa mo ako?" Ganti niya rito, natawa na lang ito.
"Here, i hope you like it." Sabi ni Juan sabay abot sa kanya ng bulaklak, napaawang ang labi niya. Its Lily of the valley, paborito niyang bulaklak ito. Bukod sa mabango na ay mahal pa ang mga ito at bibihira lang ang nagbebenta ng ganitong bulaklak sa Pilipinas.
"Wow, its beautiful. Thank you so much." Masaya niyang tinanggap ang bulaklak at sinamyo ang mabangong amoy nito.
"Hindi kasi kita nabigyan ng bulaklak nang ikasal tayo. Sorry it's late." He said sincerely. Saka humakbang palapit sa kanya at masuyong hinaplos ang pisngi niya.
Hindi niya ito pinigilan ng ilapit nito ang mukha sa kanya para halikan siya, taos-puso niya itong tinanggap lalo na nang tuluyan na siyang angkinin nito.
Juan was very gentle of her, they made love and it was very amazing. Kaya hindi niya pinagsisihan na ito ang lalaking nakauna sa kanya.
***