Chapter 3

1531 Words
"What?" Parang wala sa sariling usal ni Venus nang marinig niya ang sinabi ng Kuya niya. Wala siyang duty sa araw na ito kaya umuwi siya sa bahay nila para na rin kumustahin ang Kuya niya. Bibihira na lang siyang makauwi dahil may Condo siyang tinitirhan, provided ng Airlines company nila. Dalawang buwan na rin ang nakalipas simula ng magbakasyon siya sa LA, at mag-iisang buwan na rin silang mag-on ni Juan. Two weeks lang itong nanligaw sa kanya at agad na niya itong sinagot. Gusto na niyang magkaroon ng seryosong boyfriend at sa tingin niya ay si Juan na ang lalaking iyon. Para sa kanya ay na kay Juan ang katangiang hinahanap niya sa isang lalaki. Gentleman, thoughtful, caring and may sense of humor. At higit sa lahat masayahin ito. Para bang walang problemang hinaharap kaya nadadala siya sa positive vibes nito. "You heard me right, Venus. You need to marry my business associate to save our company. Malaki rin ang utang ko sa kanya dahil sa kompanya." Ani ni Vince, ang Kuya niya. "Nagpapatawa ka ba Kuya? Paano ako magpapakasal sa isang taong hindi ko kilala at higit sa lahat ay hindi ko gusto!" Asik niya rito, ngayon niya pinagsisihan ang pag-uwi niya ng bahay. Kung alam niya lang na ganito ang sasalubong sa kanya, hindi na sana siya umuwi. "Hahayaan mo bang mailit sa banko ang kompanya natin? Nakasangla sa banko ang kompanya, Venus! Don't be selfish." Mariing sabi ni Vince sa kapatid. Ang kapatid niya na lang ang naiisip na tanging paraan para maisalba ang kompanya nila. Napabayaan niya ang kompanya dahil na-focus ang atensyon niya sa pagsusugal. Pati ang pera sa kompanya ay nagamit niya. "But why? Bakit nakasangla ang kompanya, Kuya? As far as i know okay ang kompanya bago namatay sina Mommy at Daddy." Naguguluhang turan ni Venus. "Huwag kang mag-magaling dahil wala kang alam! Hindi nga ba at ayaw mong magtrabaho sa kompanya dahil gusto mong maging FA? Hindi sana ay natulungan mo ako kung tungkol sa business ang inatupag mo!" Asik ng Kuya niya. Natigilan siya sa sinabi nito. She felt guilty. Oo nga naman, baka nahihirapan ang Kuya niya sa pamamalakad ng kompanya kaya siguro na bankrupt ito. Pero imposible naman yata dahil bata pa lang ito ay sinanay na ito ni Daddy kung paano ang pasikot-sikot sa larangan ng business lalo na sa kompanya. May sapat itong training at knowledge about the company. "Pero Kuya...wala na bang ibang paraan? Magkano ba ang kailangan?" Mahinahon niyang tanong sa Kuya Vince niya, naiiyak na rin siya. "Malaking halaga ang kailangan, Venus. Ayaw kong makuha ng banko ang kompanya dahil ito na lang ang tanging habilin nina Mommy at Daddy para sa atin." Malungkot na saad ni Vince sa bunsong kapatid. Mas lalo niyang ginalingan ang pagpapaawa ng mukha para madala ang kapatid. Kilala niya si Venus, matigas ito pero may pusong mamon din. "Please sis, magtulungan tayo sa ngayon." Muling pakiusap ni Vince, nakikita niya sa hitsura ng kapatid na papayag na ito. "I'm confused Kuya, paanong nagkautang ang kompanya at paanong nasangla ito sa banko? Ang alam ko ay maganda ang takbo ng negosyo nitong mga nakaraang taon." Napapaisip na saad ni Venus. "Ano bang alam mo sa negosyo, Venus? Wala kang ibang alam kundi mag-travel lang sa iba't ibang bansa!" Matigas ang boses na saad ni Vince. "That's part of my job, Kuya. At isang beses lang sa isang taon ako nakakapag-bakasyon. Kaya nga ngayong taon na ito ay sinulit ko ang bakasyon ko." Pangangatwiran ni Venus sa kapatid. "Huwag na nating ibahin pa ang usapan, ang pakiusap ko lang sa'yo ay pakasalan mo ang kaibigan kong business associate dahil 'yon lang ang tanging paraan para maisalba ang kompanya. Malaki rin ang pagkakautang ko sa kanya." Pakiramdam ni Venus ay tumutulo ang pawis sa noo niya. Tumayo siya sa kinauupuan niya. Mas lalong naging komplikado ang lahat. "I'll think about it Kuya, malalaman mo mamaya ang sagot ko." Ani ni Venus, hindi na niya hinintay pa ang isasagot ng kapatid dahil umakyat na siya sa taas papunta sa silid niya. Pag-iisipan niya ng mabuti, kung tutuusin mag-iisang buwan pa lang sila ni Juan. Kung sakaling maghihiwalay sila hindi pa naman siguro ganoon kasakit. But he was so good to be true, parang hindi niya magawang saktan ang damdamin nito. Tinawagan ni Venus si Loisa, gusto niyang maglabas ng sama ng loob dito. "I'm sorry, V." Malungkot na saad ni Loisa sa kanya pagkatapos niyang magsabi rito tungkol sa napag-usapan nila ng Kuya niya. "I don't understand, Lo. Ang gulo ng isip ko ngayon." Sabi niya. Pinipigilan niyang hindi mapaiyak. "I'm sorry about what happened to your company, V. Sabi ni Daddy nalulong sa sugalan ang Kuya mo kaya pati pera sa kompanya ay nagamit niya. Madami rin siyang utang." Sabi ni Loisa. Bumangon ang galit sa dibdib ni Venus nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Kung ganoon napabayaan ng Kuya niya ang kompanya nila dahil sa bisyo nito. Tapos ngayon gagamitin siya para pambayad utang at para matubos ang kompanya. Ang awang naramdaman niya sa kapatid kanina ay naglaho. Binuksan niya ang pinto ng kwarto para lumabas ngunit nagulat siya ng makitang may dalawang bodyguard na nakatayo sa labas. "Ma'am, sabi ni Sir Vince bawal po kayong lumabas sa silid ninyo." Sabi ng isang bodyguard. Nakaramdam ng takot si Venus, mukhang alam na niya ang mangyayari. Kung sakaling tumanggi man siya sa kagustuhan ng kapatid ay malamang sapilitan siya nitong ipakasal sa kaibigan nito. "Kakausapin ko lang si Kuya, nasaan ba siya?" Nakangiti niyang tanong. Pinilit niyang ikalma ang sarili pero sa totoo lang ay bumibilis ang t***k ng puso niya dahil sa kabang nararamdaman. "Umalis po pero babalik din po agad. May ipag-uutos po ba kayo?" Matamis siyang ngumiti sa mga ito. "Wala naman akong kailangan. Mamaya na lang ako lalabas kapag dumating na si Kuya, magpapahinga lang ako." Sabi niya sa mga ito, saka sinara ang pinto. Sinigurado niyang naka-lock ito. Palakad-lakad siya sa loob ng silid, kailangan niyang makaalis sa bahay nila dahil kinakabahan siya. Sigurado siyang may hindi magandang mangyayari. Kailangan niyang tawagan si Juan para matulungan siya. Ilang minuto ang lumipas ay muling binuksan ni Venus ang pinto ng silid niya at walang pakialam sa dalawang bodyguard, deretso siyang lumabas sa silid at bumaba papunta sa sala. Parang aso namang nakabuntot ang dalawa sa kanya. "Bakit kayo nakasunod sa akin?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa mga ito. "Sumusunod lamang kami sa utos ng Kuya mo, Ma'am." Sagot ng isang bodyguard. "Ganoon ba, hindi ko alam kung bakit ako pinapabantayan ni Kuya sa inyo na para bang criminal. How pathetic." She said with a voice full of sarcasms. Hindi nagkomento ang mga ito sa sinabi niya. Nagtungo siya sa kitchen, iniisip niya kung paano makakatakas sa dalawang bantay. May naisip na siyang paraan, nagtungo siya sa CR, naalala niyang may maliit na sliding window na nandoon. Siguradong kakasya siya dahil slim naman ang katawan niya. Hindi na siya nagsayang pa ng oras. Ginawa na niya ang dapat gawin. Hindi nga siya nagkamali dahil nagkasya siya nga siya. Madali siyang nakalabas. Buti na lang hindi siya nahalata ng mga guards nang lumabas siya sa gate, busy ang mga ito sa usapan. "Venus!" Si Juan. Pagkakita niya rito ay agad siyang tumakbo patungo rito at niyakap niya ito ng mahigpit. Nakaabang na ang sasakyan nito sa di kalayuan ng bahay nila. Kanina ay tinawagan niya ito at nasabi niya na rito ang gustong mangyari ng Kuya niya. "Are you okay? Namumutla ka." Nag-aalalang tanong ni Juan sa kanya, sinuri pa nito ang sarili niya. "Yes, i'm okay Juan. Umalis na tayo rito baka mahalata ng mga bodyguards ni Kuya na wala na ako sa bahay." Natataranta kong sabi rito. Agad kaming sumakay sa kotse, mabilis na binuhay ni Juan ang engine ng kotse at mabilis itong pinatakbo palayo sa bahay. Nakahinga ng maluwang si Venus nang makalayo na sila. Napahawak pa siya sa dibdib niya dahil pakiramdam niya ay hindi siya makahinga dahil sa sobrang kaba. Gusto niyang umiyak pero ayaw niyang panghinaan ng loob. "Gusto mo bang sa Condo ko muna magpalipas ng gabi?" Untag sa kanya ni Juan. Gumagabi na nga pala, lihim siyang napamura. "Okay lang ba?" Nanghihinang tanong niya rito. "Of course, hindi mo naman siguro ako gagapangin kapag hating-gabi na." Biro nito. Napatawa na lang siya. "Ako pa ngayon? Baka nga ikaw ang mag-take advantage sa akin kapag nasa Condo muna ako eh. You know na, uso ngayon ang ninja moves ng mga kalalakihan." Napatawa ng malakas si Juan sa sinabi niya saka iiling-iling. Medyo nabawasan ang bigat ng pakiramdam niya dahil sa pagiging masayahin nito. Pinapagaan nito ang loob niya. "Thank you, Juan." Pasasalamat niya rito, hinawakan nito ang kabila niyang kamay habang ang isang kamay naman nito ay nasa manibela. "You're always welcome, V. I'm glad you called me." Isang tipid na ngiti ang isinagot niya rito. Alam niyang sa oras na malaman ng Kuya niya na wala na siya sa bahay ay magwawala ito dahil sa galit. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD