Chapter 5

1543 Words
Nagmamadaling nagtungo si Venus sa bathroom nang maramdaman niya ulit na parang bumabaliktad na naman ang sikmura niya. Muli na naman niyang isinuka ang kinain kanina. Apat na araw na siyang laging nagsusuka hanggang sa manghina siya. "s**t!" Napamura siya nang makabalik sa kama para humiga ulit, umiikot pa ang paningin niya. Hindi naman siya napagod ngayong araw na ito dahil wala naman siyang ibang ginawa kundi kumain, matulog at manood lang ng Netflix. She was bored to death! Halos tatlong buwan na ang nakakalipas at hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik si Juan! Hindi rin naman siya makalabas dahil sa takot na baka magtagpo ang landas nila ng Kuya niya. Buti na lang pumayag ang Airlines na pinagta-trabahuan niya na mag-leave muna siya pansamantala. Last month ay nagpaalam na naman sa kanya si Juan na uuwi sa Hacienda Buenavista, lagi nitong bukambibig ang lugar na 'yon. Sinabi pa nitong pagbalik niya ay isasama na siya para maipakilala sa lahat. May importante lang daw siyang aayusin doon. Noong una ay panay pa ang text at tawag nito sa kanya para kumustahin siya pero ngayon ay wala na siyang natatanggap na balita mula rito. Bigla siyang kinabahan, hindi kaya tinakasan siya nito? Napapailing siya sa naiisip. Hindi iyon gagawin ni Juan, kahit hindi na sila madalas na nag-uusap at madalang na lang silang nagkikita dahil masyado itong busy, panay ang alis nito sa condo. Minsan ay inaabot ito ng isang linggo bago umuwi. Ngayon lang ang pinakamatagal. Alam niyang hindi nito magagawang lokohin siya. Mabilis niyang tinawagan ang kaibigan. Agad naman nitong sinagot ang tawag niya. Ang huli nilang pag-uusap ay noong sinabi niyang kasal na siya. "Hello Lo?" "Yes." Walang emosyong sagot nito, alam niyang may tampo ito sa kanya. "Lo, i need your help." Sabi niya agad dito. "So, ngayon hihingi ka na ng tulong sa akin pagkatapos mong sabihin sa akin na ikinasal ka na–" "Loisa, i really need your help. Magpapasama ako sa'yo sa ospital." Agad niyang putol sa sasabihin nito. "What happened? May sakit ka ba?" Nag-aalalang saad nito, ang tampo sa boses ay napalitan ng pag-aalala. "Masama ang pakiramdam ko." Daing niya rito. "Where are you? Susunduin kita... Wait, nasaan ba si Juan?" "I don't know..." Sagot niya, biglang gumaralgal ang boses niya. Napaiyak na siya, hindi niya alam kung bakit nagiging emosyonal siya nitong mga nakaraang araw, "hindi ko alam kung nasaan si Juan, hindi ko alam..." She said hysterically. "Hey, V... Calm down okay. Just relax, just text me your address and i'll be there." Ani ni Loisa, tumango siya kahit alam niya namang hindi nito nakikita ang pagtango niya. After 25 minutes ay dumating ang bestfriend niya, she was crying the moment she saw her. Loisa hugged her and calm her down. "Goodness Venus! Stop crying..." Alo ni Loisa sa kanya, hindi na rin nito alam kong ano ang gagawin. "Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ng ganito, Lo. I was confused, lalo na ngayong hindi ko ma-contact si Juan tapos masama pa ang pakiramdam ko at wala siya." Umiiyak niyang sumbong sa kaibigan. Niyakap lang siya ni Loisa hanggang sa kumalma siya. Pakiramdam ni Venus ay medyo gumaan ang pakiramdam niya. Sinamahan na rin siya nito sa ospital para magpa-check up. "Mrs. Buenavista, here's your result." Tawag sa kanya ng assistant nurse. Agad siyang tumayo sa waiting area para kunin ang result ng check-up niya. Pagkatapos ay bumalik siya sa upuan kung saan naghihintay si Loisa. Natigilan siya nang makita ang resulta ng check-up niya. "Anong result?" Curious na tanong ni Loisa sa kanya nang mapansin nitong hindi na siya gumagalaw sa kinauupuan. "Positive." Walang emosyong saad niya kay Loisa, napakunot naman ang noo nito. "Anong positive ang pinagsasabi mo?" Sabi nito saka inagaw ang papel sa kanya at tiningnan ito. Napasinghap ito sa resultang nakita. "My God! V, positive nga. You're 7 weeks pregnant." Hindi makapaniwalang usal ni Loisa. Maski siya ay hindi makapaniwalang buntis siya. Simula nang ikasal sila ni Juan ay dalawang beses lang may nangyari sa kanila. Ang huli ay bago ito umalis papunta sa Hacienda Buenavista. Hindi naman sa ayaw niyang makipagtalik sa asawa dahil sa loob ng halos dalawang buwan nilang pagsasama ay hindi sila masyadong intimate sa isa't isa, hug and kisses are enough with him. Minsan nga nasasabi niya sa sarili kung maganda ba talaga siya o attractive dahil mukhang wala naman siyang nakikitang pagnanasa sa mga mata nito. Pero bakit okay lang sa kanya? Bakit pakiramdam niya na okay na rin ang ganoon na wala silang masyadong intimate relationship sa isa't isa kahit pa sabihing mag-asawa sila. Siguro na misunderstood lang niya ang sitwasyon nila, hindi pa kasi nila masyadong kilala ang isa't isa, hindi rin naman ma-kwento si Juan tungkol sa pamilya nito at hindi rin siya nagtatanong, gusto niya kusa itong magkwento sa kanya. "V, are you listening?" Untag sa kanya ni Loisa. "Ha?" "Ang sabi ko paano na ngayong buntis ka?" "I don't know..." Usal niya, naiiyak na naman siya. Lalo na ng maisip niya si Juan, nasaan na kaya ito? Pinagtataguan ba siya nito? "V, huwag kang ma-stress nakakasama sa baby mo..." Masuyong saad ni Loisa saka ginagap ang palad niya."You need to be strong for your baby." "Tama ka Lo, kailangan kong magpakatatag lalo na ngayong buntis ako. Kailangan ko itong ipaalam agad kay Juan." Sabi niya sa hindi siguradong boses. "Akala ko ba hindi mo na siya ma-contact?" "Bahala na, tatawagan ko siya ulit. Kailangan ko ring malaman kung ano na ang nangyari sa kanya." "Paano kapag pinagtaguan ka niya?" Sabi ni Loisa. Pagak akong napatawa. "Lo, kilala ko si Juan. Kahit hindi kami matagal na nagsama, hindi niya ako magagawang pagtaguan pero kung totoo nga iyang sinasabi mo ay kahit saang lupalop pa siya ng mundo nagtatago ay hahanapin ko siya dahil ayaw kong lumaki ang anak ko na walang ama." Mariin niyang sabi kay Loisa. Napangisi naman ito na ikinakunot ng noo niya. "That's my bestfriend, laban lang!" Nakangising saad ni Loisa na halatang pinapagaan ang pakiramdam niya, napatawa na lang siya. But deep inside she was stressed. Inihatid na siya ni Loisa sa condo unit ni Juan. "Are you sure okay ka lang na mag-isa rito? Sasamahan na lang kita–" "Lo, i'm fine. Hindi porke't buntis ako ay imbalido na ako!" Naiirita niyang sabi sa kaibigan. "V, i'm just worried. Buntis ka at wala kang kasama rito–" "Lo, i'm fine. Baka umuwi na rin si Juan." Muling putol niya sa sasabihin nito. Huminga ng malalim si Loisa. "Okay fine, tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka." Ani ni Loisa. "I need your car." Agad niyang sabi rito,"alam mo namang hindi ko puwedeng kunin ang kotse ko sa bahay, baka makita ako ni Kuya kaya pahiram na lang ng kotse mo para may magamit ako." Sabi niya. Totoo naman, para may magamit siya papunta sa Hacienda Buenavista. Pupuntahan niya si Juan pero hindi niya sasabihin sa kaibigan. Alam niyang sasamahan siya nito at ayaw na niya itong abalahin pa. Naningkit ang mga mata ni Loisa na napatitig sa kanya, hindi niya sinasalubong ang tingin nito baka mabasa nito kung ano ang nasa isip niya. "I need to buy groceries, Lo. Nakakapagod mag-commute. Mas maiging may kotse." Pagdadahilan niya. "Okay, call me kapag may emergency na nangyari." Sabi nito saka inilapag ang susi ng kotse sa center table. "Thanks." Tipid siyang ngumiti at muli na namang nag-iwas ng tingin dito. Ilang oras ding nanatili si Loisa sa condo para samahan siya. Kinabukasan maagang gumising si Venus para mag-ayos at mag-empake ng gamit. Isang malaking maleta ang dala niya na ang laman ay mga damit niya at iilang mga shoes at bags at kung anu-ano pa. She was determined to follow Juan and go to his place called Hacienda Buenavista. Na research na niya sa google map ang location ng Hacienda–and it was located somewhere in the province area. Mukhang mapapalaban siya sa biyahe dahil mula Manila papunta doon ay mahigit anim na oras ang biyahe at kung traffic pa palabas ng Manila area ay mas lalong matatagalan. Kaya nga inagahan niya ng gising, para eksaktong alas syete ng umaga ay aalis na siya. Sinuri ni Venus ang sarili sa malaking salamin kung ayos lang ang suot niya. Kinapa niya rin ang tiyan niya na hindi pa naman halata, mukhang hindi nga siya buntis. Komportable siya sa suot niyang short na hanggang hita ang haba, naka-crop top siya na kulay white at pinatungan niya lang ng maong na blazer. Bahagyang nakikita ang pusod niyang may piercing pa. Kailangan niya na pala itong tanggalin kapag lumaki na ang tiyan niya. Isinuot na niya ang gold-tone leather ankle-length lace-up booties niya. Sa lahat ng boots niya ay ito ang pinakamahal dahil sa snakeskin effect nito na totoo naman talagang yari ito sa balat ng ahas. At saka hindi gaanong kataasan ang heels, komportable siyang suotin ito. Naglagay lang siya ng light make up sa mukha at itinali pataas ang mahaba niyang buhok na natural na may pagka-wavy. She's good to go... See you Hacienda Buenavista. Saad ng isip niya. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD