Tumingin si Juan kay Venus na ngayon ay parang wala sa sarili dahil sa sobrang iyak. Kailangan niyang ipagtapat dito ang totoo kung iyon ang magiging dahilan para manatili ito sa Hacienda. Nakaramdam siya ng awa rito. She looked so vulnerable. Hindi niya mawari kung ano ang nakita ni Miguel sa babaeng ito bukod sa ganda nito ay wala na siyang ibang makitang dahilan. Unti-unting bumalik sa alaala niya ang huling pag-uusap nila ni Miguel. Ang araw kung kailan ito namatay. "Ang aga mong nagising ah, maaga ka bang luluwas sa Maynila?" tanong niya kay Miguel nang maabutan niya ito sa sala, alas sais pa lang ng umaga ay nakagayak na ito. Malapad itong ngumiti sa kanya. Nang dumating ito sa Hacienda ay nagpaalam na ito na magpa-file ng annulment. Hindi na kami tumutol dahil patay na naman a