Chapter 20

1440 Words

Nababagot na si Venus, pangatlong araw na niya sa hacienda at halos hindi siya lumalabas sa kwarto loob ng dalawang araw. Ayaw niyang makita si Juan at natatakot siyang baka makasalubong niya na naman si Annaliz. Pero ngayon ay naisipan niyang lumabas, alas singko na ng hapon at hindi na masyadong mainit saka malamig ang simoy ng hangin. Siguro naman ay wala si Juan, pansin niya ay lagi itong busy. Nang makalabas siya ay nakita niyang naglilinis ang mga katiwala sa labas ng mansion. Ang iba ay nagdidilig ng mga halaman at nagwawalis sa harapan ng mga tuyong dahon na nahulog sa mga puno'ng nakatanim sa gilid ng mansion. Siguro nadala ng hangin kaya umabot sa malawak na bulwagan ng mansion. "Magandang hapon, Señorita." Nakangiting bati sa kanya ng isang babaeng katiwala, tingin niya ay ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD