"You can't leave." Ang baritonong boses ni Juan ang narinig nila kaya napatingin sila rito. Muntikan na siyang mapasinghap sa biglaang pagdating nito. Madilim ang mukha nito at halata ang galit sa mga mata. Ang alam niya ay nasa Maynila pa ito pero bakit nandito ito ngayon? Naguguluhang saad ng isipan niya. "At bakit hindi siya aalis, Juan? Ang mga kabit na katulad niya ay hindi nababagay rito!" Galit na galit na turan nito. "Shut up, Annaliz!" singhal ni Juan dito. Bumaling ang tingin nito kay Vincenzo na patuloy pa rin sa pag-iyak. "Umuwi ka muna sa Villa, Vince. I'll talk to you later." Malumanay na saad ni Juan. Marahan naman itong tumango saka tumalikod na. Naglakad ito sa mahabang panthway na napapaligiran ang bawat gilid ng mga naka-hilirang halaman at palm trees. Sa dulo ay m