Malalim ang nasa isip ni Juan habang nagmamaneho papunta sa bahay ng kaibigan nilang si Primo. Kasama niya si Luis ngayon, hindi niya alam kung bakit hindi pa ito natatanggal sa paaralang pinapasukan nito gayong para namang hindi pumapasok. Kanina lang ay galing na sila sa bahay ni Mirabella, sabi ng parents nito ay nagkasalisihan lang silang dalawa. Pagdating niya ay dalawang minuto lang yata ang pagitan na siyang pa-alis ni Mirabella. Ipinaliwanag niya ang lahat na walang kasalan na magaganap dahil sa sitwasyon niya ngayon. Nahihiya siya sa mga magulang ni Mirabella dahil naging malapit na rin ito sa kanya simula pa noon. Pero hindi man lang niya nakita na nagalit ang mga ito sa kanya bagkus ay pang-unawa ang nababakas niya sa mga mukha nito, siguro dahil na rin sa ayaw na nilang dum