Kanina pa nagku-kwentuhan sina Venus at Lolita, nalaman ni Venus na isa pa pala itong 3rd year college student at Accounting ang kursong kinuha,pinapa-aral ito ng Mama ni Juan. Akala niya ay kaedad niya lang ito pero twenty two years old pa pala ito. "Ikaw ate Venus, ano ba ang trabaho mo sa Maynila?" tanong ni Lolita. Sasagot na sana siya nang dumating ang owner type jeep ni Juan. Kasama nito si Luis at sabay pa na bumaba sa sasakyan ang dalawa. Napayuko siya nang magtama ang paningin nila, ngayon niya lang ito ulit nakita pagkatapos niya itong sampalin. Nararamdaman niya ang titig nito sa kanya dahil kakaibang kilabot ang nararamdaman niya sa buong katawan. "Hello, ladies." Bati ni Luis sa masiglang boses, tumingin siya rito. "Hi." Tipid niyang ganti saka ngumiti. Hindi niya pansin