"Salamat." Nakangiting pasasalamat ni Venus dito. Naiinis siya dahil matamis itong nakangiti kay Luis kaya ang ginawa niya ay hinila na niya si Luis palayo sa silid nito. "Wow ha! Kailan ka pa naging possessive, Juan?" pang-aasar ni Luis sa kanya na may himig panunukso ang boses. Kinaladkad niya ito pababa sa hagdanan. "Anong possessive ang pinagsasabi mo riyan? Baka madala siya sa charm mo, manloloko ka pa naman." Pagdadahilan niya. "Kilala kita Juan kaya huwag mo akong pinagloloko." Ani nito na nakangisi pa. "Ako ang huwag mong pinagloloko Luis, bakit inako mo na ikaw ang nagdala ng gamit niya? Sinungaling ka talaga." Naiinis niyang saad. Nagkibit-balikat lang ito. "Ayaw mong aminin eh, torpe ka kasi. Kay Mirabella ka lang naman malakas kasi alam mong wala kayong feelings sa isa