He wanted to kiss her again. Pakiramdam ni Juan kapag hindi niya ito nahalikan ngayong gabi ay hindi siya makakatulog. Damn it! Pinagsisihan niya ang ginawa niya kanina na bigla niya na lang itong hinalikan. Hinahanap-hanap niya na tuloy ang labi nito. Gusto niyang halikan ito ulit para siguraduhin sa sarili na walang pinagkaiba ang labi nito sa mga ibang babaeng nahalikan niya noon. Ang naramdaman niya kanina nang halikan ito sa unang pagkakataon ay dala lang ng galit niya. Pero hindi ba galit din siya ngayon dahil kinawayan nito si Luis? Damn it! Hindi na niya maintindihan ang sarili. He gently caressed her waist. May bolta-boltaheng kuryente ang gumapang sa iba't ibang parte ng katawan niya. He was doomed! He leaned in to kiss her, just this once... Pero hindi pa nakakalapat ang