"You're staring at me, as if you want to eat me." He said hoarsely. Napalunok siya saka tinalikuran ito para itago ang init na nararamdaman niya sa katawan nang makita si Juan na walang suot na tshirt. Kapag nagsalita pa naman ito ng english language ay napaka-sensual and fluent. "Assuming ka naman." She murmured. Napaigtad siya ng maramdaman ang presensya nito sa tabi niya, nakalapit na pala ito. Isang nakakatakot na irap ang ipinukol niya rito. "May sinasabi ka ba?" tanong nito na ang mga mata ay nakatitig sa mukha niya. Nakahinga siya ng maluwang dahil suot na nito ang tshirt. "Ang sabi ko luluwas na ako sa Maynila ngayon." Walang emosyong saad niya rito. Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Are you sure?" amused na saad nito saka tumingin sa may entrance kaya sinundan niya rin