Chapter 2

1578 Words
"That was really funny. " Natatawang turan ni Venus sa biro ni Juan. Nagpakilala ang lalaki sa kanya bilang si Juan Buenavista. Kalahating oras na silang nag-uusap at hindi man lang nakaramdam ng pagkabagot si Venus. The guy has a sense of humor, napapatawa siya nito at bukod sa guwapo na ay friendly pa. Bumalik lang si Loisa sa table nila para ibigay ang drinks niya pagkatapos ay sumama na ito sa kalandiang lalaki. "Hindi ko akalain na makakatagpo ako ng magandang Filipina rito sa LA." Ani ni Juan. "Now you're flirting with me, Mister." Nakangiti kong sagot dito. "I'm not, you're really beautiful. Pagpasok mo pa lang sa Bar na ito ay sa'yo na agad naka-focus ang mga mata ko." He said huskily. Tinawanan niya lang ito. "Bukod sa joker na ay bolero ka rin pala." Ani niya rito sa natatawang boses. "I'm telling the truth, Venus. And your name suits you." "Thank you." Nakangiti niyang sagot. Wala na siyang ibang masabi pa kundi magpasalamat na lang. "Why don't we dance?" Ani ni Juan. "Sure." Sagot naman ni Venus. Tumayo na silang dalawa at nagtungo sa dance floor. Juan was a gentleman. Napansin iyon ni Venus dahil kahit nagsasayaw sila ay hindi siya nakakaramdam ng malisya rito kahit pa halos magkadikit na ang katawan nila. Iniiwas pa siya nito na madikit ang katawan niya sa ibang lalaki. She thought that he is the ideal man she's been looking for. Not only a boyfriend material but also a husband material. He looks responsible enough to handle a family. Gusto ng iuntog ni Venus ang ulo sa pader dahil kung anu-ano na lang ang naiisip niya. Wala pa siyang balak na mag-asawa tapos nakikita na niya si Juan bilang isang ideal husband. Nag-enjoy si Venus sa presensya ni Juan, nagpaalam siya kay Loisa na mauna na siyang umuwi dahil pagod na siya. Inihatid siya ni Juan sa Apartment. "Salamat sa paghatid mo, Mr.Gentleman," nakangiting turan ni Venus nang nasa labas na sila ng Apartment. "You're welcome, Ms.Beautiful." Sagot nito sa kanya. "Gusto mong pumasok? Masarap akong magtimpla ng kape." She said seductively, sinadya niyang pabirong akitin ito. Tumawa lang si Juan. "Next time na lang siguro baka gahasain mo pa ako." Biro nito. "Ako pa talaga?" Natatawang saad ni Venus, alam niyang nagbibiro lang din ito. "Anyway, i have to go. I'll call you tomorrow." Sabi ni Juan. Marahan siyang tumango rito. Kanina ay ibinigay niya ang number nito. Napag-alaman niya rin na isa itong businessman at ngayon lang nagkaroon ng oras na magbakasyon sa LA. Nakangiting pumasok sa loob si Venus nang makasakay na sa taxi si Juan. Nagtimpla siya ng kape. Konti lang naman ang nainom niya pero kailangan niyang magkape. Nakapag-shower at nakabihis na siya ay wala pa rin si Loisa, hanggang sa makatulog na siya sa paghihintay rito. "Rise and shine!" Ang matinis na boses ni Loisa ang nagpagising sa kanya. Itinakip niya ang isang unan sa ulo niya pero agad din nitong kinuha ang unan. "What?" Naiiritang sita ni Venus dito, inaantok pa siya. Nakasuot ito ng puting roba at tila katatapos lang mag-shower. "V, 1pm na." Ani nito sa mataray na boses. Bumangon siya at isinandal ang ulo sa headboard ng kama. Nakangising umupo sa kama si Loisa, halata sa mga mata nito ang panunukso. "Mukhang pagod na pagod ka ah, magaling ba? Napasigaw ka ba?" Nakangising tanong nito sa kanya, napakunot naman ang noo niya sa tanong nito pero alam niya kung ano ang tinutukoy nito. "Tumigil ka nga, walang nangyari ano! Hindi siya katulad ng ibang lalaki." Sagot niya sa kaibigan, umismid lang si Loisa sa kanya. "Asos! Walang lalaki ngayon ang walang libog sa katawan kahit pa sabihing gentleman." Ani nito. "Lo, trust me. Wala ngang nangyari, inihatid niya lang ako. Ni hindi nga pumasok para magkape man lang." Paliwanag ni Venus. "Talaga? Sinadya ko pa namang hindi umuwi agad kasi akala ko dinala ka na niya sa heaven." Natawa siya rito. "Napagod at napuyat ako sa kakahintay sa'yo, ano! Hanggang sa makatulog na lang ako. Anong oras ka ba umuwi?" Usisa niya rito. Matamis itong ngumiti. "Around 4am na ako nakauwi, V. You know na..." Kibit balikat na sagot nito. "Yes, i know na. Huwag mo nang i-kuwento sa akin." Ani ni Venus, tumayo na siya at nagtungo sa bathroom baka magkwento na naman ang kaibigan about sa s*x life nito. Pagkatapos niyang mag-shower, tiningnan niya ang cellphone. May miscall si Juan 10 minutes ago. May message rin ito sa kanya, niyaya siya nitong mamasyal mamaya at mag-dinner. Napangiti siya. "Lo, may lakad ka ba mamaya?" Tanong ni Venus dito. "Magpapahinga ako ngayong araw na ito, sumasakit ang buong katawan ko. My goodness V, hindi ko naman akalain na ganoon sa kama ang lalaking 'yon." Sabi nito, nagsisimula na itong magkwento sa nangyari kagabi. "Okay, i get it," ani ni Venus, itinaas pa niya ang isang kamay para hindi na magsalita ang kaibigan. "May lakad ka ba?" Tanong nito sa kanya. Tumango siya. "Juan invited me for dinner," tipid na sagot ni Venus. "Getting to know each other huh." Komento ni Loisa. Sa totoo lang ay magaan ang loob niya kay Juan, she felt something for him pero ayaw niyang bigyan ng kahulugan iyon. "Gusto mo ba siya?" Tanong ni Loisa sa kanya. "Yes, he is friendly." Tipid na sagot ni Venus. "Kunsabagay pogi naman si Juan." "Lahat naman sa'yo pogi." Natatawang saad ni Venus. "Whatever,V. Ingat ka sa lakad mo mamaya at kilalanin mo siya ng mabuti." Ani nito, saka nakatihayang humiga sa kama pero agad ding bumangon. "Oh, muntikan ko ng makalimutan. Tumawag pala ang Kuya mo, kinukumusta ka. Tawagan mo raw siya." Sabi ni Loisa, saka muling humiga ulit. Himala yata at kinumusta siya ng Kuya niya, matagal-tagal na rin na hindi sila nag-uusap. Hindi naman sila nag-aaway pero busy lang siguro. "Bakit sa'yo tumawag, hindi sa akin?" Nagtataka kong tanong kay Loisa. "Cannot be reach ka raw, ewan ko. Anyways, hindi ba nagsasabi ang Kuya mo tungkol sa kompanya ninyo?" Mas lalong kumunot ang noo ni Venus, wala namang nai-kwento ang Kuya niya tungkol sa kompanya nila, saka hindi rin siya nagtatanong. "May problema ba?" Tanong ni Venus kay Loisa. "Well, narinig ko kasi ang usapan nila ni Daddy sa office dati. Umuutang ng milyones ang Kuya mo." Casual na sabi ni Loisa. Nagdikit ang mga kilay niya sa sinabi nito. She was curious and worried at the same time. May matindi bang pangangailangan ang Kuya niya? Napansin ni Loisa ang pananahimik niya kaya muli itong magsalita. "Hindi naman iyon big deal, V. Normal lang sa isang businessman na nagkakautang pero agad din namang nababayaran." "Kaya ba siya umutang dahil sa kompanya o pansarili lamang?" Tanong niya, dahil kung pansarili lang ay kaya niyang bigyan ng pera ang Kuya niya. Malaki pa ang perang naiwan ng mga magulang niya sa Trust Fund niya, silang dalawan ng Kuya niya ay meron bukod pa iyon sa savings niya na mula sa sarili niyang bulsa. But knowing her brother, masyado itong ma-pride. Kaya sigurado siya na hindi ito manghihiram sa kanya ng pera. "Ano ka ba, V. Huwag mo nang isipin iyong sinabi ko. Focus ka muna sa Mang Juan mo." Ani ni Loisa, nahahalata siguro nito ang pag-aalala ko. Natawa ako sa ibinigay nitong palayaw kay Juan. "Stop calling him Mang Juan, sounds old." Saway niya kay Loisa, humalakhak ito ng tawa. "Napansin mo rin ba? But it sounds sexy and hot at the same time." Ani ni Loisa sa kabila ng tawa nito. Inirapan niya ito. "Ewan ko sa'yo, Loisa." Ani niya rito, mas lalo lang itong tumawa. "Ano ka ba, maganda nga ang name na Juan, iyong tipong magaling sa kama. Masyado lang old ang name niya pero i'm sure magaling sa kama, hindi ka magsisisi." Ani ni Loisa na para bang nag-iimagine na. "Shut up, you pervert!" Natatawang saad ni Venus saka binato ng unan ang kaibigan. Mas lalong tumawa si Loisa. "My goodness! You're blushing, V. Are you excited?" Patuloy na panunukso nito sa kanya. "Whatever, Lo. Magkakape muna ako." Ani ni Venus, humakbang na siya patungo sa pinto ng silid. "It's already afternoon, V. Magkakape ka pa ba?" Sita ni Loisa sa kanya. "Of course, coffee is life." Mataray na sagot niya sa kaibigan. Narinig niya pa ang halakhak nito kahit nakalabas na siya ng silid. "What's wrong with her?" Bulong niya sa sarili, iiling-iling siyang nagtungo sa kitchen at nagtimpla ng kape. Hindi kompleto ang araw niya kapag hindi siya nagkape. Around 7 in the evening siya sinundo ni Juan sa Apartment. "Flowers for you." Nakangiti siyang inabutan ni Juan ng bouquet of flowers. "Wow, thank you." Buong puso niyang tinanggap ang bouquet. Mahilig siya sa mga bulaklak kaya natuwa siya sa ginawa nito. Pangarap niya na kapag nagkaroon siya ng sariling bahay ay gusto niya may garden at siya mismo ang magtatanim ng mga bulaklak. "Let's go?" Ani nito sa kanya, inilahad pa nito ang palad para alalayan siyang makasakay sa sasakyan. "Sure." Tipid na sagot niya saka tinanggap ang nakalahad nitong palad. Sa limang araw na bakasyon niya sa LA ay si Juan lagi ang nakakasama niyang mamasyal. Komportable sila sa isa't isa at natutuwa si Venus dito dahil walang araw na hindi siya napapatawa nito dahil sa mga jokes nito. She felt happy being with him. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD