"Welcome onboard." Venus greeted warmly the passengers. Kasama niya ang isang Flight Attendant na nakaabang sa entrance ng Airplane, welcoming and checking their boarding pass.
Venus Chavez, a 26 years old International Flight Attendant. She was a pure Filipina. Dalawang taon na siya sa serbisyo at masaya siya sa napiling career niya. Kahit pa noon ay pinilit siya ng mga magulang na tungkol sa business ang pag-aralan niya ay nagmatigas siya.
Hanggang sa namatay na lang ang mga ito dahil sa isang car accident. Tatlong taon na ang nakalipas simula ng mawala ang mga magulang niya. At first she felt guilty dahil hindi niya sinunod ang kagustuhan ng mga ito pero ayaw niyang pagsisihan habang buhay kapag tungkol sa business ang kursong kinuha niya.
She thought that her life will be miserable if she choose what her parents want her to be. Ngayon ay nawala na ang pagsisisi niya dahil pinapamahalaan ng Kuya niya ang naiwang kompanya ng mga magulang nila. Malaki ang tiwala niya sa nag-iisang kapatid. Sigurado siyang hindi nito pababayaan ang kompanya.
"Ladies and gentlemen, welcome onboard Flight 8B3 with service from Hong Kong to San Francisco. We are currently third in line for take-off and are expected to be in the air in approximately seven minutes time. We ask that you please fasten your seatbelts at this time and secure all baggage underneath your seat or in the overhead compartments. We also ask that your seats and table trays are in the upright position for take-off. Please turn off all personal electronic devices, including laptops and cell phones. Smoking is prohibited for the duration of the flight. Thank you for choosing Mountain Airlines. Enjoy your flight."
Kakatapos lang ng announcement about sa pre-flight at lahat ng mga passengers ay nasa loob na ng Airplane.
"Where do you plan to spend your vacation, V?"
Tanong sa kanya ng kasamahan niyang Australian Flight Attendant. Sa susunod na araw ay 5 days off niya sa trabaho. And she was so excited.
"I'm planning in Las Vegas." Nakangiti niyang sagot dito. Nasa aisle silang dalawa, sinusuri ng maayos ang mga compartment sa ibabaw ng upuan ng mga passengers, pati na rin ang mga seatbelts kung maayos ba ang pagkakalagay ng mga ito.
"That's good," she said. "I hope you enjoy."
"Sure, I will." Nakangisi niyang turan. Talagang mag-eenjoy siya. Hindi niya sasayangin ang limang araw na bakasyon. Minsan lang siyang makapagbakasyon kaya susulitin niya.
Nasa himpapawid na kaya umupo na sila sa kani-kanilang upuan, inilagay na rin nila ang safety seatbelt.
"Hey V, may bonamin ka ba?" tanong sa kanya ni Marga, isa sa kasamahan niyang Flight Attendant. Pareho silang dalawa na pure Filipina. Gusto niyang matawa sa tanong nito.
"Nahihilo kasi ako."
"Meron yata ako, e-check ko mamaya." Sagot niya rito.
Ito lang yata ang kilala niyang FA na laging nahihilo kapag may flight sila. Pero hindi niya rin ito masisi, baka minsan talaga hindi naiiwasan na mahilo sa biyahe.
Katulad niya ay lagi siyang may baon na bonamil, in case lang naman kapag nahilo siya sa flight. Hindi naman talaga iyon maiiwasan. Kahit mga FA ay nakakaranas din ng pagka-hilo sa biyahe. Mariin niyang pinikit ang mga mata, hinintay ang announcement ng Captain kung safe ng tanggalin ang seatbelt at puwede na silang mag-alok ng snacks or drinks sa mga passengers.
"V, i miss you!" bulalas ni Loisa nang makita siya.
Ngayon ang first day ng vacation niya, after the most tiring flight ay nasa Vegas na rin siya. Nauna na ang bestfriend niyang si Loisa kahapon pa, isa itong Accounting staff sa sariling kompanya ng pamilya, nag-iisang anak kaya sunod din sa luho. May sarili itong Apartment sa Vegas kaya dumeretso na siya sa Apartment nito.
"Oh my! I can't breath, Lo." Reklamo niya nang yakapin siya nito ng mahigpit pero parang balewala lang dito ang pagrereklamo niya dahil mas humigpit pa ang yakap nito. Kaya ang ginawa niya ay kusa na niya itong itinulak.
"What's wrong with you?" saad niya rito, kunwari ay naiinis siya. Umikot lamang ang dalawang eyeball sa mga mata ni Loisa.
"Na miss lang kita, arte mo!" ani nito.
Venus rolled her eyes.
"Ang clingy mo!" ganti niya rito.
"Sweet lang ako, kaya tingnan mo isang buwan pa lang ay madami na akong naging boyfriend." Sabi nito na ipinagmamalaki pa ang papalit-palit ng mga lalaki sa loob lamang ng isang buwan.
Napapailing na lang siya, liberated din siyang babae, spontaneous at party-goer pero hindi naman umabot sa puntong papalit-palit siya ng mga lalaki. Sa katunayan nga ay wala pa siyang naging seryosong boyfriend.
May limitasyon din ang pagiging liberated niya. Kung sa pananamit pagbabasehan ay moderno at liberated talaga siyang manamit. Madami na rin siyang lalaking nakakahalikan pero isa pa siyang dakilang birhen.
"V, look at this. Maganda diba?" untag sa kanya ni Loisa, itinaas nito ang kulay pulang sexy dress na kinuha pa nito sa shopping bag. Mukhang kagagaling lang nitong mag-shopping.
Dumeretso siya sa silid nito dala ang maliit niyang luggage. Nakasunod naman sa kanya si Loisa dala ang mga shopping bag na sigurado siyang puro mga damit ang laman.
"Oh! I'm so tired." Palatak ni Venus sabay higa sa malambot na kama nang makapasok na sila sa kwarto.
"Don't me, Venus!" mataray na wika ni Loisa. Tinawanan niya lang ito.
"May jetlag pa yata ako dahil sa flight..." ani niya sa kaibigan.
"Pwede ba tigil-tigilan mo ako sa jetlag na 'yan! FA ka kaya sanay ka sa biyahe. Bumangon ka na riyan at tingnan mo itong mga pinamili ko para isuot natin mamaya." Excited na turan nito sa kanya.
Walang nagawa si Venus kundi bumangon na lang, excited din siya, pupunta sila sa isang sikat na Bar dito sa LA.
"Let's get laid tonight!" masayang sigaw ni Loisa, napailing na lang siya sa kaibigan. Kung umasta ito ngayon ay parang nakainom na ng ilang shots na tequila.
Palibhasa ay ngayon lang ulit kami nagkita makalipas ang isang taon kaya siguro excited din itong makasama siya. Ganoon din naman siya at na miss niya rin ito. Hindi nga lang siya showy sa pagiging sweet.
"What do you think?" tanong ni Loisa na umikot pa sa harapan niya, nakasuot ito ng sexy backless dress.
"You look sexy as always, Lo." She told her honestly.
"Alam mo nakakasawa ang compliment na 'yan. Since College 'yan na lagi sinasabi mo sa akin." Saad nito, saka pinandilatan siya ng mga mata. Nagkibit balikat lamang si Venus.
"What can i say?" ani niya, "You're totally sexy and gorgeous,"
Kinuha niya ang isang dress na nasa isa pang shopping bag para isukat.
"Okay, may dinugtong ka lang na gorgeous sa dulo." Saad ni Loisa.
"I'll try this one," ani ni Venus na binalewala ang sinabi ng kaibigan. Isinukat niya ang dress sa harapan nito. Sakto lang sa kanya.
"I'm speechless." Saad ni Loisa, umikot pa ang dalawang eyeball nito.
"So, do i look pretty? Makakaakit na ba ako ng boyfie?" she said, teasing her.
"Ayaw kong mag-comment." Sagot ni Loisa sa mataray na boses. Tinawanan niya lang ito.
At exactly nine in the evening, they're ready to go. Umaga siya dumating kaya nagkaroon siya ng oras na makapagpahinga.
Ngayon ay nasa biyahe na sila sa isa sa mga sikat na Bar sa Vegas.
"We're here!" excited na tili ni Loisa, napapailing na lang siya.
Pagkatapos mag-bayad ng cab fare ay lumabas na sila. Mabilis lang silang nakapasok dahil may pinakitang card si Loisa, isang VIP card yata iyon.
Ang unang napansin agad niya pagpasok sa loob ay ang buong paligid. It screams luxury. Sanay na siya sa malakas na tugtugin ng musika. Pati na rin sa iba't ibang kulay ng mga ilaw na sumasabay ang pag-ikot sa bawat tempo ng musika.
"Let's go to our table." Bulong ni Loisa sa kanya saka hinila na siya patungo sa table nila. Sa pinakagitna ay isang malawak na dance floor kung saan nag-uumpukan ang lahat para sumayaw. Sa bawat sulok ay mga mesa at upuan.
"Ang daming pogi!" Kilig na turan ni Loisa, she just rolled her eyes at her. Lahat naman ng mga lalaking nakikita nito ay pogi sa paningin nito.
"Let's order our drinks." Sabi niya.
"Ako na ang mag-order ng drinks natin, wait me here." Turan ng kaibigan saka tumayo at nagtungo sa bar area.
Napansin ni Venus ang isang lalaki sa kabilang table na kanina pa nakatingin sa kanya, guwapo ito at matikas. May maamo ring mukha at tingin niya maraming mga babaeng magkakandarapa rito.
The guy smiled at her, itinaas pa nito ang basong may lamang alak na para bang sinasabi nito na 'cheers'.
She smiled back at him, ano bang ipinunta nila rito? To meet someone–na pwedeng landiin. Turan ng isipan niya.
Nahigit niya ang hininga nang tumayo ang lalaki at humakbang palapit sa table niya, may hawak itong isang basong alak.
"Hi." The guy greeted her.
"Hi yourself." She said and smiled at him sweetly.
"Can i sit? I can be your company while your friend was busy flirting with her guy." He said jokingly and wink at her.
Nilingon ni Venus si Loisa, may kalandian ng lalaki at mukhang nakalimutan na ang inumin nila. Napapailing na lang siya at muling binalingan ang lalaki.
"Suit yourself." She said and shrugged her shoulder.
***