8:00

2071 Words
8:00 Hindi maiwasan ni Seven mangamba sa babala ni Maradona. Sanay na sanay sila sa mabait na pagtrato ni Maradona sa kanila hangga't marunong silang sumunod, pero sa puntong ito, lahat sila'y nag-pigil hininga sa peligrong tinahak nila. Napansin ni Eight ang pagdadalawang isip ni Seven kaya naman bahagya niya itong itinulak sa tabi upang maka-harap ang lalaki. She was itching to find Maradona’s identity. All of us were. However… there was goosebumps trailing her arm. Kitang-kita ko ang pagtaas ng balahibo niya matapos pag-pukulan ng napaka-lamig na titig nito. “Remove it!” “Unmask him!” Hirap na hirap na ani ni Three habang pilit kinakabig ang stockings na sumasakal sa lalaki. Dahil sa kanyang sigaw, bahagyang nagising sa huwisyo si Eight. Tumango siya sa aming gawi bago landasin ang daan patungo kay Maradona. I felt a sense of dread seeping through my veins. This was it, but why do I feel so unsure? Ang mga segundong pumatak ay mas lalong naging kaabang-abang. Bumigat ang hangin dala ng tensyon. Walang makakapagsabi sa amin na darating din pala ang panahon na makikilala namin ang kriminal na matagal ng hinuhuli, at kami lang ring mga biktima ang makakapag-sabi sa publiko. Fear and yet anticipation burned in all of us, while Maradona's fury could be felt even under restraints. There was no telling what he had in mind, but he would probably be making his move now. Ang sinulid ng aking mga iniisip ay mabilisang napigtas nang wala pang isang minuto ay agad niya kaming napabagsak. Sa isang hablot niya lang gamit ang dalawang kamay, nagawa niyang ibagsak sa sahig ang dalawang babaeng sumasakal sa kanya - si Six at Ten. Namula at nabalian ang kanilang mga braso habang sina Five at Three ay sumalampak sa baba. Kaming mga nasa paanan naman niya’y maagap niyang nahawakan sa bumbunan upang ihampas ang ulo sa malamig na tiles. Dumugo ang aking ilong, samantalang nawalan naman ng ulirat si Five. “Five!” Hiyaw ko nang makita ang dugong tumulo sa kanyang anit. I mentally screamed and cursed. Gusto kong gumanti! Nanginig ako nang ilapit ng lalaki ang bibig sa aking tenga. Nanlaki ang aking mata at para bang nag-alab ang aking balat. Sumisigaw ng panganib ang aking kalamnan. Walang duda, natatakot ako sa lalaking ito. I was scared of Maradona. Tila ba nanunuya pa si Maradona nang titigan niya ako. Animo’y umikot ang mundo ko. Ngayon ko lan "Consider this a lesson, one you won't forget." Sobrang tigas at intense ang kanyang titig, na walang papatid at papantay. Tumagos sa kanyang maskara ang nakakapangilabot na tingin, at parang mata ng lobo, nakita ko ang tila pagkislap nito sa karimlan. Pumasok sa isip ko ang samu't saring pangyayari sa buhay ko, mula pagkabata hanggang sa aking paglaki. Lahat iyon ay nagbalik sa aking memorya na tila malapit na ang aking katapusan. I knew he meant it… I knew he would hurt me. “You belong with the others.” His thick and husky voice was the last of what I heard before our screams reverberated across the hall. Naging malabo ang sumunod na kaganapan lalo na nang mabilis na gumapang ang kuryente sa aking katawan. Natagpuan ko na lang ang sarili na sumisigaw, naghihinagpis, at namimilipit sa sakit, kagaya ng ibang kababaihan. Ginawa ko ang makakaya hablutin ang suot-suot na metal device sa leeg sa pag-asang pigilan ang bolta-boltaheng kuryenteng dumadaloy mula ulo hanggang paa, pero naging bigo ako sa aking hangarin. “You've disobeyed me… we'll see. You'll see how of a beast I can be.” **** ‘I’m safe with you…’ There was a huge pounding in my head when I woke up. Bahagyang nilibot ng mata ko ang aking kapaligiran hanggang matuon sa naka-hukot na pigura ni Ten na ngayo'y mahinang humihikbi. Kapit-kapit niya ang mga braso habang dahan-dahang umuugoy. Marahan kong inangat ang sarili habang damang-dama pa rin ang pamamaga ng katawan. Dahil dito, naging matipid ang aking kilos. Nasaan ba ako? Ano na uli ang nangyari? Hindi ito ang silid namin. Kukurap-kurap ako hanggang sa malinawan sa kasalukuyang kinalalagyan. Bars of steel. Chains and wedding dresses. Bakit ganito ang kasuotan namin? Me and ten were both in a small cage, enough to fit two or at least three people. Mula sa iba't ibang sulok ng lugar, naaninagan ko rin ang iba pang kulungan kung saan naka-kandado ang iba. Tumayo ako at bahagyang napa-kapit sa malalaking bareta ng bakal. Nais ko sana silang kamustahin sa kanilang mga kalagayan ngunit ang paghahanap ko ng kasagutan ay saglit na nahinto nang may madinig na dalawang taong papalapit na nagdidiskusyon. “—there is simply no other way but to start it like tradition.” “—Although he has spoiled my plans, no woman has ever evaded or eluded me. The 12th bride… I will personally kill her myself.” “We could do it, you know. Us.” Nabigla kaming lahat nang sumalubong sa aming paningin ang bulto ng dalawang naglalakihang lalaki - si Volkov at Maradona. Their entrance into the hall was nothing short of divine, their beauty and stature resembling that of gods passing judgment upon us. The resonance of their deep voices amid our plight sent shivers down my spine.. Minsan ko ng naka-alitan si Volkov, kaya alam ko kung paano kumilos ang lalaking ito. Ang maliit na sinag ng ilaw mula sa buwan ang nagbigay depinisyon sa kanilang suot-suot na maskara. "This is the closest we've come to failure, and yet, I will never tolerate any delays." "Is this truly what you desire? To break the rules? Eleven girls... against all odds?" "We've invested countless of years in preparation, ensuring everything was flawless until this moment. Yet, we underestimated our adversary. I had forgotten his strength and power from years past... No, we're not breaking rules, but rather prioritizing what's essential... and that is starting the rites." Hindi na muling sumulong pa si Volkov patungo sa aming kinaroroonan. Saglit silang nagkatinginan na tipong nagkakaintindihan kahit pa walang salita ang namagitan sa kanila. Masyadong mabigat ang tensyon ng lugar kaya halos hindi namin matagalan ang makasama sila, lalo na't mataim ang sumunod nitong pahayag. Maradonna suddenly squared his shoulders, lifting his chin and casting a stern gaze to ensure his message was conveyed effectively. "I must deliver some unfortunate news. My last bride is unable to attend and join us for the ceremony today or even tomorrow. It is a difficult situation, but we must proceed with the wedding, my brides." Nagawa kong tanggalin ang sarili sa malalim na pagi-iisip nang mapagtanto ang kanilang pinapahiwatig. Mukhang hindi lang ako ang naka-unawa sa ninanais nilang iparating, dahil lahat kami ngayo'y matiim na naka-antabay. It was becoming apparent that they would start the games sooner than later. Long moments drew out and nobody was able to utter a word. "Any last words? Objections?" "You bastard!" Eight and Three called out. Nalunod ang boses ni Maradona sa mga sigawan at pagmumura ng bawat isa sa amin. Hindi ko makakalimutan ang gabing iyon, dahil doon na pala magsisimula ang ilang taong trauma na maidudulot noon sa akin. Samu't saring emosyon ang nararamdaman ko, pero ang pinaka-matindi ay pagkamuhi at disgusto. Hindi ko na nga rin namalayan ang dahan-dahang pagsasara ng mga bintanang pumapalibot sa lugar. "How feisty you all are... But your anger will soon pass." “W-we can't… p-please let us leave!” Pagmamaka-awa ni Seven na ngayo'y naka-luhod sa kanyang selda. “A-a-akala ko a-alagaan m-mo kami.” Si Two na ngayo'y nanginginig. "What? My love, do you think I would ever harm you? Don't be afraid. Just focus on staying alive, alright? This is a test of our marriage." What a sick bastard… “Pagbabayaran mo ito…” bulong ko sa sarili, matalim pa rin ang tingin kay Maradona. Mabuti at hindi niya pansin na kanina ko pa siya pinapatay sa isip ko “Save your energy for tomorrow, or else you will be the first one to fall.” Sumalubong sa aming pandinig ang malakas na iyak ni Two at Three na magkasama sa kulungan. Kapwa silang nagmamakaawa sa harap ng dalawang lalaki na ngayo'y interesadong-interesado sa pinapakita nilang pagsuko. “P-please!” “P-p-parang awa! A-ayokong mamatay!” "My love, please don't cry. I know weddings can stir up emotions, but aren't you as excited as I am to tie the knot and become one?" “M-m-mamamatay k-kami b-bago pa kami maikasal sa i-iyo…” "Yes, I understand that the outside world can be frightening, but I have faith in you. No bride of mine is a coward or a weakling. Remember, we're madly in love, and you'll do whatever it takes to stay alive and be with us for the wedding ceremony." Hindi na muling nakapagsalita si Two at Three bagkus anumang pagpapaliwanag sa lalaking ito ay tila imposible. Alam nila iyon kaya bakit pa sila nagpapagod at naguubos ng oras… Bihasa si Maradona. Walang puso ang taong ito. They should have known better than to reveal their fears and weaknesses to the predator. He would only exploit them for his own gain. Saglit silang umalis ni Volkov, at nang maka-balik, isang gas mask na ang humalili sa kanilang karaniwang maskarang ginagamit. Sabay-sabay kaming natuod sa kinatatatayuan, kapit-kapit ang mga rehas at pilit ito kinakabig kahit pa tila imposible maka-wala dito. Maradona couldn't be serious is he? Hindi ba ito panakot niya lang matapos ng ginawa namin sa kanya? No. I'm far from being stupid. We have to get out. Now. Napa-mura akong lumingon kay Ten na tila nawalan na ng pag-asa at tinatanggap na ang kanyang kapalaran. "Ten! Tulungan mo ako!" Umiling-iling siyang sumagot. "We're too late. M-mamamatay n-na tayo..." "Ten! Maghunos-dili ka nga! Hindi ito ang oras para sumuko!" "N-no I'm going to fight Lily! I'm g-going to win the games." "W-what?" Her anger was palpable. Para sa kanya, mas maganda ng tanggapin ang kapalaran. Naalala ko ang unang pagkakataon na naka-sama at nasilayan ko siya. Ten was not a fighter by any means. She was rather someone who would just accept the situation no matter what, as long as she avoided getting hurt. Bago pa ako tuluyang sumuko, natigilan ako nang tila umikot sa aking paningin ang kwarto. Muli akong napakapit bilang suporta sa mga rehas habang inaayos ang balanse. Sa gitna ng matiim na pag-pokus sa ritmo ng aking paghinga, unti-unting kumapal ang nakaka-asiwang hangin. Ilang pagkakataon pa'y mas naging kapansin-pansin ang usok na bumubuga sa isa sa mga tubong dumadaloy sa lugar na ito. “Y-you said… we won't get wedded until everyone is here.” Nauubo kong sigaw sa kanya, taimtim na nagaantay ng kanyang kasagutan. Nakitaan ko ng bahagyang ngiti sa labi ni Volkov bago ito lumingon kay Maradona at bumulong. Hindi ko hinangad na mapunta sa wala ang pinaghirapan. Hangga't makakaya, hangga't may kapangyarihan pa siguro ako dito bilang isa sa mga ‘bride’ niya, sinusubukan kong antalahin ang magiging labanan. “The game will start, whether you are complete or not.” Kulang na kulang pa ang mga mura at sigaw na ibinato sa kanya ng mga kasamahan ko. Samantalang ako’y nanatili na lamang tahimik habang nauubo, pinagiisipan ng mabuti kung kailangan ko bang i-preserba ang natitirang lakas o makipag-alitan na lang ng salita na alam kong wala ring magiging saysay. "Tomorrow marks our grand day. After three long years of scouring this land, we've finally arrived here. My beloved brides, I cherish each and every one of you from the depths of my heart." His smile sent shivers down their spines. "I consider myself the luckiest man alive. Together, we shall be bound." Unti-unti ng nanlalabo ang aking paningin. Sinubukan kong aninagin ang mga kasamahan pero mukhang pati sila'y apektado na ng misteryosong usok na ito na sa tingin ko'y chloroform o ether na pawang mga pampatulog. Naging mabagal ang epekto, pero sapat na para maramdaman ang sariling panghihina at pagkawala ng konsensya. Hindi ako sigurado sa maaaring dadatnan kapag tuluyan kong pinikit ang mga mata at muling sumama sa kadilimang nagaanyaya. Gayunpaman, anuman ang gawin ko, hindi ko kaya pigilan ang dapat mangyari. Bago ko pa tuluyang maisara ang mga talukap ng mata, nasilayan ko ang pagtabon nila ng puting tela sa aming kulungan. Bahagyang umugong at gumalaw ang selda na parang ginugulong at inililipat ito patungo saan man lugar niya kami binabalak dalhin. “Rest now my brides. Tomorrow… we will be remembered.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD