7:00

2072 Words
7:00 Nakatulala ang iba sa direksyon ng kanilang mga pagkain habang unti-unti na rin kaming nababawasan. Kasalukuyan kaming nasa gilid ng malawak na hapag-kainan habang nasa gitna naman ang ma-espasyong ball room kung saan sinasayaw ni Maradona ang bawat isa sa kanyang listahan ng mapapangasawa – or as he calls it his ‘brides’. Matatandaang kailan lang ay nagkaroon kami ng masinsinang paguusap, kalakip noon ay ang oras na naigugol ko upang gawin ang aking trabaho. Minsan iniisip ko kung bakit napaka-daling mauto ni Maradona sa simpleng paki-usap ko lamang, subalit mahirap din naman makampante gayong matagal ng bihasa sa pag-dakip si Maradona. Imposibleng ako ang unang taong nanghingi sa kanya ng pabor sa libo-libong babaeng nakitil niya. Imposible ring hindi sila gumawa ng paraan para makatakas. Malamang ay gaya namin, ginawa rin nila ang lahat ng makakaya upang manlaban. "Shall we dance?" An extended gloved hand appeared besides me. Mababa ang rehistro ng kanyang boses, tila hinihiwa ang mahinang himig ng tugtog. Ang iba sa amin, na ngayo’y nanahimik at naka-tungo lamang ay nanatiling bingi sa aming munting interaksyon. Sinalubong ko sa kauna-unahang beses ang mata niya bago tanggapin ang anyaya niya. Dahan-dahan kong binagtas ang daan kasama siya, ang isang kamay naka-kawit sa kanya habang ang isa naman ay mahigpit na kapit-kapit ang laylayan ng aking gown sa takot na mapatid. Sa talang ng aking buhay, ngayon lamang ako nakapagsuot ng ganitong kahabang kasuotan. Ang pinaka-mahaba ko na atang naisuot ay ang toga ng ganapin ang graduation ko, maliban doon ay wala na. Kumislap ang bahagyang kaba sa aking mata nang muntik na akong matalisod kahit ano pang pag-iingat ko. "Careful…” He whispered on my ear, too close for my liking. Bahagya na lamang akong ngumiti, kahit puno ng pangamba ang kabuuan ng mukha kong natatabunan ng maskara. Miski pagsasayaw ay wala akong kasanayan… As we moved through the center podium, the music and ambience became even more haunting. Hinawakan niya ang aking baywang habang ang kabila’y sinakop ang kamay ko. Humigpit ang pagkakahawak niya nang mapasinghap ako, at tila ba natuwa siya sa naging reaksyon ko. Bukod sa pagiging seryoso sa aking layunin, hindi pa ako nakakalapit ng ganito sa kahit sinong lalaki, kaya naman… ang puso ko’y parang sasabog sa kakaibang kaba. Ito ba ang tinatawag nilang pagka-intimida? O baka talaga masyado lang panibago ang lahat ng ito sa akin? “We’ll go slow.” Maradona reassured, his grip tightening. “We’re the only ones here… I will hold you close.” Parang mas lalong naghumarentado ang aking puso nang tila yakapin ako ng napaka-laki niyang bulto. Sakop na sakop niya ang nanliliit kong pigura. With each step we took, the tension mounts a hundred fold. Tama bang ganito ang maramdaman para sa tulad niya? Ang sabi ko sa sarili’y hindi ko ipapakita anumang kislap ng kahinaan sa harap niya, ngunit ngayong partikular na araw, para niya akong hinubaran sa lahat ng kinagisnan ko. Mula sa mga hawak, sa unang sayaw, sa bangkete, sa kasuotan… hanggang sa pagpaparamdam niyang espesyal ka sa okasyong ito–lahat iyon ay bago sa akin. Kaya naguguluhan ako sa sariling nararamdaman, kung bakit parang gusto ko hulihin ang mga mata niya? Hindi. Nasasakal lang ako sa mga una kong experience sa kanya. Oo… natatakot lang ako. "One step at a time." Gusto kong umiyak habang sinasayaw at iginagaya niya ang katawan ko upang sundin ang kanya. Nagsasayaw man kami sa musika sa panlabas, ang mga sikreto naman naming sulyapan ang naging lugar ng aming labanan. Habang iniiwasan ko ang kanya, pilit naman niyang inaangkin ang akin bagama’t labag sa aking kalooban. “Your secrets… they beckon to me.” Maagap akong napatitig sa kanyang malalim na tingin. His presence itself was overwhelming, and confronting him adds another layer to that anxiety. “Is it the music that unsettles you? Or is it because of something else… like your secrets I plan to uncover.” “H-h-hindi kita maintindihan, Maradona.” “A dance in a ball demands a willing partner. Ikaw lang ang tanging tumanggi sa maliit na pabor na hinihingi ko.” Ang aming munting pag-uusap ay biglang nauwi sa kakaibang probokasyon nang galitin ko ito sa aking inaasta. Wala pang praksyon ng segundo ay biglang dumapo ang kanyang kamay patungo sa aking bumbunan upang sapilitan niyang ilapit ang aking mukha sa kanya. Mangiyak-ngiyak akong napa-hiyaw dala ng sobrang gulat at pangamba sa pambihira niyang lakas na kahit kailanman ay hindi ko rin naranasan sa aking kapwa mga pulis tuwing nagtra-training. Ngayong ako na ang mapupuruhan, tsaka ko lamang napagtantong wala akong kalaban-laban sa kanya gayong kahit anong kabig ko sa kamay niya’y tila matigas siyang dingding. “If you don’t succumb to me, I’ll willingly make you surrender.” Kapiranggot na lakas lang ang pinamalas niya ngunit halos halimaw ang naidulot nitong pasakit sa akin. Tuluyan akong napangiwi nang sa isang mabilis at brutal na mosyon, nagawa niya akong itilapon sa kabilang panig ng malawak na bulwagan. “Lily!” “Eleven!” Hindi napigilan ng iilan sa mga kababaihan na naka-saksi ng pangyayari ang mapatayo sa kanilang kinauupuan. Matatandaan ganito na ang dating kagawian ni Maradona, pero ngayon lamang uli sila nagising sa huwisyo at magandang panaginip na ito. Behind this beautiful ball, there lies a beast to ravage them all. “Accompanying me demands submission. You need to understand the consequences of the steps you take.” Habang umaalingawngaw ang pagbabanta niya, nahihirapan kong itayo ang sarili gayong nasira na rin ang suot-suot kong heels. Kung mamamatay lang din naman ako sa oras na ito, hindi ko hahayaang babagsak ako sa ganitong kababang dahilan. This is no dance… It’s a cruel game of his. Training us to subdue under him. Sinira ko ang kapirasong telang nakalaylay sa aking gown bago ito ibalot sa aking kamao, handang-handa para makipag-bakbakan sa oras na maka-lapit siya. Si Maradona, na kanina’y galit na galit, ay agad-agarang naunawaan ang intensyon kong manlaban, at natitiyak kong hindi niya nagugustuhan ang nakikita gayong nagbago bigla ang aura nito. Ang epasyong kanina’y binabalot ng malamyang tono ay napuno naman ng kakaibang tensyon. Kalkulado at marahan ang kanyang kilos, almost predatory, habang nililiitan ang distansya sa pagitan naming dalawa. Bumilis ang t***k ng aking puso habang kinakalkula ang mga susunod na hakbang. “Fighting me won't save you.” Kasing bilis ng kidlat kung ito’y umabanse. Walang ano-ano, tumaas ang adrenaline sa aking kalamnan. Itinaas ko ang kamao at handa na siyang ambahan ng atake. With a swift motion, I managed to land a blow to his torso, but he didn't even flinch one bit. Dala ng aking primary instinct to survive, nagawa ko pang maging matapang kahit pa upos na upos na ako sa labang ito. Gayunpaman, kahit pa ilang taon din akong nag-sanay, nabigyan linaw ang kanyang kalakasan. He was relentless and unfazed. Within mere seconds, he was able to seize me by the neck, and hold me into a chokehold. Unti-unti na naman akong napa-angat sa ere. “Be a good girl for me and remain obedient this time.” “N-No…” I manage to whisper. “I-I w-won’t s-stop f-fighting.” My words hung in the air but he only ever laughed at my feeble attempts to fire in rebellion. “You think you have a choice?” Ilang segundo nang mas lalo niyang higpitan ang pagkaka-sakal sa aking leeg. Ang kaninang musika ay tuluyang natabunan ng aking nabibilaukang ungol. Pakiramdam ko’y isang kilos niya lang, magagawa na niyang pisatin ang windpipes ko. Sinubukan kong kalmutin ang matigas niyang mga braso at kamay, ngunit napunta sa wala ang aking paghihirap. Akala ko katapusan ko na nang maramdaman ang nagbabadyang kadiliman. My surroundings were becoming darker by the second, until screams broke through the silent. Sa isang iglap, bumagsak ang katawan ko sa matigas na sahig habang pilit humikahos ng hangin. Bahagya pang nanlalabo ang aking paningin, pero sapat na para mapagtanto ang pangyayari. Sabay-sabay na sumugod ang mga babae patungo sa gawi ni Maradona. Nagawang ambahan ni Three at Ten ang katawan nito, habang yapos-yapos naman ni Five ang isang binti nito, sa pag-asang mapigilan ito. Si Three ay nagawang yapusin si Maradona sa baywang, si Six sa braso, at ang leeg naman nito ay nagawang sakalin ni Four gamit ang kanyang stockings. Suma-total, anim kaming babaeng nagtutulungan upang antalahin ang malaking bulto ng lalaki. We were all ganging up on him, with three others waiting on sight, specifically, Two holding a bottle of wine in her hand, Eight trying to order directions, and Seven waiting for directions. Inayos ni Two ang balikat at postura bago malakas na ihampas ang kapit-kapit na bote sa ulo ni Maradona. Maradona slightly groaned, however, there was no indication of pain or disorientation whatsoever. Para bang walang bisa ang pasakit na dinulot namin sa kanya. “Search him!” Agad kong utos sa kanila nang mahawakan nila ito mula ulo hanggang paa. Sinubukan pa namin siyang pigilan ngunit tila ba pinaglalaruan niya lang kami habang siya’y mahinang napapa-halakhak. “M-manahimik k-ka!” Nagtatapang-tapangang untag ni Two habang tinututok ang hawak-hawak na bubog sa kamay. “Hubaran niyo siya. Tanggalin niyo ang kanyang coat. Baka may tinatago iyang armas!” Naging abala ang ibang natira sa pagkapkap kay Maradona, habang ako at ang iba’y ginagamit ang natitirang lakas para ito'y pigilan at i-restrain. Sa aking kaloob-looban, hindi ko mapigilan ang mangamba gayong alam kong kayang-kaya niya kaming patumbahin ng sabay-sabay, pero tila ba ayaw nitong kumilos. What is he even planning? Or is he purposefully messing with us? Isa-isa nang tinanggal ni Two ang bitones sa kanyang suot na suit. Ilang saglit ay bumulagta sa amin ang mabikas na pangangatawan ni Maradona. With chiseled abs and a few scars tracing his musculature, one could see how strong and powerful this man is. “So eager are we?” Tawa nito ng tuluyan na itong mahubaran ng suot na suit. Mula sa loob hanggang sa mga bulsa ang hinalughog nila, pero wala ni isang armas ang makuha sa kanya. Everyone was stupefied for a second. “Are you done?” Maradona laughed while we struggled. “Tumigil ka! N-nasaan ang susi p-para dito!” Tinuro ni Two ang suot-suot na device sa leeg. Hindi nagsalita si Maradona bagkus madilim lang na humalakhak. Si Eight na kanina pa nagtitimpi ay hindi mapigilang bumuwelo. Mabilis niyang kinuwelyuhan ang lalaki, bago ito harapin ng buong-buo ang paninindigan. “Where is it?” “I don't have it.” “Hindi ako nakikipag-biruan!” Hindi pa rin kami binigyan ng kasagutan ni Maradona. I knew we were wasting time. Ilang saglit na lang ay baka dumating na rin ang mga tauhan niya. Kaya kailangan naming kumilos agad. “Itali niyo siya. Tanggalin niyo na rin ang maskara. Nang malaman natin kung sino ba ang taong nasa likod ng maskrang ito.” Lahat sila’y nahinto sa nadinig mula kay Eight. Ako na kanina pa mahigpit ang pagkakayakap sa biyas ni Maradona ay marahang tumango bilang pagsang-ayon. Wala ni isa sa amin ang makaka-galaw gayong pre-okupado kami sa pag-pigil sa lalaki. Ang natitirang mga babaeng tila natuod sa pangyayari ay sina Nine, One, Two at si Seven na ngayo'y nanginginig na lumapit. Boluntaryo itong nagtaas ng kamay. “A-a-ako n-na ang magtatanggal…” “You're all crazy…” Hindi mapigilang wika ni One habang pinagmamasdan ang lipon namin. “One! Gusto mo bang mamatay na lang tayo ng walang kalaban-laban? Are you saying to stop and accept our deaths?” hiyaw ni Eight. “N-no…” “Then what!?” “Eight… Maradona is here with us. Hindi mo alam ang kayang gawin ng lalaking iya—” “And the hell I care One! The hell I care if he's here listening to our plans! I don't want to die. And I most certainly am not going to play puppet anymore!” Sa sinabi ni Eight, biglang naglaho ang kaninang nanunuyang ngiti ni Maradona. Ito'y napalitan ng galit at katakot-takot na pagtitimpi. He was finally seeing the cracks in his well trained dolls. Now we were nothing but dogs barking at their owner, and he doesn't like it one bit. “Let's see who our kidnapper really is…” Muli kaming nagkatitigan ng mga kababaihan. Si Sabrina na kanina'y nalilibang sa aming pakikipag-sagupaan ay dahan-dahang napa-atras. “Touch my mask, and I promise you… I will tear you all to shreds.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD