9:00

4059 Words
9:00 Dreams weren't a regular occurence to me. Bihira lang ako dalawin ng mga panaginip, halos puro trauma at masasakit na alaala lang ang kumakatok. Akala ko tuluyan ng ganito habangbuhay, na magiging malungkot o kaya naman walang ligaya ang aking munting panaginip. ‘Am I supposed to say your name?’ Naka-tulala ako ngayon sa gitna ng abandonadong bahay. Wala ni isang kusing na senyales ng buhay ang naririto, maliban sa akin. Wala na akong ibang naging reaksyon matapos magising dito, dahil alam ko na agad ang mangyayari at pati ang mga kaganapang dapat ay asahan ko. Ilang saglit akong naka-upo sa maruming sahig na iyon, tahimik at walang kibo. Nabasag lamang ang katahimikan nang biglang bumukas ang akala ko’y sirang telebisyon. “My brides... I know you're all awake by now. You must be wondering where you are.” The voice from the television sounded like a nightmare. “You're all in an abandoned town of my choosing. The doors in your rooms are locked, I will tell you where the key is at the end of my announcement unless you want to stay trapped and die from suffocation.” I stand there for a few minutes, trying to process everything he has said. Ang mababaw na paghinga ko ang tanging umaalingawngaw bago rumolyo ang palabas sa isang larawan ng mapa. Sa tingin ko’y mapa ito ng bayang kinalalagyan namin. Ilang segundo lang tumagal ang playback bago ito lumipat sa mga live CCTV footage ng isang bayan, isang cathedral, at ang huli’y mga kuha namin mula sa camera. Tinitigan ko ang camerang naka-tago sa isang sulok ng silid na ito at nakumpirma ang hinalang lahat ng ito’y ine-ere ng live. Habang abala sa pag-suri sa mga CCTV cameras, patuloy naman ang rolyo ng casette tape. “Today is a test of loyalty and dedication.” Pagpapatuloy ng anunsyo. “The wedding starts at midnight, come to the center of town in the cathedral, where we will be wedded.” Hinintay ko ang sunod nitong sasabihin matapos ng saglit na pag-himpil. “But… only one of you can meet me at the altar.” My breath caught in my throat. Tila naging paralisado ako sa nadinig. I could tell that I wasn't the only one who was surprised by this news, I think all the girls by now are either panicking or have completely lost hope. Hindi naman ako naging kampante kahit kailan sa mga pangako ni Maradona, gayunpaman hindi ko pa rin mapigilan magulat. Kalahating parte sa akin ang gusto na lang iligtas ang sarili, ang isa’y naniniwala pa sa himala. I was still trying to accept my fate when the speakers roared again. “At the stroke of 1 PM, the chase will begin, at every hour, one of you will be killed.” Nagkaroon ako ng saglit na kaliwanagan. Sa lahat ng ito, iisa lang din pala ang maaaring mabuhay. And in his last game, One was the winner. Kung ganon, kung sino man ang mabuhay ngayon ang siyang magiging unang bilang sa susunod? Is this a cycle? Does it matter if we win? Lalo na't kung babalik din naman sa impyernong ito? I was confused. Did One knew all of this? Sadya niya bang tinago sa amin ang lahat ng nalalaman para siya muli ang manalo? Paulit-ulit akong kinakain ng mga katanungan. Pakiramdam ko’y kada pumapatak ang segundo, mas lalo akong nagngingit-ngit sa galit, dala ng katangahan para ako pa’y maloko ni One - dala rin ng aking pagiging estupida kung bakit ba ako naniwala na matutulungan kami ni Midnight. “All vicinities are lined with CCTV cameras, I know the location of each and every one of you, hence, failure to comply and come to the cathedral before the stroke of 12 means death. Failure to progress and participate also means death.” Mas lalong dumiin ang aking pagkaka-yukom ng kamao. We can't run, nor do anything about the situation than to follow him. At kahit pa sundin mo ang kagustuhan niya, isa rin sa inyo ang mamamatay sa kada patak ng oras. This game… this sick hunting fest is purposefully set up so we could all die! Gusto niya kaming mamamatay… Pero bakit? Bukod sa kapangyarihan laban sa gobyerno, bukod sa takot na maitatanim niya sa publiko, ano ba ang kailangan mo sa amin Maradona!? “Don't worry my darlings, I'm a generous man, I have prepared weapons such as guns, knives…whatever you choose in the town square. So be wise with your choice of weapon. You'll never know when you need it.” The mention of weapons piqued my interest. If he has specifically prepared weapons, then this must mean at some point during the game, we will have to use it, either against him or his mobs. Pakiramdam ko'y magagamit ito sa kada patak ng oras. Kapag ikaw ang natipuhan patayin, o baka kapag ikaw ang matyempuhan. “There is a walkie-talkie behind the door, you can get in touch with one another, or maybe you prefer to work alone. My father once told me, that only selfish people get to live.” Walang pag-aaksaya kong hinanap ang Walkie talkie na sinasabi niya bago ito buksan at ayusin ang signal transmission. Good thing I am a police officer! Alam ko kung paano gumamit ng radio, alam ko rin kung paano gumamit ng baril. All I need to do is round the girls up. “Ill be waiting for you my brides… and just a piece of advice. Stay alive for me.” He says, almost mockingly. Tumigil din ang transmission at nang matapos ito, biglang may niluwa ang video player na isang maliit na paper folder. Kinuha ko ito at tinuklap. Isang susi ang bumungad. Walang pag-aaksaya kong diniretso ang pintuan upang buksan. Nang makalabas sa maliit na abandonadong bahay, tsaka ko lamang nasilayan ang malawak na parang. Sa gitna ng matatayog na lambak, matatagpuan ang bayang tinutukoy ni Maradona, at sa gitna naman nito’y may nakatirik na cathedral. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng lugar habang pinag-iisipan kung bababa ba ako o aakyatin ko ang kabilang panig ng lambak. Sa gitna ng pag-iisip naka-sagap ng signal ang aking walkie-talkie. “N-n-nasaan kayo!?” Medyo malabo ang boses kaya sinubukan kong maghanap ng signal. Binaba ko ang maliit na lambak at ginamit ang natagpuang rock formations bilang suporta. “This is Eleven… over. Nasa taas ako ng isa sa mga bundok, sa isang maliit na abandonadong bahay. Kung naririnig niyo ako, sabihin niyo sa akin lokasyon niyo at ako mismo ang maghahanap sa —” Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin nang may pumutok na argumento sa pagitan ng mga kababaihan. “One? Can you hear me? A-anong gagawin namin?" Boses iyon ni Six. "N-nothing. But to follow his orders." "Follow? You want us to walk to our deaths?” There was a long silence that drew out. “Yes.” “Is this some kind of joke One! Wala kang sinabi sa amin na isa lang ang mabubuhay!” Si Nine. “I'm sorry… pero sa tingin niyo ba tatanggapin niyo ang balitang iyon kapag sinabi ko ang totoo?” “Sorry!? Anong gagawin ko sa sorry mo!” “I told you everything you needed to know.” “But not all!” “You made us believe that we are going to survive!” Sabat ni Eight dahilan para mas lalong maging magulo ang kanilang usapan. Dahil sabay-sabay silang nagsasalita at nanggagalaiti, nahirapan akong habulin ang mga sinasabi ni One. For now, she was the person I needed to find and see. She won before. She knows how this works, and probably how we'll escape this cruel game. “Yes, you can. You can if you follow his orders!” Hindi magka-mayaw ang iba sa kanila mula sa salitang binitawan ni One, miski sa balitang malabo na makalabas kami lahat ng buo dito. “No! No! Ayokong mamatay! Ayoko!” “Shut the f*ck up Two! Lahat tayo’y gustong mabuhay! Get your sh*t together!” Nagka-rambol-rambol na ang kanilang mga boses kaya hindi ko na masabi kung sino ang nagsasalita. “Hello? One? One? B*tch!” “Nasaan na si One? Hindi na nagpaparamdam!” Huminga ako ng malalim. There was no use talking to them this way. Kailangan nilang lahat kumalma! Tila ba narinig ni Eight ang aking panalangin kung kaya’t ang pagsabat niya ang naging dahilan para silang lahat ay matahimik. “TUMIGIL MUNA KAYO KAKA-DADA AT PAG USAPAN NATIN ANG GAGAWIN!” With every ounce of voice she has, Maria managed to send us all into silence. Mabuti na lang at maaga niyang naitatag ang pagtayo bilang lider sa kanilang lipon kung kaya’t walang problema sumunod ang mga kababaihan sa kanya. “Now what we need to do as of now… is to process everything he has said. Siguro ay may lusot naman, baka kailangan lang natin tignan ng maigi-” “Why not just try and hunt him down? Sigurado akong kaya natin siyang pagtulungan uli gaya ng d—” “Nakikinig ka ba Two? He's in the cathedral. And his thugs are probably swarming the vicinity now. Our best hope in surviving is to stay together and go to the cathedral… but this time with a plan.” She specifically emphasized having a ‘plan’ first. “Pero isa isa tayong mamatay gaya ng sabi niya sa pagpatak ng kada oras.” “Kaya nga kailangan natin magsama-sama. Malakas tayo pag marami. Mahina tayo pag mag-isa lang.” Their voices went quieter but they were still in disarray. Isa-isa silang naglahad ng kanilang mga suhestyon, isa isa rin ay nagkapaliwanagan sila sa kanilang mga lokasyon. Ayon sa mga sinabi nila, natatantya ko na halos magkakatabi lang din kami. Kung ivi-visualize ko sa aking utak, paikot ang aming orientation na maihahalintulad ko isang orasan. Sa gitna ay ang cathedral, samantalang ang mga numerong naka-palibot sa orasan ay kaming mga biktima ni Maradona. Kung tutuusin, ang pinaka-malapit sa aking babae ay si Ten at Twelve, pero dahil walang pang-labing dalawang biktima, siguro si One na ang sumunod sa distansya, isang bagay na kinatutuwa ko gayong siya rin ang gusto kong matunton. “Before we go to the cathedral, kailangan natin kumuha ng mga armas. Nasa town square daw nakakalat. My best bet is going after a gun.” “Good call, Eleven. Nauubos ang oras natin kakausap. Let's talk on our way there.” Everyone agreed. At parang ito ata ang kauna-unahang bses na kami’y nagkaroon ng pagkaka-intindihan. **** “Ano yang hawak mo?” Sumabat si Ten sa aking katanungan. “Uhmm… armas?” Pronto kong inagaw sa kanya ang piraso ng kahoy na nakita niya bago ilapag sa kamay niya ang nakuha kong basag na bote. “Isang hampas mo lang sa kahoy na iyan ay masisira na siya. Mas mainam itong bote, may tsansa ka pang maka-panakit sa kalaban mo.” Marahan siyang tumango sa akin at nagpasalamat. Habang abala si Eight at Seven sa pagtapyas ng kanilang suot-suot na wedding gown upang gawing pambalot sa kamay at paa, walang pasubali akong nilapitan ni Nine, na mukhang kanina pa nangangating makausap ako. Pinagbigyan ko siya ng katiting na oras ko at sinundan siya sa dakong masukal na daan. “About what we’ve talked about.” Bahagya siyang tumigil na tipong minamanmanan kung may nakikinig ba sa amin. “We need to work together. I presume you haven’t forgotten our deal yet… Me and Midnight…need to meet.” Tinitigan ko siya sa paraang nahihibang. Isang usapin ang ukol sa kapatid ko, isa rin ang larong kailangan namin makaligtas. And right now, she is prioritizing matters beyond her control. “Sabrina… we’re not in that situation anymore. Hindi ito ang tamang oras para ma-obsess sa paghihiganti kay Midnight...kung iyon nga ang pakay mo. Look, I undestand how infuriated you are. Ang kapatid ko ay nasa kamay niya rin! Pero hindi ito ang tamang oras para abalahin iyon… wala rin akong kasiguraduhan kung matutulungan niya tayo.” “Lily.” “Listen, you figure this out on your own. May mga tao akong kailangan tulungan… hangga’t hindi ko sila nailalabas sa impyernong ito, I cannot help you with this revenge of yours.” “No! H-hindi mo naiintindihan Lily. You got it all wrong! Alam kong pupuntahan ako ni Midnight. Matapos pagsawaan ang kapatid mo, alam kong babalik din siya para sa akin–” Agad ko siyang hinawakan sa pala-pulsuhan. Lahat ng lakas at kagustuhan kong sampalin siya nang banggitin niya sa usapan ang kapatid ko’y biglang naglaho matapos pigilan ang sarili. Ayoko sanang maka-panakit ngayon pero nasa binggit na ang aking pasensya. “Tigil-tigilan mo na ako. Midnight will never come for us anymore… Ang akala ko’y matutulungan niya tayo, pero gaya mo, puro panloloko at kasinunggalingan lang ang pangako niya.” “Lily. You will f*cking help me survive this game or so be it that you won’t see your sister again.” Sa bawat salitang binitawan niya, kapansin-pansin ang diin at galit niya. Kaya ko pang tiisin ang mga iyak at walang kabuluhang paghi-hysteria ng iba, pero ang pagbantaan ako? Nagkakamali siya ng taong tinapakan. Walang duda nga na anak siya ng mga Ferro. Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili. Akala niya’y mas mahalaga ang kanyang buhay kaysa sa iba, subalit wala lang siya dito. Sa mundong ginawa ni Maradona, sinigurado niyang lahat kami’y pantay-pantay ng kalagayan. Siguradong lahat ay may patutunguhan… “Say it one more time. Say it.” Huminga siya ng malalim, mataas ang tingin sa sarili at tila walang hiya sabihin ang kanyang hinaing. “You will personally see to it…that you would guide me out of this mess, just like where your expertise lies.. And I promise… I promise you’ll be given a hefty amount for your contribution.” Inangat ko ang ulo upang titigan siya mata sa mata. Wala sa isip ko na niloloko niya ako pero ngayon parang nagiba ang pananaw ko. Imposibleng isipin niya na matutulungan ko siya, hindi ba? Hindi niya ba alam ang integridad na pinanghahawakan ko bilang pulis? Akala niya ba’y gaya ako ng mga nasa ilalim? Is this a joke or a direct insult to my career? Akala niya ba mababayaran ako? “What do you think I am Sabrina!!? You think I’m a joke? Porke ba alam mo ang identidad ko ay akala mo mauutusan mo na ako? Nagkakamali ka ng taong nilapitan. Dahil pumunta ako dito hindi lang para manalo. Pero makahanap ng paraan para matigil itong lahat.” “Sa tingin mo ba kaya mo siyang kalabanin?” Kinagat ko ang aking pisngi habang pinag-iisipan ang gagawin sa kaharap ko ngayon. Sabrina Ferro was unstable and not to be trusted. Anumang oras ay baka kami naman ang ipagpalit niya sa mga hangarin niya. Bringing her along with the group could pose trouble. At sa sitwasyon ngayon kung saan ang lahat ay nababahala para sa sari-sariling buhay, walang makakapag-sabi na hindi magkakaroon ng gulo sa oras na magka-sabatan ang lahat. Sa oras na malaman nilang kasabwat siya ng mga Citadels. Balak ko na sana siyang balewalain at magpanggap na hindi ko narinig ang mga sinabi niya ngunit ang malakas na kalembang mula sa dambana ng cathedral ang humalili sa kaninang katahimikan. That just means one thing… an hour had already passed and we didn’t even notice. Maagap kong pinagmasdan ang kapaligiran namin. Napansin ni Sabrina ang pagbabago sa aking ekspresyon kung kaya’t mabilis din siyang pumwesto bilang depensa. “Did you hear that?” asik niya sa akin sa bandang kaliwa. Dahan-dahan akong tumango habang kinakapa ang napulot na bubog sa aking gilid. Wala pa man kami sa townsquare ay pumatak agad ang oras na pinaka-iniiwasan namin. Hindi pa man din kami kumpleto pa dahil hinihintay pa namin ang iba bago umusad pero mukhang huli na ang lahat. Matapos ang ilang segundong kapayapaan, tsaka lang kami nakahinga ng malalim. False alarms lang pala… “Bumalik na agad tayo kina Eight bago pa tayo matunto-” Agad na naputol ang aking sasabihin nang marinig ang sigaw ni Ten mula sa kalayuan. “Ten!” sigaw ko bago kumaripas ng takbo patungo sa kanyang direksyon. Samu’t saring talahib ang humampas sa aking mukha ngunit hindi ko iyon inalintana. Sinubukan kong habulin ang pinanggalingan ng boses pero tila ba palayo ito ng palayo. “Ten!” rinig kong sigaw ni Eight na ngayo’y hinahabol din ito. “Eight! Ano ang nangyari!” “It’s Maradona… M-Maradona is here!” Isang segundo ko lang ata naiproseso ang sinabi niya bago muling bumalik sa paghahabol. My heart began to hammer in my chest as horrible images flashed in my head. Please don’t die yet… Please don’t die on me Ten! Tila ilaw na napundi, mabilis na nawala ang aking pag-asa nang marinig ang malalim na halakhak ng isang tao sa aming likuran. Sabay-sabay kaming tatlo na napalingon sa pinanggalingan ng boses at halos maluwa ang aming mata ng masilayan si Maradona. What is he doing here? I thought… no, ‘we’ thought he was in the cathedral. Kasabayan ng pagtambol ng aking dibdib ay ang galit niyang pagsigaw. “Why are you running away from me? You're supposed to greet me with open arms.” Hindi na pala-isipan sa amin na nadali si Ten. Posibleng patay na ang babae. Mas lalo akong nahirapan huminga sa nalaman. Even though I've seen deaths before, I could never get used to it. Napalunok ako sa sarili bago dumapo ang mata sa hawak-hawak niyang rifle. Napansin iyon ni Eight kaya sinubukan kong patagalin ang nalalabing oras para sa amin. “A-are you going to kill us like w-what you did with Ten?” Maradona merely smiled at us before craning his head. “I didn't do anything bad… I just merely… broke the engagement.” Aniya pagkatapos ay tumawa ito na parang nababaliw. “We’re simply n-not meant to be. D-dont tell me that you're going to leave me, like she did. She ran away. Tried to escape the fate that's coming to her.” “But I t-thought we had rules.” He stared dully at us. There was nothing colder than that stare of his. “How naive… You must know I'm an impatient man.” Kahit sanay na ako sa mga nahawakang kaso na may sangkot na baliw o mental disabled na indibidwal, parang ngayon lang ata ako naka-saksi nang napakabilis na pagbabago ng ugali ng isang tao. One minute he was singing praises, and the next, he is threatening us with such vehemence. Unti-unti niyang kinabig sa gilid ang hawak na rifle bago itutok ito sa amin. Then he flashed a sinister smile. Is he going to kill us? All three of us? Napahawak ako sa mga braso ng dalawa kong kasama at mabilis na nag-ipon ng lakas at sapat na hangin sa aking baga. “T-then… you wouldn't kills us… atleast after an hour.” Binaba niya ang baril sa nadinig. “What gave you the thought that you'd be so easily spared?” “In your rules. Isang babae kada isang oras. At si Ten ang babaeng nauna.” si Eight. Maradona merely nodded. “But do you honestly think you're temporarily saved because you're protected by my own rules which I can easily break or change? How gullible. You haven't fully understood that this game still requires you to make use of your time well. And that time is running out.” Malamig niya kaming pinukulan ng titig. “I'll give you seconds to run… and if I catch you, you'll be the next bride to be reaped.” Tatlo kaming napasinghap. “One…” Pagbibilang niya. Wala pang ikalawang segundo ay mabilis kaming umalis sa lugar na iyon. “Two!” Followed by a gunshot. Sumunod ay ang nakakaloko niyang tawa na nasundan ng sunod-sunod na putok ng baril. Kumaripas ako ng takbo samantalang nasa likod ko sina Eight at Nine na hirap na hirap makahabol sa akin. “Mauna na kayo! Liliko ako! Kailangan kong i-distract si Maradona.” “Are you insane Eleven?! Gusto mo bang mamatay?” sigaw ni Eight Hinihingal akong tumugon. “Ako ang pinaka-mabilis na tumakbo sa ating lahat. Kaya ko siyang takasan!” Bago pa siya makapagbigay ng sagot, walang pasubali kong nilandas ang aking kanang gawi. “Maradona! Is this how you kill us? You pathetic piece of sh*t!” Walang habas kong sigaw sa pag-asang maakit siya sa aking direksyon. At mukhang epektibo naman ito gayong mabilis ko agad nasilayan ang nagsigalawang talahib. Ngunit hindi rin nagtagal ay nanlaki ang aking mata nang mapagtantong hindi biro makipag-habulan sa lalaking ito, lalo na't animo’y atleta ito kung manakbo! “F*ck!” I grumbled under my breath. “You can't run away from me. You belong by my side! Just accept my love.” Ang tunog ng paa kong nadadapuan ng kung ano-anong matatalim na bagay ang naging tanging ingay sa pagkakataong iyon, maliban sa aking hikahos na hininga, at sa mabibilis na yabag ng aking kasunod. Hindi pa ako tuluyang nakakalayo nang dahan-dahang kabahan sa eksenang nasilayan. Ilang metro ang layo sa akin, makikita ang hile-hilera ng mga baril na nakatutok sa akin. The town’s boundaries were lined with machine guns. Isang paalala na kung sino mang tatapak sa labas ay siguradong matatadtad ng bala. “You think you can escape from your future husband, dear wife?” For a moment there was silence, and suddenly, the loud patter of rain ensued. Napakahirap takasan ng kapalarang ito. Miski ang pagasang makahanap ng ibang madadaanan ay naging imposible na ngayon. There was no escape from this town, everything was so orchestrated. Sinubukan kong kapain ang inipit kong bubog sa gilid at nang madama ito, dahan-dahang kong hinarap ang matagal nang kalaban. “I'd rather die than be married to you.” Humigpit ang pagka-kapit ko sa bubog habang ang mata naman niya'y nagliyab sa galit. “It's a shame… you were one of my favorites. But it looks like you'll be the next one to die this midnight.” Tila bumagal ang patak ng oras. Ang ulan ay animo'y tumigil nang marahan niyang iangat ang baril upang itutok sa akin. “Isa ka sa pinakamatalino… but you, love, you're also the most foolish of them all for attempting to capture my attention." Bago niya pa makalabit ang gatilyo, mabilis akong kumaripas pa-kanan at dumausdos sa magaspang na lupa upang maiwasan ang unang balang pinutok niya. “You're fast. I'll give you that..” I hear him call out. Hindi ko siya inalintana miski nilingon at sa halip, pinagpatuloy ang aking tangkang pagtakas. At habang alarmang lumalayo, sa isang praksyon ng oras ay bumalik ang kaninang takot. “But I was just warming up…” My heart revs up, along with the long pause, and the sound of another gunshot. Pumatak ang ulan. Dumagundong ang langit. Sa isang segundo, bumagsak akong umiiyak habang sapo-sapo ang duguan kong hita. “Argh!” Pigil kong hiyaw habang namimilipit sa sakit. Alam kong sinasadya niya ito. Maganda ang kanyang tama kaya walang ibang dahilan para dumaplis ang una niyang kalas. The first was a heads up, the second gunshot was a warning. And the third… “Your time’s up…” Akala ko katapusan ko na ng mga oras na iyon. I thought I failed everything I have ever worked for. Pero nang kumalembang ang malakas na dagundong ng dambana, binalot ako ng samu’t saring emosyon - ang isa’y ginhawa, ang ikalawa ay pangamba sa potensyal na kamatayan ng isa sa aking kasamahan. Suddenly, I am thinking why I was so relieved to be alive? Bakit ako masaya na hindi ako ang namatay? Baka nahanap niya ang naguguluhan kong ekspresyon na katawa-tawa gayong sumilay ang ngisi nito sa kabila ng kanyang maskara. “Luck seems to favor you, love. Two brides have met their untimely demise this very hour.” Habang matiim na tinititigan ang kaharap, sinalubong niya ang galit ko ng isang nahihibang na halakhak. “But what makes you think you escaped the same fate?” Kinagat ko ang labi. “K-kung hindi ikaw ang pumatay sa isa pa, sino ang…” Tumawa lang siya sa pagtatangka kong intindihin itong ‘larong’ in-orkestra niya. “I will return for you… After all, there's only room for one bride on my side.”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD