5

1663 Words
“What the hell!” May ingay siyang naririnig mula sa labas. Nananakit ang sentido niyang napabangon nang makarinig ng kung anong kalansay mula sa labas ng kwarto. Bahagyang nakaawang ang pintuan niya kaya naman malayang nasasagap ang anumang ingay. Lasing siya kagabi kaya hindi na niya napagtuunan ng pansin kung naisarado ba niya ang pintuan o hindi. Last night was his wedding night, but he opted to go out. Walang anumang dapat mamagitan sa kanila ni Meredith. They were just doing this out of obedience. Mababait lang silang mga anak at sumusunod sa mga magulang. Lumabas siya ng silid. Bahagyang nakabukas ang pintuan ng silid ni Meredith nang maraanan niya. The bed was made up already. Parang hindi hiningaan. Sumilip siya ngunit walang tao. Malinis na malinis ang silid. “Did she even use the bed?” Dumaan ang amoy ng pagkain sa ilong niya. Amoy ng tila ginisang bawang. Apat na taon na siya sa condo’ng ito pero ni minsan ay hindi pa siya nakapagluto sa induction stove. Malimit lang iyong nagagamit. Mabilis ang naging paghakbang niya patungo sa kusina. Naratnan niya ang mga pagkaing nakahain sa mesa at ang babaeng abala ngayon sa paghahalo ng kung anuman sa lutuan. Alas sais pa lang ngunit nakapaligo na ito at nakapaghanda na. Natulog man lang ba ito?’ Binantayan niya ang bawat galaw ng babae. Pinatay nito ang stove at kinuha ang inihandang platter sa gilid at sinimulang ilipat ang nasa kawali. She’s an OC. Bawat kalat ay kaagad na nililinis at pinupunasan. Suma total, mukhang hindi nagamit ang lutuan. Makintab pa rin. Bahagya itong nagulat nang matuklasang nasa mismong harapan na siya nito. Nanlaki ang mga mata at nahaluan kaagad ng pagkalito ang anyo. “Hmm, n-nakialam na ako.” Inilapag nito ang sinangag na kanin sa gitna ng mesa habang pinagsalikop panigurado ang mga kamay sa likod nito. She was like a little girl who was waiting for a verdict. Nakatitig lang sa kanya at hinintay ang sasabihin niya. “K-kain ka na.” Nagbaba ito ng tingin, pagkatapos ay itinihaya ang nakataob na plato malapit sa kanya. May bahagyang panginginig ang mga kamay nito. “Stop it.” Nasa plato ang mga kamay nito ngunit nasa kanya ang mga mata. “You didn’t sign up for this.” Nalito ito sa sinabi niya. Humugot siya ng malalim na buntung-hininga. May gusto siyang sabihin pero mas pinili niyang ibulsa. “I don’t usually eat breakfast.” Kumuha siya ng bottled water at dinala iyon sa silid. Inubos niya iyon at nahiga siyang muli sa kama. pinapahupa niya ang sakit ng ulo. Dagdag isipin pa na may kasama na siya sa unit. Hindi niya alam kung paano tratuhin si Meredith. The longest time he spent with another woman was when having sunsown to sunrise s*x escapades. Isa pa, iniiwasan niyang masanay sa lahat ng mga ginagawa nito. Magtatapos sila sa takdang panahon at ayaw niyang may mga ganoong mga alaala na maiiwan. His marriage to her was only a phase. Lilipas din, sigurado siya. He took a bath and changed into his casual executive look. Kasalukuyan niyang ibinubotones ang calf ng long sleeves nang mapadako ang tingin sa palasingsingan. Ilang segundo siyang napatanga roon. Matapos ang pag-iisip, natagpuan niya ang kamay na hinuhubad iyon at inilapag sa bedside table. He won’t be broadcasting to the whole damn world that he was married. Tuloy pa rin ang buhay. Paglabas niya ay tahimik na ang kusina. Walang anumang bakas ng kalat na naiiwan. Nakasarado na rin ang silid nito. Malalaman din naman nito kung umalis na siya o hindi. Pagdating niya ng opisina ay sinalubong siya ng hindi inaasahang maiinit na pagbati ng mga naroroon. Kahit ang guard ay alam ang tungkol sa pagpapakasal niya. Duda siya na ang ina ang may pakana. “Congratulations!” What the f**k! However, he had no other choice than act normal. Tinanggap niya ang pakikipagkamay ng mga ito. Sinuklian ng pasasalamat ang mga congratulatory greetings sa kabila ng pagpoprotesta sa dibdib at tila pananakit ng sentido. “Thank you.” Nawala ang bahagya niyang ngiti sa harap ng mga executives nang matanaw ang babaeng nakatayo ngayon sa unahan, katabi ng sekretarya niya. Ashley was looking at him intently. Hindi siya nasanay na ganito ito. Lagi itong happy-go-lucky. She was abit playful. At, sinadya pa talaga siya. Siguradong alam na nito. Alam naman nito ang lahat. She had been his friend for a long time. Nakikuwento ng lolo niya sa lolo nito ang pagrireto sa kanya sa noo’y hindi pa niya kilalang si Meredith. Nahawi ang mga tao. Kani-kaniyang pasok ng opisina at elevator. He was left alone, looking at Ashley. Humakbang silang pareho at nagtagpo sa gitna. “Kanina pa ho naghihintay si Miss Ashley, Sir.” “Thank you, Rica.” Ashley and he were left alone unable to say any word. Wala silang opisyal na relasyon pero nakakaramdam pa rin siya ng sundot ng kunsensya. Balak niya namang aminin dito ang totoo, naunahan nga lang ssiya. Bumaba ang mga mata nito sa kamay niya. “How come you’re not wearing your wedding ring?” “Sa opisina na tayo mag-usap.” Tahimik silang pumasok sa pribado niyang opisina. Nilagpasan si Rica na ngayon ay abala na sa computer nito. “Have a seat.” He locked the door behind him. Bago siya makapihit ay naramdaman niya ang init ng katawan ni Ashley sa kanyang likuran. He was literally inches away from him. Hinarap niya ito. In straight face he said, “I’m sorry for not telling you yesterday.” Mahirap paniwalaan pero may bahid ng pait na nakapinta sa mga mata nito. “Wala namang magbabago, hindi ba?” He was a womanizer but he was trying to hold is sanity right now. Laro-laro man ang meron sila ni Ashley but she was the longest relationship he ever had. Mahirap bitiwan ang namamagitan sa kanila ngunit kikailangan. He was married already. Sa hindi inaasahan, bigla na lang siyang niyapos ng babae. Kakaiba ang yakap nito sa ngayon. May kaakibat na damdamin. Or perhaps, he just failed to notice. Naroroon lang ito at nakayakap sa kanya nang walang anumang sinasabi. Ilang segundo rin sila sa ganoong posisyon hanggang sa ito na rin ang unang nagsalita. “I am willing to continue what we have, Cal. Walang magbabago. Alam ko namang wala kang pagmamahal sa babaeng ‘yon. I will always be here for you. Call me anytime and I will spare my time for you.” Lumapat ang bibig nito sa gilid ng kanyang bibig. She planted a wet kiss on it. She was sending a message. “I won’t change the lock in my condo.” Dahan-dahang dumausdos ang kamay nito mula sa kanyang leeg patungo sa kanyang balikat. Her fingers traced his arm and then she was gone. He was left with all those enormous emotions in his chest. Sinikap niyang iwaglit si Ashley sa utak niya. He tried to focus his mind on his work. Sa sobrang busy ay nakalimutan na niya ang oras. It was dark already. Nangingislap na mga liwanag sa iba-ibang estabsiyemento ang pumalit sa kanina maliwanag na paligid na natatanaw niya mula sa glass wall. Umunat siya. Pagkatapos ay sinimulang sinupin ang mga gamit. Bitbit ang coat sa kaliwang kamay at sumakay siya ng elevator. He thought of going to Ashley but he refrained himself from doing it. Kumain na muna siya sa isang restaurant bago umuwi. Kabubukas pa lang niya ng pintuan nang sumalubong ang usok na nagmumula sa kusina. Inilang hakbang niya ang pagitan ng sala. Konti na lang at magiging critical na ang smoke level. Meredith had that worried expression on her face. Binaklas niya ang nakatungtong na rack na may nakapatong na dalawang talong. She was roasting some eggplant on the stove. Nagulat ito. Hinablot niya ang basahan at binasa iyon at tinakpan ang bahaging pinagmulan ng usok. Dahan-dahang nawala ang usok. His heartbeat was racing so fast. Literal na naiinis siya. He was angry, in fact. Nakapameywang na hinahabol niya ang hininga at matalim ang mga titig na nilingon si Meredith na ngayon ay nakasiksik sa ref. nininerbiyos ito. “What do you think you’re doing?” Nang-angat ito ng mga mata. Saka niya lang nakita ang takot sa mga mata nito. But the hell he care. “Gagawa lang naman sana ako ng tortang-“ “Saang bundok ka ba nanggaling?” His tone was high. Hindi niya mapigilan ang sariling huwag ilabas ang yamot sa dibdib. Para siyang bulking sasabog sa tindi ng inis. Kung titira ito sa pamamahay niya, dapat ay hindi ito tatanga-tanga na lang palagi. This is what he hates with innocent-looking women. Nakakaubos ng pasensya. Nakita niya kung paanong bumalatay ang sakit sa mukha nito. Hindi nito nakayang itago. It was a subtle way of bluntly calling her ignorant. Hindi man lang ba ito nag-iisip? “Sorry.” Ang dami pa niyang gustong sabihin. Mataman niya itong tinitigan. “You don’t have to do that, Meredith. Stop acting like a true wife. Alam nating pareho kung ano tayo.” He couldn’t control his temper. Nabitiwan niya ang mga salitang hindi dapat. “Sa papel lang tayo mag-asawa, Meredith. Hindi mo kailangang pagurin ang sarili na pagsilbihan ako. You have no obligations towards me. Just…just don’t to these things. Stop doing anything.” Was he too much? Nawala ang kulay sa mukha nito. Napapahiyang nagbaba itong muli ng tingin. Nakagat nito ang ibabang labi. Nag-aalala siyang iiyak ito pero hindi. “S-sige.” Sinimulan nito ang pagliligpit sa mga niluto. Somehow, he felt a pinch in his heart. Pwede siyang mag-sorry. Yet, he didn’t. Nayayamot siya rito pero mas nayayamot siya sa sarili. Bakit kailangang pagtaasan niya ito ng boses? Pero huli na para bawiin ang mga sinabi. He won’t say sorry. No, he won’t. Meredith must remember her place. She was just a wife for him and when the time comes, he won’t keep her no matter what.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD