6

1628 Words
Kinabukasan, nagising siyang wala na ang ingay na nakagisnan niya kahapon. Walang nagkakalampagang mga gamit. Walang amoy ng pagkain. He took a shower and changed. Paglabas niya ng silid ay naratnan niyang siyang pagbubukas din ng main door. Pumasok doon si Meredith na may bitbit na coffee in cup at supot ng kung ano at isang five hunded milliliter na bottled water. May stock siya sa ref, pero bumili ito at bumaba itong hindi man lang nakapagpalit ng damit. She was still on her baggy pajama, pinatungan lang ng maluwang na sweater at suot pa ang fluffy sandals. Nakatalikod si Meredith at kasalukuyang isinarasado ang pintuan. Bahagya pang nanlaki ang mga mata nito nang matuklasang nakatitig siya sa bawat galaw nito. s**t! Para siyang nanonood ng show. “G-good morning.” Again, nagbaba na naman ng tingin. Like it was a crime stare back at her. Inakala niyang sa kusina ito papanhik pero diretso nitong tinawid ang pagitan ng kinatatayuan at ng silid nito nang nakatungong nilampasan siya. Really? Sa kwarto ito kakain? Naalala niya ang sinabi kagabi. “Better yet, do not touch anything.” Isinaulo nito. Ayaw niyang bawiin pa ang sinabi. Lumabas na sa bibig, nasabi na, walang saysay kung pasusubalian pa. Pagkapasok sa kusina ay ang coffeemaker kaagad ang inatupag niya. Gumawa siya ng kape. Habang hinihintay na matapos iyon ay naghalungkat na rin siya ng maaaring ipares sa kape. Binuksan niya ang ref. May mga natitira pang supplies na nasa loob ng ref. Ang ref niyang laging beer, tubig at pizza ang laman ay nagkaroon bigla ng buhay. May mga gulay at prutas sa iba-ibang kulay. May itlog na nakahanay sa egg rack. Maayos ang pagkakasalansan ng lahat. Walang kalat. Singlinis ng kusina na sa pakiwari niya ay hindi nagalaw simula kahapon. Napabuntung-hininga siya. Habang nakaupo at hinihigop ang umuusok na kape ay hindi niya maiwasang maalala ang mga nakahaing pagkain noong nakaraan. Ni hindi man lang niya natikman. Sumobra ba siya? Well, things should stay the way they were supposed to. Walang kailangang magbago at baguhin at dapat ay naiintindihan ito ng babae. Mabilis niyang tinapos ang ginagawa. Responsibilities were waiting for him at the office. Naging subsuban siya sa trabaho. Kaliwa’t-kanang meetings. Lunch time nang dumating ang Mommy Audrey, may bitbit itong mga lalagyan ng pagkain at may kasama ito. “Mom, what are you doing here?” Simula nang umupos siya sa position ngayon ay mas pinili ng ina na pamahalaan ang iba pang negosyo. Nagagawi lang ito sa opisina kapag may importanteng pakay. “I brought lunch. Mukhang hindi ka pa kumakain.” Ipinatong nito sa conference table na sinadya niyang ipalagay sa opisina para sa madaliang meetings at brainstorming sa mga tauhan na personal niyang ginagawa lalo at hindi siya satisfied sa performance ng sinuman sa mga ito. “Wait, nasaan na ba ang batang iyon?” Pansamantala siyang iniwanan ng ina at sumilip ito sa pintuan niya. “ Oh, there you are, Hija!” Hindi na nakapagtataka. Of course, gagawa ng paraan ang ina niya na ipaglapit sila ng babaeng ito. Hawak ito ng nanay niya at hila patungo sa kinaroroonan niya. Alam na niya ang kasunod. His mother is quite a matchmaker lately. Abala ito bilang top executive sa pero heto at dinaanan pa talaga ang ‘asawa’ niya para lang makasabay nila ng pananghalian. Nilapitan niya ang babae na hanggang ngayon ay tahimik at atubili pa rin. Courtesy dictates, kailangan niya itong lapitan. Napapitlag ito nang bineso niya. Naramdaman niya ang paninigas ng katawan nito na nakalapat sa kanya. Goodness! He was holding her on her waist at saka niya lang natantong nakatukod ang dalawang palad nito sa dibdib niya. Kulang na lang talaga ay umangat ang kilay niya. Pinagkakaguluhan sya ng iba ngunit itong ‘asawa’ niya, ni ayaw magpahawak sa kanya. “You, two, should be spending more time together. I know at first, nakapaninibago ang sitwasyon ninyo but obce you get to know each other better, siguradong hindi na kayo mapapaghiwalay.” His mother sounded so hopeful. Nakangiti at magkasalikop ang mga palad sa tapat ng dibdib habang nakatingin sa kanila. ‘Don’t hope too much, Mom. I might fail you.’ Binitiwan niya ang ‘asawa’ niya at pasimpleng sinundan ang ina na ngayon ay abala na sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa. Nakitulong na rin si Meredith. Una itong pinaupo ng ina. His mother remained standing. “Oh, I think everything’s ready.” Napatanga si Meredith sa ina niya, tila ito isang batang takot na iwanan ng ina. Siya naman ay napahawak sa collar at nahila iyon at niluwangan. He suddenly felt tightening in his chest. May plinano na naman ang ina niya. “H-hindi na ho ba kayo, magla-lunch?” Ngayon lang natagpuan ni Meredith ang boses nito. “Sorry, Dear, this is your first lunch our together as officially wed couple.” Hinawakan pa ng nanay niya ang baba ng babae. Pinulot ang bag at isinukbit sa braso at walang lingon-likod na umalis. She did not even give him the chance to protest. Ow, protest! Simpleng lunch lang ito. Napatingin siya sa babaeng katapat. Wala na itong ibang ginawa kundi ang tumungo. She was so unsure of what to do. at bahagyang nanginginig ang mga kamay nitong may hawak ng kubyertos. “Just eat. Don’t mind me.” Sa loob ng mga sandaling kumakain sila, tanging sa pagkain lang nakatingin si Meredith. Naiisip niya tuloy kung gaano ba siya kasamang tingnan? Tanging kunyertos lang ang naghaharing ingay. Hindi niya ugaling maasiwa pero kapag nagpatuloy sila sa ganito ni Meredith ay mas lalaki ang gap nilang dalawa. In between munching his food, he was contemplating on the possible things they could talk. He could think of none. Wala silang alam tungkol sa isa’t-isa. Wala siyang balak palawigin ang nalalaman na. Hanggang doon na lang. “Sorry, hindi ko napahindian ang mama mo.” Diretso niyang nalunok ang malaking hiwa ng karne nang bigla na lang itong nag-angat ng mukha. He could almost choke, naagapan lang nang agarang pag-inom ng tubig sa tabi niya. What else could he say? “Kumain ka na lang.” Natapos ang lunch nang wala nang anumang namagitang usapan. “Just leave it.” Nabitin sa ere ang gagawin sana nitong pagliligpit sa pinagkainan. Hindi na nagtanong at minabuting maupo sa couch. Pinanood lang nito kahit ang maintenance na inutusan niyang maglinis sa mesa. Nahihiyang nginitian pa nito ang babae. It was almost one. Wala man lang ba itong balak na umuwi? Humugot siya ng ilang libong bills sa bulsa at isa pang ATM card at iniabot sa babae. “A-anong gagawin ko diyan?” “Ano ba ang ginagawa sa pera?” nawawalang pasensya niyang tanong. Pati bap era? “May pera naman ako.” Nagpakawala siya ng hangin at isinuksok na muli sa wallet ang pera at card. “Sige, aalis na ako.” Pinulot nito ang bag at tumayo. Ilang saglit na nakatitig pa sa kanya bago tumalikod at lumabas ng pinto. Pabalik na siya sa mesa nang tumawag ang ina. “Si Mere?” “Mere?” Oh, Meredith. “She’s gone home already.” “What?! Hindi mo man lang inihatid?” Nalukot ang mukha niya. “Mom, I am busy. You know that.” “Can’t you spare even just a few minutes na ihatid ang asawa mo pauwi sa condo? Did you even ask her if she knows how to go home? You are irresponsible, Caleb. Alam mong hindi siya nasanay dito sa Maynila.” Naririndi siya sa matinis nang boses ng ina. “Okay.” Pinatay niya ang tawag at nagmamadaling lumabas ng pinto. Napahinto siya nang makita itong kinausap ang secetary. “Ma’am, alam ho ba ninyo ang pangalan ng kinaroroonan ng condo unit ni-“ “I’ll drive you home.” Parehong napalingon sa kanya ang dalawang babae sa maagap niyang pagsasalita. His secretary smiled at Meredith. “Ayan, ihahatid naman pala kayo.” How did he end up marrying an ignorant woman? Ilang sandali lang ay lulan na sila ng elevator. May mga taong napapalingon sa kanila sa lobby sa ibaba nang binabagtas na nila nang magkaagapay ang emtrance ng gusali. He could sense discomfort in her. Halos itago na nito ang mukha. He gathered, hindi ito sanay sa anumang atensyon. Saang bundok ba talaga nanggaling ang babaeng ito? He was between being mesmerized and annoyed at the same time. “Bakit hindi mo man lang tinanong kung paano umuwi? Pwede naman kitang ipahatid sa driver. Wala ka bang bibig?” Meron, umawang nga sa mga sinabi niya. God. Mauubusan siya ng pasensya sa babaeng ito. From years of dating independent and outspoken women, he ended up marrying the exact opposite. “Sorry,” was all she could say. Damn! Nginangatngat siya ng kunsensya kahit hindi naman dapat. Hanggang sa paghinto sa harapan ng building nila ay walang anumang namagitang pag-uusap. Tanging sa labas ng bintana lang nakaharap si Meredith. “Salamat sa paghatid.” He couldn’t believe this woman. Pinagsalitaan na nga niya ng hindi maganda nakuha pang magpasalamat. Bumaba itong ni hindi man lang hinintay na pagbuksan niya ng pintuan. Walang lingon-likod itong naglakad nang mabilis patungo sa loob. Nakita pa niyang tinanguan nito ang gwardiya at mahiyaing ngumiti nang batiin. Talaga bang ganito kabait si Meredith o baka naman façade lang ito ng babae. ‘Why the interest, Caleb?’ Binawi niya ang paningin at binuhay muli ang makina. Napabuntung-hininga siya. Parang may nagbago sa loob ng sasakyan niya. It was as if a different scent assaulted his senses. Alam niya kung kaninong pang-amoy ang naiwan sa loob. Simpleng cologne na presko sa pang-amoy and it was Meredith’s. Damn. Ang bango lang ng babang ‘yon. She was unbelievably fragrant and sexy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD