BILLIE AKALA ko ay matutulog na si Damian ngunit ilang minuto pa lamang ang nakakalipas nang bigla itong bumangon. Ako naman ay nanatiling walang kibo sa aking puwesto at pinipilit ang aking sarili upang matulog. Pero kahit gaano pa kapagod ang aking katawan ay tila naging mailap sa akin ang antok. Pasimple kong pinakikiramdaman ang bawat kilos ni Damian. Ingat na ingat akong gumalaw upang hindi nito mahalatang gising pa ako. Nang makabalik sa kama ay binuksan nito ang dimlight sa kanyang tabi na nakapatong sa ibabaw ng maliit na lamesa sa tabi ng kama. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng tunog ng mga nagkikiskisang papel. Kumunot ang aking noo dahil sa pagtataka. Pasimple akong sumulyap sa malaking orasan na nakasabit sa kanyang dingding. Mag-aala una na nang madaling araw at imbis na mat