BILLIE "PUT me down, assh*le!" muli kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas mula sa kanyang matitigas na braso. Nagmistulang bingi ito sa bawat kong daing at reklamo. Tila hindi rin nito iniinda ang sunod-sunod kong paghampas sa kanyang likod habang nakapatong ako sa kanyang balikat. Kitang-kita ko ang malalaking hakbang ng kanyang mahahabang binti patungo sa silid nito. Saka lamang niya ako ibinaba nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng kanyang silid. "Hindi ako matutulog sa kwarto mo!" bulyaw ko rito nang lumapat ang aking mga paa sa sahig. Matapos iyon ay dali-dali akong naglakad palabas ng pinto. Ngunit bago pa man ako makalayo ay mabilis niyang naharang ang kanyang katawan sa aking harapan. "You don't have a choice, Sweetheart," nakangising saad nito habang pilit na ihinahar