Chapter 37

2000 Words

BILLIE NAALIMPUNGATAN ako dahil sa mga pakiramdam ng mainit na bagay na nakapalibot sa aking katawan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at agad na bumungad sa akin ang payapang mukha ni Damian habang mahimbing na natutulog. Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking isip at unti-unting umangat ang aking mga kamay at marahang dumampi sa kanyang pisngi. Kay sarap sa pakiramdam ng aking palad ang makinis nitong mukha. Ang init ng nito ay tumatagos sa aking balat at nagdadala ng kakaibang kiliti sa aking katawan. Hindi ako dapat makaramdam ng ganito para sa kanya. Hindi ko dapat hayaan ang aking sarili na muling mahulog sa kanya. Wala pang isang araw mula ng bumalik ako pero parang wala ni katiting na nagbago sa aking nararamdaman. Parang kahapon lang ang lahat. Kaya naman mabilis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD