Chapter 26

1198 Words

BILLIE HINDI pa rin ako makatingin ng diretso kay Damian matapos ang kapangahasang ginawa nito sa akin loob ng dressing room. Pero mas lalong hindi ako makapaniwala na binili niya lahat ang mga damit na isinukat ko. Kasama na rin ang ilang mga damit na iniabot sa amin upang isukat ko ngunit hindi ko na nagawa dahil sa nangyari. Gusto kong malula sa kabuuang halaga ng mga damit na pinamili niya para sa akin. "Let's eat," aya niya habang magkahawak-kamay kaming naglalakad sa loob ng mall. Ang mga damit na aming pinamili ay pinadeliver na lamang niya sa bahay upang hindi na namin bitbitin habang naglilibot-libot kami. "Buti naman naisip mo. Kanina pa 'ko nagugutom," reklamo ko. Mahina siyang natawa dahil sa pagrereklamo ko. "Where do you want to eat?" tanong niya. "May Juliebee ba dito?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD