BILLIE "TIRED?" tanong niya sa akin nang makarating kami sa bahay. "Medyo," namumungay ang mga matang tugon ko. Matapos ang maghapong naming pag-iikot ay ngayon lamang ako tinamaan ng pagod. Pakiramdam ko ay hindi ko na kayang maglakad paakyat sa aking silid. "Do you want me to carry you upstairs?" natatawang tanong niya habang masuyong hinaplos ang aking pisngi. Narito pa rin kami sa loob ng kanyang sasakyan habang nakaparada sa loob ng kanyang garahe. "Hindi na. Kaya ko," tanggi ko ngunit sa halip na bumaba ng sasakyan ay nanatili lamang akong nakaupo at nakasandal sa upuan ng sasakyan habang nakapikit ang kanyang mga mata. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kasunod noon ay ang tunog ng pagbukas ng pinto ng sasakyan. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang mainit niyang katawan haban