BILLIE NAPAGDESISYONAN kong manatili na lamang sa mansyon kaysa magtungo sa ospital upang bisitahin ang aking ama. Ayaw ko kasing makita niya ako sa ganitong estado. Siguradong mag-aalala lamang iyon. Bahagya rin akong nakaramdam ng pagod dahil halos hindi rin ako nagkatulog mula kagabi dahil sa labis na pag-iisip. Nahiga ako sa malambot na kama at sinubukang ipikit ang aking mga mata. Ilang minuto pa lamang akong nakahiga nang marinig ko ang bahagyang pagbukas ng pinto ng aking silid. Sigurado akong hindi iyon kasambahay dahil kahit na nga ba hindi nila ako gusto ay nirerespeto pa rin nila ang aking silid at hindi sila pumapasok dito ng walang pahintulot ko. Kaya naman bigla akong kinabahan nang sumagi sa aking isip na baka si Damian iyon. Hindi ko na kasi ito muling nakita matapos ang