BILLIE NAGISING ako dahil sa kirot na aking nararamdaman sa pagitan ng aking mga hita. Marahan kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang hindi pamilyar na silid. Napabalikwas ako ng bangon dahil sa labis na kaba. Isang mahinang ungot ang aking narinig dahilan upang mabilis na mapabaling ang aking tingin sa aking tabi. Muntik pa akong mapatili nang bumulaga sa akin ang isang hubad na katawan. Hindi nagtagal ay unti-unting bumalik sa aking alaala ang mainit na tagpo na nangyari kagabi. "Hmmm..." mahinang ungol ni Damian bago marahang iminulat ang kanyang mga mata. "Good morning," masiglang bati niya saka bahagyang umusog sa aking tabi at marahan akong kinabig papalapit sa kanya bago ibinaon ang kanyang mukha sa aking dibdib. "What time is it?" tanong niya habang nakapikit