BILLIE PAKIRAMDAM ko ay nakalutang pa rin sa kawalan nang makarating kami sa ospital. Nagpapasalamat na lang ako sa kadaldalan ni Lily kaya hindi masyadong napapansin ang aking pananahimik. Hindi pa rin mawala sa aking isip ang tungkol sa mga nalaman ko kanina. Parang may kung anong mabigat na bagay ang nakadagan sa aking dibdib at hindi ko maiwasang malungkot. Gusto kong paniwalain ang aking sarili na walang epekto sa akin ang mga nalaman ko ngunit sino bang niloloko ko? Alam ko namang apektado ako dahil doon at hindi ko maiwasang masaktan sa tuwing sumasagi sa aking isip na mayroon nang nagmamay-ari sa puso ni Damian. "Miss—este Billie, ayos ka lang ba? Parang kanina ka pa tulala d'yan?" puna ni Lily sa akin nang bahagya itong tumigil sa pagkukuwento. "Ayos lang ako," payak kong tu