BILLIE NARIRINIG ko pa ang malakas niyang paghiyaw sa aking pangalan ngunit hindi na ako nag-abalang huminto upang lingunin ito. Lakad-takbo ang aking ginawa upang mabilis na makalayo sa lugar na iyon. Ito ang unang pagkakataon na lumabas ako sa aking silid kaya naman hindi ako masyadong pamilyar sa aking paligid. Basta ang tanging nasa isip ko lamang sa mga oras na iyon ay tumakbo at makalayo sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang galit nito nang malamang wala pa akong karanasan. Hindi ko alam kung saan na ako nakarating. Masyado kasing malaki ang mansyon ni Damian kaya naman pakiramdam ko ay naliligaw na ako. Ang tangi ko lamang ginawa ay tumakbo nang tumakbo. Hindi ko na namalayan kung saang parte ako ng mansyon nagsusuot. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa l