Chapter 31

1844 Words

BILLIE ISANG LINGGO na rin ang nakalipas mula ng umalis si Damian. Pinilit kong abalahin ang aking sarili sa pag-aalaga sa aking ama na ngayon ay nagsisimula nang makabawi mula sa kanyang sinapit. Bagama't hindi pa rin gaanong katuwid ang kanyang pagsasalita ay mas maayos na itong nakakausap hindi gaya noong una. Nakakasagot na ito sa mga tanong kahit pa nga ba pautal-utal iyon at hirap pa rin siyang bumigkas ng mahabang pangungusap. Kaunting therapy pa at tuluyan na siyang makakauwi.  Ilang beses na sinubukan akong kausapin ni Damian sa telepono ngunit sinadya kong hindi ito sagutin. Makailang ulit itong tumawag sa aking cellphone gamit ang international number kaya alam kong nasa ibang bansa pa rin ito. Ngunit kahit isang tawag nito ay hindi ko sinagot, pati na rin ang kanyang mga text

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD