BILLIE NAGMAMADALI akong bumalik sa aking silid matapos akong kalagan ni Anggie. Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Mabilis kong kinuha ang aking bag at sinimulang mag-impake ng aking mga damit. Kailangan kong umalis dito. Hindi ko na ata kayang manatili pa rito kahit isa pang araw. Dinala ko lamang ang mga damit na dala ko noong pumunta ako rito. Lahat ng mga gamit na binili niya para sa akin ay iniwan ko. Wala akong balak na magbaon ng kahit anong magpapaalala sa akin ng tungkol sa kanya. Narinig ko ang pag-andar ng sasakyan ni Damian kaya sigurado akong umalis ito kasama ang dalawang babae kanina. Ayaw ko ng isipin kung ano ang gagawin nila at kung saan sila pupunta. Ang mahalaga lamang sa akin sa mga oras na iyon ay makalayo sa lugar na ito. Malayo sa masasakit na alaala, malayo sa k