BILLIE PAKIRAMDAM ko ay saglit ko lamang ipinikit ang aking mga mata. Sa muli kong pagdilat ay sikat ni Haring araw ang bumungad sa akin. Mabigat ang aking ulo dulot marahil ng labis kong kalasingan. Idagdag pa ang halos magdamag kong pag-iyak. Nakapa ko ang aking tabi, may parte ng aking puso ang umaasang dito magpapalipas ng magdamag si Damian gaya ng madalas nitong ginagawa. Napailing na lamang ako sa aking sarili. Sino bang niloko ko? Ginagamit niya lamang akong pamalit kay Hera kapag wala ito. Mapait akong natawa nang biglang sumagi sa aking isip ang sikat na linya ni Cherrie Gil bilang si Lavinia Arguelles sa pelikulang "Butuing Walang Ningning." Sinabi niya roon ang katagang "You're nothing but a second rate, trying hard, copy cat!" She's right. I am nothing but a mere replica of