BILLIE
Hindi ko maintindihan ngunit ilang linggo na rin akong hindi mapakali at kinakabahan dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Marahil ay dulot ito ng insidenteng nangyari noong isang araw. Tandang-tanda ko pa kabang naramdaman ko dahil doon.
"Ate Carmela!" Malakas na sigaw ni Boknet habang nasa harap ng telebisyon. "Tingnan mo dali!" Sabik na sabik na tawag niya.
Ako naman ay abala sa pagliligpit ng aming pinagkainan. Kakatapos lamang kasi naming kumain ng hapunan at kasalukuyan silang nanonood ng pang-gabing palabas.
"Mamaya mo na ako guluhin, Boknet," wika ko.
"Nasa TV ka, Ate! Artista ka na!" Sigaw nitong muli.
Dali-dali akong tumakbo at lumapit sa harap ng telebisyon. Halos lumuwa ang aking mga mata dahil sa pagkagulat. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng dugo at tinakasan ako ng ulirat dahil sa nangyayari.
This can't be! Iyong ang kuha ng camera noong nakaraang nagkaroon ng taping sa lugar namin para sa isang sikat na TV show. Kitang-kita ko ang pagwagayway ng kamay ni Boknet doon. Parang gusto ko na lamang bumuka ang lupa at kainin na lamang ako nang malinaw na makuha ng camera ang aking mukha.
"Carmela, ano bang nangyayari sa 'yo at para kang nakita ng multo?" takang tanong ni Inay Mildred sa akin.
"I'm doomed!" Mariin ngunit mahina kong turan sa aking sarili.
"I'm—ano?" Kunot-noong tanong ni Itay Kardo sa akin.
Hindi ko napansin na bahagya pa lang napalakas ang aking sinabi dahilan upang marinig nila iyon.
"Ah...Eh... Wala po, Itay. Ginagaya ko lang po 'yong napanood ko sa cellphone ni Maricel noong isang araw," turan ko habang alanganing nakangiti sa kanila. Si Maricel ang dalagang anak ni Mang Andoy at Aling Cely, ang mag-asawang nagtitinda ng karne sa palengke.
Pakiramdam ko ay may kung anong nakabara sa aking lalamunan at anumang oras ay masusuka ako dahil sa labis na kabang aking nararamdaman sa mga oras na iyon.
He's not fond of watching TV. Hindi naman niya siguro iyon mapapanood. Pilit kong kinukumbinsi ang aking sarili na wala lamang iyon. Ngunit hindi ko pa rin magawang makampante simula noon. Isang linggo na rin ang nakalipas mula nang episode na iyon ngunit wala namang kakaibang nangyayari.
"Hoy, Ate!" Malakas na sigaw ni Boyet sa akin dahilan upang maputol ang malalim kong pag-iisip. "Ilang araw ko ng napapansin palagi kang tulala. May problema ka ba, Ate Carmela?" usisa niya.
"Anong problema sinasabi mo d'yan. Halika na, umuwi na tayo at ubos na rin naman ang tinda ko," aya ko sa kanya.
Mabuti na lamang at maagang naubos ang aming paninda. Maaga kaming makakauwi dahil dito. Masaya kaming nag-aasaran ni Boknet sa daan habang papauwi kami sa bahay. Ngunit para akong napako sa aking kinatatayuan nang mapansin ko ang dalawang magarang sasakyan na nakaparada sa labas ng aming bahay.
"Boknet.." Pigil ko kay Boknet.
"Sila Inay at Itay, Ate! Baka kung ano ang gawin nila sa kanila!" Eksaheradong turan nito. Hindi ko ito masisi nang biglang itong kumaripas ng takbo papasok sa loob ng bahay dahil sa pag-aalala.
Gusto kong tumakbo papalayo sa lugar na iyon ngunit hindi kayang maatim ng konsensya ko ang pabayaan ang mga taong tumulong sa akin sa mga oras na nangangailangan ako. Labag man sa aking loob ay napilitan akong maglakad patungo sa bahay. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago tuluyang pumasok doon.
Nahigit ko ang aking hininga nang masamyo ko ang pamilyar na amoy ng lalaking pilit kong iwinawaksi sa aking isipan. Mariin akong pumikit upang pakalmahin ang aking sarili bago tuluyang nagsalita.
"Inay, Itay," bati ko sa mag-asawa saka lumapit at nag-mano sa kanila. "May bisita po pala tayo. Sino po sila?" maang-maangan ko.
Kitang-kita ko ang pagdilim ng kanyang napakagwapong mukha at pagkunot ng kanyang noo. Halos tatlong taon na rin ang nakalipas ngunit tila walang nagbago sa kanyang mukha. Ito pa rin ang lalaking nagtataglay ng napakagandang asul na mata at mapang-akit na labi na tila ba kay sarap halakan.
Not the right time to admire him, Billie! Paalala ko sa aking sarili. Kailangan kong galingan ang pagpapanggap. I don't have a choice. Nagdadasal na lamang ako na sana ay kagatin niya ang pagpapanggap ko.
"Ah..Carmela—" Hindi na nagawang tapusin ni Inay ang kanyang sasabihin dahil sa biglaang pagsabat ni Damian.
Pakiramdam ko ay nanghina ang aking tuhod ng marinig ko ang baritono niyang tinig. "Carmela?" Sarkastiko nitong sabad.
"Eh, kasi Sir, wala pong maalala itong si Carmela kaya kami na lamang po ang nagpangalan sa kanya," turan ni Itay.
"Is that so?" Nang-uuyam nitong turan saka matalim na tumingin sa akin at saka itinaas ang isa niyang kilay.
Libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan dulot nang nakakatunaw niyang mga titig. Pilit kong pinakalma ang aking sarili upang hindi mahalata ang malakas ng epekto ng kanyang presensya sa buo kong pagkatao.
"Carmela, s'ya daw ang asawa mo," turan ni Inay.
Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. "Po?! Wala po akong asawa!" Mariing giit ko. Matalim ang tingin akong bumaling sa gawi ni Damian. How dare him introduce himself as my husband! The audacity!
"Eh, paano mo naman iyon malalaman anak, 'di ba nga ay wala kang maalala?" puna ni Inay Mildred.
Para akong nabilaukan sa narinig. Muntik ko ng makalimutan na nagpapanggap nga pala akong walang maalala. Hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas ng sulok ng labi ni Damian, dahilan upang mas lalong lumalim ang inis ko para rito.
"Ah... Eh.. W-Wala naman po kasi akong wedding ring noong natagpuan ninyo ako, hindi po ba?" Pagdadahilan ko.
Tumango-tango lamang ang dalawa.
"It's because you left your wedding ring at home when we had an argument and you ran away from me," sabad ni Damian.
Naniningkit ang mga matang tumingin ako sa gawi ni Damian. Hindi ko mawari kung naniniwala ba siya sa kasinungalingan ko o sinasakyan niya lamang ang mga nangyayari upang mas lalo akong pahirapan.
"Iyon naman pala, anak!" Masayang turan ni Itay.
Parang gusto ko na lamang lamunin ng lupa dahil sa mga nangyayari. Nagsisimula nang sumakit ang aking ulo kapag hindi ko naiwasan mapahawak doon.
"Itay, wala naman ho tayong pruweba na asawa ko nga po ang lalaking iyan," Which I know for a fact that he isn't, "baka po mamaya ay masamang tao pala iyan," dahilan ko.
Bahagyang natigilan ang mag-asawa at biglang napaisip dahil sa huli kong sinabi.
"Here," turan ni Damian saka inabot ang isang kapirasong papel.
Kunot-noo kong tiningnan ang kwadradong papel na kanyang inabot sa mag-asawa. Natuptop ko ang aking bibig nang mapagtantong litrato namin iyon na magkasama. Kuha iyon gamit ang bago kong polaroid camera na kanyang binili para sa akin noong panahong magkasama pa kami sa mansyon ni Damian. Mga panahon bulag pa ako sa pagmamahal ko para sa kanya.
"Naku! Mabuti naman at nakita na rin natin ang pamilya mo!" Tumatalon sa tuwang turan ni Inay Mildred.
Bagsak ang balikat kong tiningnan ang mag-asawang kumupkop sa akin. Ngunit hindi ako dapat sumuko. Hindi ako babalik sa piling ng lalaking ito kahit anong mangyari.
"Hindi po ako sasama sa kanya." Malamig kong turan.
"Okay," seryosong turan ni Damian, "then I don't have any choice but hold these people accountable for not reporting a missing person. This is technically kidnapping, you know." Malamig nitong turan na may himig ng pagbabanta.
"You can't do that!" Malakas kong sigaw na siyang lubhang ikinagulat ng mag-asawa pati na rin si Boknet na tahimik lamang na nakikinig sa aming pag-uusap.
"Try me, Billie." Mariin nitong turan habang matalim na nakatitig sa akin. "I'm giving you ten minutes. I'll wait for you in the car." Iyon lamang ang huli niyang tinuran bago mabilis na tumayo sa kanyang kinauupuan at walang paalam na tumalikod saka lumabas ng pinto.
Naiwang naguguluhan ang mag-asawa dahil sa bilis ng pangyayari.
"A-Anong nangyayari, Anak?" tanong ni Inay.
Humugot ako ng isang malalim na hininga bago nagsalita. "Pasensya na po," turan ko.
"Ano bang nangyayari, Carmela? Asawa mo ba talaga ang lalaking iyon? Kung hindi ay hindi ka naming papayagang sumama sa kanya. Baka kung ano pang mangyaring masama sa iyo." Nag-aalalang turan ni Itay.
"Hindi ko po siya asawa ngunit para sa ikakapanatag ng loob ninyo, opo, kilala ko po s'ya,"
paliwanag ko. My explanations were vague. Kaya hindi na ako nagtaka kung sa halip na masagot ko ang kanilang mga tanong ay mas lalo lamang silang naguluhan. "Pero huwag po kayong mag-aalala. He's harmless." I assured them. "Hindi po ito ang gustong kong maging paraan ng ating paghihiwalay pero pinapangako ko po, babalik ako upang mas maipaliwanag sa inyong mabuti ang nangyayari," turan ko.
Bakas pa rin ang labis na pagtataka at pag-aalala sa kanilang mga mukha ngunit mas pinili na lamang nilang manahimik upang i-respeto ang aking desisyon.
"Sigurado ka bang ayos ka lamang doon, Anak?" wika ni Inay.
"Opo, Inay Mildred. Huwag po kayong mag-alala," paninigurado ko. "At ikaw Boknet, mag-aral kang mabuti at huwag mong papasakitin ang ulo nila Inay at Itay," baling ko kay Boknet.
"Ate..." Iyon lamang ang tangi niyang nasambit bago mabilis na yumakap sa akin ng mahigpit habang umiiyak.
"Babalik si Ate. Huwag kang mag-aalala," pangako ko sa kanya.
"Miss, we need to go." Seryosong turan ng isa sa mga tauhan ni Damian.
Lumuluha akong nagpaalam sa kanila bago muling niyakap ang mga ito ng mahigpit. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ako ng bahay at dahan-dahang naglakad patungo sa loob ng nakaparadang sasakyan. Tinapon ko nang tingin ang pamilyang kumupkop sa akin na kasalukuyang kumakaway sa akin bilang pamamaalam. Gumanti ako ng kaway bago mabigat ang loob na pumasok sa loob ng sasakyan.
*******************