Chapter 3

2131 Words
BILLIE 3 years ago "Papa!" masiyang bati ko sa aking ama nang mapadaan ito sa aking station.  Isa akong receptionist sa isang high-end hotel dito sa Maynila. Nang makagraduate ako sa edad dalawapu't isa ay agad kong pinatigil ang aking ama sa pagtatrabaho at inako na ang resposibilidad na suportahan ang aming pamilya. Namatay ang aking ina dahil sa panganganak sa akin kaya ang aking ama na ang bumuhay at nag-alaga sa akin. Kaya naman nang magkamalay ako ay isinumpa kong hinding-hindi ko pababayaan ang aking ama. Kaya naman nang makatapos ako ay agad akong humanap ng trabaho. Apat na taon din akong nagpalipat-lipat ng mapapasukan bago ako swerteng nakapasok sa kasalukuyan kong pinapasukan. "Anak, kumusta ka naman dito? Maayos ka naman bang nakakapagtrabaho?" tanong ni Papa sa akin nang makalapit ito sa aking station. "Ayos lang po ako, Papa. Bakit po pala parang ang aga n'yo ngayon?" usisa ko. Graveyard shift kasi ang oras ng aking trabaho kaya naman nagpresinta ang aking ama na sunduin at ihatid ako araw-araw upang hindi siya mag-aalala sa akin sa tuwing papasok ako sa trabaho. Gusto sana ng aking ama ay regular na trabaho ang kunin ko. Iyon bang umaga ang pasok at pahinga tuwing sabado at linggo. Gustuhin ko man ngunit higit na mas mataas ang sahod sa ganitong trabaho kumpara sa mga regular na trabaho sa umaga. Idagdag pa ang bonus na aking nakukuha dahil sa night differential na mayroon para sa mga pang gabing duty. "W-Wala kasi akong ginagawa sa bahay kaya naman pumunta ako ng maaga dito," tugon ni Papa. Hindi nakaligtas sa akin ang mailap nitong mga mata na tila ba may lihim itong itinatago sa akin. Ayaw kong mag-isip ng masama sa aking ama ngunit hindi ko mapigilang magduda dahil sa kahina-hinala nitong kinikilos.  Napabuntong-hininga na lamang ako saka sinimulang ayusin ang aking mga gamit. May kalahating oras pa bago matapos ang aking shift. "Sige po, Pa. Puntahan ko na lamang po kayo kapag tapos na ang aking shift," saad ko. Hindi pa man ako tuluyang nakakatapos ng pag-aayos ng aking mga gamit nang makita kong napapalibutan nang mga lalaking naka-amerikanang itim ang aking ama. Mas lalo kong ikinagulat nang makita kong marahas nilang kinakaladkad ang aking ama. Dali-dali akong tumakbo patungo sa kinaroroonan nila. Halos mapatid ang aking hininga dahil sa bilis ng aking pagtakbo. Agad kong hiniklat ang braso ng isa sa mga lalaking tumangay sa aking ama. "Hoy! Anong ginagawa n'yo sa tatay ko! Kakasuhan ko kayo ng kidnapping!" malakas kong hiyaw sa mga ito.  "Anak, huwag mo na akong intindihin. Ako ng bahala dito. Intayin mo na lamang ako d'yan," saad ni Papa. "Hindi, Pa! Hindi ako papayag na basta na lamang nila kayo kaladkarin," giit ko. "Anak..." tawag muli ng aking ama. Malakas ang aking loob na sumugod dahil alam kong nasa public place kami at siguradong hindi gagawa ang mga ito ng ikapapahamak nila. Ngunit doon ako nagkamali. Dahil ang mga taong nakapaligid sa amin ay tila ba kibit-balikat lamang sa mga nangyayari. "Bring her," utos ng isang lalaki na tila ba pinuno nila. Labis na nanlaki ang aking mga mata nang sinimulan na rin nila akong kaladkarin kasama ng aking ama. Gulong-gulo ang isip kung ano bang naging atraso ng aking ama sa mga taong ito. Sa pagkakaalam ko ay mabait na tao ang aking ama at wala ito ni isang kaaway sa tanang buhay niya. Kaya ganoon na lamang ang aking pagtataka kung bakit nila kami dinakip. Ilang beses kong muling pilit na nagpumiglas mula sa kanilang pagkakahawak. Mas inaalala ko ang kalagayan ng aking ama kaysa sa akin. Wala akong ideya sa kung anong maaaring mangyari sa amin ngayong araw. Ngunit kahit ano pa man iyon ay hindi ako makakapayag na saktan nila ang aking ama. Dinala kami ng mga lalaking dumakip sa amin patungo sa tila isang malaking silid sa loob ng hotel. Bahagya pa akong nagtaka nang mapansin kong opisina iyon ng may-ari ng hotel na pinapasukan ko. Iilan lang ang empleyadong nakakapasok sa loob noon at halos lahat ng pumasok doon ay lumalabas nang may hindi magandang balitang dala. Hindi ko napigilang mapalunok dahil sa labis na kaba.  Hindi ko napigilang mapanganga sa ganda ng buong silid. The room speaks wealth and elegance. Ito ang unang pagkakataon na nakapasok ako sa loob ng silid na iyon. May isang malaking painting ng babae ang nakasabit sa dingding kung saan naroon ang isang malaking lamesa at upuan. Sa tapat noon ay mayroong dalawang pang-isahang upuan sa magkabilang gilid. Sa may di kaluyuan ay mayroong malaking set ng sofa at maliit na table sa gitna. Marahas nila kaming pinaupo sa dalawang bakanteng upuan na nasa harap ng executive table. Habang ang mga lalaking dumakip sa akin ay nagtungo sa bakanteng sofa sa may 'di kalayuan at doon umupo. "Papa, ano po bang nangyayari," bulong ko sa aking ama nang magkaroon ako nang pagkakataong makalapit sa kanya. "Anak, patawad. Hindi ko sinasadya. Hindi ko gustong madamay ka sa kasalanan ko," maluha-luhang turan ni Papa. "Pa, ano po bang nangyayari? Ano po bang ginawa n'yo sa mga taong ito? Baka naman nagkakamali lang sila," turan ko. "Tama! Mga sir, baka po nagkakamali kayo nang dinakip," turan ko nang bumaling ako sa mga lalaking dumakip sa amin. "Baka mistaken identity lang po ito. Mabait po ang tatay ko, wala po s'yang inaargabyadong tao," paliwanag ko. “It was not about someone’s personality, Miss. It was about your father’s debt.”  Narinig kong turan nang isang baritonong boses na nagmumula sa pinto na nasa tabi ng dingding kung saan nakasabit ang malaking painting. Hindi ko akalaing mayroon pa lang silid na nakakonekta roon. Mabilis akong lumingon sa kanyang gawi. Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagkagulat sa kanyang mukha nang makita ako. Hindi rin naman iyon nagtagal at muling bumalik ang kanyang madilim na mukha. Hindi ko sigurado kung bakit ganoon na lamang ang lakas ng t***k ng aking puso nang lingunin ko ang lalaking nagmamay-ari ng baritonong tinig. Makailang-ulit pa akong kumurap upang masigurong hindi ako namamalik-mata. Ngayon lamang kasi ako nakakita nang ganito kaperpektong mukha.  Ang malalim at mapungay nitong mga mata ay tila ba humuhulma sa aking kaluluwa. Ang makapal naman niyang kilay ay sadyang bumagay sa kanyang berdeng mga mata. His perfectly shaped stubble makes him more attractive to my eyes. It is not the right time to admire someone! Agad kong saway sa aking sarili. "A-Ano pong ibig n'yong sabihin, Sir?" tanong ko nang tuluyan akong makabawi mula sa paghanga sa perpektong mukha ng lalaking aking nasa harapan. “You’re father owe me a total of Three hundred thousand pesos,” turan ng lalaki saka marahan itong naglakad patungo sa silyang nasa aming harapan. Umupo ito roon at saka pinagkrus ang mga kamay saka ipinatong sa ibabaw ng lamesa.  "Naku, Sir! Mukhang nagkamali po nang kuha ang mga tauhan ninyo. Imposible pong magkaroon ng ganyan kalaking utang ang tatay ko. Eh, ni hindi nga po 'yan bumibili ng bagong damit." Bahagya pa akong tumuon sa lamesa upang makalapit sa kanya bago ako muling bumaling sa aking ama. "Pa, sabihin mo na kay Sir na imposible ang sinasabi n'ya. Baka kamukha mo lang 'yong may utang kay Sir," saad ko kay Papa. "Pasensya ka na, Anak..." turan ng aking ama saka itong nagsimulang humagulgol ng iyak. Mas lalo lamang akong naguluhan dahil sa nangyayari. Paanong nagkaroon ng ganoon kalaking utang ang aking ama? Hindi nga ito halos makabili ng bagong damit at sapatos para sa kanyang sarili kaya paano mangyayari iyon. "Pa? Ano bang sinasabi mo? Ipaliwanag mo lang kay Sir na imposibleng magkaroon ka ng gano'n kalaking utang," pilit ko sa kanya. “Your father has been gambling with us for a couple of nights. And tonight, he lost three hundred thousand pesos on his table,” paliwanag nang lalaking nasa aming harapan. “I don’t actually meddle between my clients’ problem, but I don’t want blood in my hands,” dagdag pa nito. “B-Blood po?” gulat na gulat kong tanong. “Natalo ang ama mo sa sugal and his opponent wants his money as soon as possible or he will kill your father,” paliwanag nito. “And I don’t want that to happen. That’s why I paid for your father’s debt.” "Pa...." Halos hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Nangingilid ang luhang bumaling ako sa aking ama. "Sir, maawa po kayo sa amin. Babayaran ko po ang utang ko. Huwag n'yo lang po idamay ang aking anak. Maawa po kayo, Sir," umiiyak na turan ni Papa. Mas lalo kong ikinagulat ang biglaan nitong pagluhod sa harapan ng lalaki. "Pa! Tumayo ka d'yan, Pa!" sigaw ko sa kanya. "Parang awa n'yo na po, Sir. Huwag n'yo na pong idamay ang anak ko sa kasalanan ko," pakiusap nito. “I already paid for your debt. Sa akin na kayo may pagkakautang ngayon and I don’t do charities. I want my money back,” seryosong turan ng lalaking hindi ko man lang alam ang pangalan. "Maraming salamat po! Huwag po kayong mag-alala ibabalik ko po ang pera sa lalong madaling panahon," turan ng aking ama. “And how do you intend to do that?” seryosong baling niya kay Papa. Parehas kaming natigilan dahil sa kanyang tanong. Paano nga ba namin mababayaran ang ganoong kalaking halaga. Hindi gaanong malaki ang sinasahod ko sa pagiging receptionist at siguradong aabutin ako ng siyam-siyam kung sakaling bayaran ko ang utang na iyon gamit ang aking sahod. "Magtatrabaho po ako sa inyo!" saad ni Papa na labis kong ikinagulat. "Kahit ano pong trabaho, gagawin ko." "Pa, hindi po ako papayag!" tutol ko. "Ako po. Ako po ang magbabayad ng utang ng tatay ko," presinta ko dahilan upang mapabaling muli ang kanyang tingin sa akin. Mariin itong nakatitig sa aking mukha na nagdulot ng kakaibang kaba sa aking dibdib. Hindi ko napigilang mapalunok dahil sa kanyang paraang ng pagtitig na tila ba mayroon itong kakaibang pinapahiwatig. "Same question, how do you intend to do that?" nakataas ang isang kilay nitong tanong bago sumandal sa kanyang upuan at muling pinagkrus ang kanyang mga kamay sa kanyang harapan. "Hire me as one of your Casino Dealer," suhestiyon ko. "Mas mataas ang sahod nila kaysa sa regular kong posisyon ngayon," saad ko. Marahil ay noon lamang napansin ng lalaki ang uniporme kong suot. Pinasadahan pa niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa hanggang muling bumalik ang kanyang tingin sa akin mukha. “I’m not a mobster. So, I’ll let you have staggered p*****t. I want you to give me at least fifty thousand a month,” saad ng lalaki. “Fifty thousand?!” malakas kong hiyaw. Tinaasan lamang niya ng kilay ang aking naging reaksyon. “Yes. Why, something wrong?” he smirked. “P-Pero thirty thousand lang ang sahod ng Casino Dealer,” turan ko. Yes, I know their salary because I’ve been asking some of the dealers that have become my friends. “Well, that’s not my problem anymore,” muli nitong turan saka mabilis na tumayo. “You can leave now,” habol pa nito. Gusto ko pa sanang magprotesta ngunit hindi ko na iyon nagawa nang agad kaming hilahin ng mga tauhan niya palabas ng kanyang opisina. Napabuga na lamang ako ng isang malalim na buntong-hininga nang tuluyan na nilang ibagsak ang pinto sa aming harapan. Bagsak ang balikat akong tumalikod at tila wala sa sariling naglakad papalayo ng opisina. “Billie, Anak....” tawag ng aking ama. Agad akong napalingon sa kanyang gawi. Sagana ang luhang dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Hindi ko namalayang nagsisimula na rin palang maglandas ang aking mga luha. Hindi ko magawang sisihin ang aking ama dahil alam kong may dahilan siya kung bakit nangyari iyon. Kahit kailan ay hindi ito naging pabayang ama. Walang taong perpekto at lahat ay maaaring magkamali. Kaya sino ako para husgahan ang aking ama dahil sa minsan niyang pagkakadapa. "It's okay, Papa. Malalagpasan din natin ito," turan ko saka mahigpit siyang niyakap. "Sorry, anak..." saad niya sa pagitan ng kanyang paghikbi. "Kung mas naging matatag lamang sana ako ay hindi tayo aabot sa ganitong sitwasyon. I'm sorry for being a failure," turan niya. “Papa, don’t say that. Napalaki at napagtapos mo ako ng pag-aaral nang mag-isa. That alone means you’re not a failure. Pagsubok lang ‘to, Pa. Malulusutan din natin ‘to. Huwag kang mag-alala, akong bahala,” I assured him. Hindi ko alam kung paano iyon gagawin pero pipilitin kong masolusyonan ang problemang ito. Kung kinakailangang hatiin ko ang katawan ko para lamang mabayaran ang aming pagkakautang sa lalaking iyon ay gagawin ko. ***********************    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD