Chapter 1

1174 Words
BILLIE "Ate Carmela! Ate Carmela!" humahangos na tawag sa aking Boknet, ang labin-isang taong gulang na lalaking anak ng mag-asawang kumupkop sa akin. "Bakit ba nagkukuhamog ka riyan?" kunot-noong tanong ko sa kanya. "May shooting do'n sa may Ilaya, Ate! May mga artista. Tara, tingnan natin!" Masiglang aya nito. Balak ko sanang tumanggi ngunit hindi pa man bumubuka ang aking mga labi ay agad na niya akong hinila patungo sa sinasabi niya. Muntik nang mahulog ang mga paninda kong kakanin dahil sa biglaang paghila sa akin ni Boknet. Mabuti na lamang at maagap ko iyong nasalo dahilan upang mapigilan ko ang tuluyang pagtilapon ng aking mga paninda. "Boknet, umuwi na tayo. Baka hanapin tayo ni Inay at Itay," aya ko sa kanya ng makabawi ako sa biglaan niyang paghila. Ngunit ang totoo ay hindi ko nais na magtungo roon. Hangga't maaari ay ayaw kong mapalapit sa mga taong may kaugnayan sa Maynila, ang lugar na aking tinatakasan.  "Sandali lang, Ate. Sisilipin ko lang kung sinong artista ang nando'n!" Lubos ang pananabik na turan niya. "Halika na, Ate! Malay mo, ito pala ang sagot upang bumalik ang alala mo." Nakangiting aya nito ng halos nasa kalagitnaan na kami ng daan patungo sa lugar na tinutukoy nito. "Baka 'pag nakakita ka ng artista gumaling ka na!" Abot-tenga ang ngiti nito habang sinasabi ang katagang iyon. Patakbo niya akong hinila muli patungo sa Ilaya kung saan naroon ang mga artistang na nagte-taping. Habol hininga kaming pareho nang tuluyan kaming makalapit sa lugar. Bahagya akong nakonsensya dahil sa huli niyang sinabi. Dahil ang totoo wala naman akong sakit. Malinaw na malinaw sa akin kung sino ako, saan ako galing, at kung ano ang tinatakasan ko. Ngunit pinili kong magpanggap upang manatili ako sa kanlungan nila. I felt guilty for taking advantage of them. They are close to nothing and yet they didn't had second thought of taking me in when they thought I needed their help. Pakiramdam ko ay may nakalagak ng lugar sa impyerno para sa akin dahil sa pagsisinungaling ko. Naalala ko pa ang gabing tumakas ako poder ng lalaking pilit kong kinakalimutan. Dahil sa pagmamadaling makatakas sa mga tauhan niyang pilit na humahabol sa akin ay sumakas ako ng bus na hindi tiningnan kung saan iyon patungo. Wala akong dalang kahit anong pera ng mga oras na iyon bukod sa limang daang pisong naipit sa loob ng aking pantalon. Ang tatlong daan doon ay ginamit kong pang-bayad sa bus na aking sinakyan at ang natira ay ginamit ko upang bumili ng pagkain. Naging malabo sa akin ang mga sumunod na nangyari. Tanging naaalala ko na lamang ay pagod at gutom akong naglalakad sa gilid ng kalsada bago nila ako natangpuang walang malay sa gilid ng kalsada. Nang magkamalay ako ay saka ko lamang namalaman kung nasaan ako. Napadpad ako sa munting bayan ng Guinayangan sa lalawigan ng Quezon. Nang tanungin nila ako ng tungkol sa aking sarili ay nagpanggap akong walang maaalala upang magkaro'n ako ng dahilan upang manatili sa kanilang bahay. Tatlong taon na rin ang nakalipas mula noon. Pinilit kong magtrabaho upang makatulong sa kanila at hindi maging pabigat. Maswerte din ako dahil ubod ng bait ang pamilyang kumupkop sa akin. "Ate Carmela!" Sigaw ni Boknet na siyang dahilan upang bumalik ako sa aking isip sa kasalukuyan. "Tingnan mo! Si Marian Rivas at Dingdong Danvers pala ang naroon. Naku! Paborito ni Inay ang loveteam na 'yan!" Tuwang-tuwa na turan ni Boknet.  It was a tapping of the hit morning talk show in television. Mukhang ang sikat na magkapareha ang guest nila para sa summer special episode nilang iyon. "Narinig ko ate sa susunod na linggo daw lalabas sa TV itong episode na ito," wika niya. "Marian! Dingdong! Love kayo ng nanay ko!" Malakas na sigaw ni Boknet dahilan upang halos lahat ay mapabaling sa aming gawi. Kasama na roon ang guest at host ng programa. "Maraming salamat!" Halos sabay na tugon ng dalawang artista na nasa gitna ng maliit na stage na ginawa para sa kanila. Halos lumuwa ang aking mga mata ng makita ko ang pagbaling ng camera patungo sa aming gawi. Tila nahigit ko ang aking hininga dahil sa magkahalong kaba at takot na aking naramdaman ng mga sandaling iyon. "Crowd control!" Dinig kong sigaw ng direktor. Dali-dali kong hinila si Boknet palayo sa lugar na iyon. "Ate naman! Bakit ka ba nagmamadali?" Inis niyang tanong sa akin habang ang kanyang leeg ay nagkakandahaba pa rin sa pagtanaw sa dalawang artista na naroon. "Kailangan kong maubos itong mga paninda nating kakanin para makauwi na tayo," pagdadahilan ko.  "Eh, Ate, bakit hindi tayo do'n magtinda. Mas maraming tao roon, tiyak makakabenta tayo ng marami," giit niya. He has a point but I don't want to take a risk. Mahirap na baka mahagip pa ako ng camera at lumabas sa telebisyon. Siguradong tapos ang maliligayang araw ko kung sakali. How can you be sure that he's still looking for you? It's been three years, Billie! turan ko sa aking sarili. Kahit pa ilang taon na ang nakalipas, hindi ako maaaring maging kampante. "Wala tayong mabebenta roon kaya halika na at bumalik na tayo sa palengke." Hila ko sa kanya palayo sa lugar na iyon.  Walang nagawa si Boknet kung 'di mapakamot ng ulo at nakangusong sumunod sa akin.  "Ate, humingi ka kaya ng tulong do'n sa mga taga-channel 8? 'Di ba may palabas sila tungkol sa mga taong nawawala. Baka matulungan ka nila, Ate!" Pilit niya. "Bakit pakiramdam ko gusto mo na akong umalis," turan ko bago sinundan iyon ng itsurang tila nagtatampo. "Naku! Naku! Hindi sa gano'n, Ate!" Mabilis nitong tanggi. Nanlalaki ang kanyang mata na tila pinagsisisihan ang kanyang sinabi. "Kung ako lang ang papipiliin ay hindi ko gustong umalis ka pa, Ate," giit niya. "P-Pero ayaw mo bang mahanap ang tunay mong pamilya?" tanong niya. Humugot ako ng isang malalim na hininga. Pilit kong inisip kung sino nga ba ang maaaring maghanap sa akin bukod sa lalaking pilit kong tinatakasan. Sumagi sa aking isip ang aking ama na siyang dahilan kung bakit ako nasadlak sa kumunoy na tinakasan ko. Mula ng umalis ako ay hindi ko na nagawang makibalita sa kanila. Bagama't paminsan-minsan ay nagtetext ako kay Ellen upang kamustahin siya. Maagang namatay ang aking ina dahil sa pangangak sa akin. Tanging ang aking ama na lamang ang tumayong mga magulang ko. Ginawa nito ang lahat para sa akin ngunit hindi nito nagawang iwasan ang malulong sa sugal. Iyon ang naging dahilan kung bakit nagkrus ang landas namin ng lalaking pilit kong tinatakasan. "Ate!" untag niya sa akin. Bahagya akong napapitlag dahil sa kanyang pagtawag. "Halika na nga! Magtinda na lang tayo at nang maubos na itong mga paninda natin," pilit kong iwas sa kanyang tanong. Mabuti na lamang at hindi na ito pilit na nagtanong. Sa totoo lang, kung ako ang papapipiliin, mas gugustuhin ko na lamang na manatili rito sa lugar na ito. Malayo sa maingay at magulong mundo sa Maynila. Mas gugustuhin kong magtago sa likod ng pekeng katauhan na ito kaysa bumalik sa piling niya. *****************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD