BILLIE "I'm sorry that we didn't have time to buy you some clothes. Don't worry, we can do that when we arrived in Maldives," turan nito. Hindi na rin namin nagawang mamili ng mga damit sa airport gaya nang sabi nito. Masyado kasi itong nagmamadali dahil panay ang tawag sa kanya ni Hera. Hindi ko na mabilang kung nakailang irap na ako sa hangin sa buong oras na naghahanda kami ni Damian papuntang airport. Kasalukuyan kami ngayong nakaupo sa first class seat na kanyang na-book para sa aming dalawa at kasalukuyang nasa himpapawid patungo sa Maldives. Correction, ang assistant nga pala nito ang nagbook ng ticket para sa amin. "It's fine," kaswal kong tugon. I don't want him to know how disappointed I am. Baka kung ano pang isipin niya. "I'll make it up to you. I promise," malambing niton