BILLIE "Sabihin mo nga ulit sa akin kung bakit ko kailangang sumama dito?" inis kong saad nang makababa kami ng eroplano. Halos labing anim na oras kaming nasa himpapawid. At ang mas nakakainis, lahat nang ito ay para lamang sa babaeng nakipag-LQ sa asawa n'ya. "Because you want to come with me?" pabirong sagot nito. Binigyan ko ito ng isang pekeng ngiti saka matalim na inirapan. "Sa susunod, huwag mo na akong isama sa kabaliwan mo sa babaeng 'yan. Kung gusto mong magpakapagod at magpakamartir sa kanya, p'wede ba? Ikaw na lang," singhal ko sa kanya saka mabilis na naglakad at nilampasan ito. Ito ang unang pagkakataon ko sa banyagang bansa kaya hindi ko alam kung anong gagawin. Ngunit ganoon pa man, ipinagwalang-bahala ko lamang iyon kaysa humingi nang tulong kay Damian at dumikit sa k