BILLIE KAHIT nang makauwi kami kagabi ay hindi pa rin ako kinibo ni Damian. Maging nang magising ito kinabukasan ay nanatali itong malamig ang pakikitungo sa akin. Hindi ko na sinubukang kausapin ito dahil umaga pa lang ay nakasimangot na ito. Pinakikiramdaman ko lamang ang bawat nitong galaw sa loob ng silid. Maaga itong nagising at naligo. Bagama't gising na rin ako ay hindi muna ako bumangon. Pasimple kong pinanonood ang kanyang galaw. Napansin kong ito nagbihis nang kanyang damit pang opisina nang matapos itong maligo. Bagkus, isa gray fitted shirt at sweat pants ang suot nito kagaya nang madalas nitong suotin kapag nasa bahay lang. Nang bumaling bigla itong bumaling sa akin ay mariin kong ipinikit ang aking mga mata at nagpanggap na tulog. "I know you're awake. Get up and let's h