BILLIE PRESENT "It's nice to see you again," makahulugang saad nito habang tahimik lamang akong nakaupo sa tabi niya. Kasalukuyan kaming nasa loob ng kanyang kotse at tahimik na binabaybay ang daan pabalik ng Maynila. "The feeling is not mutual," mataray kong tugon. "Kung dahil sa utang ko kaya mo ako pinahanap, huwag kang mag-alala hindi ko 'yon nakakalimutan," dagdag ko pa. "How can you do that? You don't even have a job. You even run away from the deal that supposed to pay all of your debts?" sarkastikong saad nito. "So, tell me, Billie. How can you pay for it?" He's right. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano siya babayaran. "Babayaran kita. Kung paano ko gagawin 'yon ay hindi mo na problema," matapang ko saad. Matapos kong sabihin iyon ay nakakabinging katahimikan ang b