Chapter 9

2181 Words
BILLIE HINDI na ako hinayaan ng aming HR Head na bumalik sa trabaho. Pinauwi na lamang niya ako upang makapagpahinga. Ngunit malakas ang kutob ko na may kinalaman si Sir Damian doon. Kahit labag sa aking loob ay wala akong ibang nagawa kung 'di ang umuwi sa bahay. Nanghihinayang ako para sa araw ibabawas sa aking sahod pero wala naman akong magagawa. Ilang minuto pa akong nanatili sa loob ng aming quarters upang magbihis ng aking damit.  Muli kong isinuot ang baon kong pantalon at isang puting blouse na pinaresan ng puting sneakers. Habang abala ako sa pagpapalit ng aking damit ay hindi ko maiwasang sumagi sa aking isip ang nangyari kanina.  Pakiramdam ko hanggang ngayong ay nararamdaman ko pa rin sa aking balat ang kanyang mga haplos. Ang kanyang daliring masuyong humahagod sa aking basang hiyas at ang kanyang mapusok ng dila na walang sawang gumagagad sa aking bibig. Gusto kong batukan ang aking sarili dahil na rin sa pagpapaubaya ko sa kanyang kapangahasan. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ako kadaling magpaubaya sa tuwing susubakan ni Sir Damian ang ikulong ako sa kanyang mapagparusang mga bisig. Mariin kong ipinilig ang aking ulo upang maiwaksi ang mapang-akit na imahe ni Sir Damian na namamahay sa aking isip. Sa halip na umuwi ay tumawag ako kay Agnes upang itanong kung mayroon siyang raket na maaaring ibigay sa akin para ngayong araw. Sayang din kasi ang isang araw na kita. Tutal ay wala na rin namang balak si Sir Damian na papasukin ako ngayon, maghahanap na lang ako ng ibang bagay na maaaring pagkakitaan. Kahit papaano ay nakapagpahinga na rin naman ako ng ilang oras nang dalhin ako ni Sir Damian sa loob ng kanyang silid. Makalipas ang ilang ulit na pagtunog ng linya ni Agnes ay sumagot din ito. Paos pa ang kanyang tinig na tila ba bagong gising lang. "Hello, Agnes. Pasensya na sa istorbo, nagising ba kita?" bungad kong bati dito. "Hindi naman," namamaos nitong tugon saka sinundan iyon ng isang malakas ng pag-ubo. "Napatawag ka?"  "Okay ka lang ba? Parang kang nanghihina?" usisa ko nang maulinigan kong bahagyang namamaos ang kanyang boses. "Medyo masama lang pakiramdam ko. Para tatrangkasuhin ata ako," turan nito. "Ah, gano'n ba?" bigla tuloy akong nahiyang kulitin ito dahil doon. "Bakit ka nga pala napatawag?" tanong niya. "Ah, ano kasi. Nakakahiya pero tatanungin sana kita kung may extra raket ka d'yan para ngayong gabi?" saad ko. "Wala, Friendship. Fully booked na ang mga BA ngayong gabi. Pero kung gusto mo, ibibigay ko na lang sa 'yo ang slot ko para ngayong gabi," turan nito. "Talaga?!" Napahiyaw ako dahil sa gulat. "P-Pero paano ka?" kunot-noong tanong ko. "Okay lang. Magpapahinga na lang ako. Mukhang masama talaga pakiramdam ko," sagot nito. "Gano'n ba. Sige magpahinga ka na muna. Maraming salamat pala, ha? Hulog ka talaga ng langit!" natutuwang saad ko. "Naku! Nambola ka pa. Oh, siya sige na. Alam mo namang hindi kita matitiis. Pumunta ka na do'n sa dating bar na pinuntahan natin. Naghihintay na doon si Oscar. Nasa kanya ang uniform at items na ibebenta mo. Ikaw na bahala." "Thank you talaga! Sige na magpahinga ka na. Pupunta na rin ako agad doon sa bar," turan ko saka mabilis na nagpaalam. "Okay, sige. Mag-iingat ka," habol pa ni Agnes saka ibinaba ang tawag. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at dali-dali akong sumakay ng taxi patungo sa bar kung saan kami unang na-assign. Mabuti na lamang at malapit lamang iyon sa Casino kung saan ako nagtatrabaho kaya hindi gaanong kalakihan ang singil. Kailangan ko na rin kasing magmadali upang makaabot ako sa call time kaya naman mas minabuti ko nang sumakay ng taxi. Ilang minuto lamang ang tinagal ng aking biyahe. Matapos makarating sa lobby ng hotel ay kung saan naroon ang bar ay agad akong sinalubong ni Oscar, ang Promo Coordinator ng aming agency. "Naku! Mabuti naman at malapit ka lang dito. Sakto naman at hindi na ako nahirapang humanap ng kapalit ni Agnes," bungad nito sa akin. Alanganing ngiti lamang ang aking tinugon.  "Oh s'ya. Ito na ang uniform mo, items, at pati na rin ang key card na gagamitin mo paakyat sa taas. May isa pa kasi akong malaking event kaya hahayaan na muna kita dito. Babalikan na lang kita kapag nakaluwag-luwag na ako sa kabila," malambot nitong saad. "Sige po, Sir Oscar—" Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang labis na pagtaas ng kanyang kilay dahil sa aking sinabi. "I-I mean Ms. O," pagtatama ko. "Ikaw na ang bahala dito. Babalikan na lang kita mamaya. Babush!" paalam nito saka mabilis na tumalikod. Matapos iyon ay agad akong nagtungo sa elevator. Matapos i-tap ang card ay agad kong pinindot ang pinakatuktok na palapag ng hotel kung saan naroon ang bar na aking pupuntahan. Ilang saglit lang ay agad akong nakarating sa bar. Dumiretso ako sa loob ng banyo upang magpalit ng uniform at saka naglagay ng make up. Matapos makuntento sa aking itsura ay agad kong niligpit ang aking mga gamit at saka lumabas ng banyo. Kagaya noong nakaraan ay pinakiusap kong iwanan mo na ang aking mga gamit sa DJ's booth. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago sinimulang maglibot sa kabuuan ng bar. Sinuyod ko isa-isa ang mga lamesa at sinimulang mag-alok ng aking produkto. Hindi pa rin nawawala ang mangilan-ngilang nagsusubok na maaya akong sumama sa kanilang lamesa. Ngunit kagaya ng kadalasan kong ginagawa ay mariin ko silang tinanggihan. Isang lalake lamang ang hinayaan kong makasama ako sa lamesa. Bago pa man bumalik sa aking alaala ang tagpong iyon ay mabilis kong ipinilig ang aking ulo. Hindi ko na s'ya dapat isipin, turan ko sa aking sarili. Pero parang nanadya ang tadhana nang dumapo ang aking mga mata sa pamilyar na pigura. Ngunit ang aking pagkagulat ay agad nang kirot sa aking dibdib nang dumako ang aking mga sa babaeng kanyang kahalikan. Bigla na lamang nanindig ang aking balahibo dahil sa hindi ko maipaliwanag na kirot na lumukob sa aking dibdib. Mas lalo akong napako sa aking kinatatayuan nang makita kong dahan-dahang lumuhod ang baba sa kanyang harapan habang siya ay prenteng nakaupo sa mahabang sofa at ang kanyang mga braso ay nakapatong sa sandalan. Hindi ako tanga para hindi malaman kung anong kasunod na mangyayari. Dapat ay tumalikod na ako ngunit para akong naparalisa habang patuloy pa rin ang aking panonood sa kanilang ginagawa. Biglang gumapang ang galit sa aking katawan. Nakuyom ko ang aking kamao upang pigilan ang aking sirali upang gumawa ng kahit anong maaaring makaagaw ng atensyon. Sino ba ako para magalit? Bakit ba ganito na lamang ang kirot na aking nararamdaman? Akmang tatalikod na ako nang bigla itong lumingon sa aking gawi. Nagtama ang aming mga mata. Dali-dali nitong itinulak ang babae sa kanyang harapan saka mabilis na inayos ang kanyang pantalon.  Ako naman ay mabilis na tumakbo papalayo sa kanya. Maraming tao nang gabing iyon na siyang naging pabor sa akin dahil madali akong nakapagtago sa kanya nang makita ko siyang papalapit sa aking gawi. Mabuti na lamang at mabilis akong nakatakbo at agad na nakapagtago sa kumpol ng mga tao. Bahagya akong nakahinga nang hindi ko na siya matanaw. Ilang minuto muna akong nanatiling nagtatago upang makasigurong wala na si Sir Damian. Nang sa palagay ko ay ayos na lahat, sinimulan ko nang maglibot muli at mag-alok ng aking produkto sa mga tao roon. Siksikan na roon dahil sa dami ng tao kaya naman hindi maiiwasan ang magkabungguan.  "Ay! Sorry po," hingi ko nang paumanhin nang tumama ako sa isang malaking tao. Ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang bumungad sa akin ang madilim na mukha ni Sir Damian. Akala ko ay tumitigil na ito sa paghabol sa akin ngunit nagkakamali pala ako. "S-Sorry po, Sir." Nagpanggap na lamang akong hindi ko ito nakilala saka nagmamadaling tumalikod. Ngunit bago pa man ako makalayo ay agad nitong nahablot ang aking kamay. "Where do you think you're going?" mariin niyang bulong sa tapat ng aking tainga.  Halos mabingi ako dahil sa lakas nang pagtahip ng aking puso dahil sa aming pagkakadikit. Mas lalo kong nahigit ang aking hininga nang bigla nitong ipalupot ang kanyang mga braso sa aking baywang. Mariin muna akong lumunok bago dahan-dahang inangat ang aking mukha upang tingin ito. Pero ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang matagpuan ko ang aming mga mukha na halos iilang dangkal na lamang pagitan sa isa't isa. "S-Sir, b-bitawan n'yo po ako," turan ko saka pilit na nagpupumiglas mula sa kanyang pagkakayakap. "Didn't I tell you that you're not allowed to come here?" turan nito habang hindi pa rin inaalis ang pagkakahawak sa aking kamay at ang pagkakapalupot ng kanyang braso sa aking katawan. "Bakit mo ba ako pinagbabawalang magtrabaho dito, ha? Para hindi ko makita ang mga kahalayang pinaggagawa mo?" sumbat ko rito. Huli na nang mapagtanto kong masyado na pala akong nagtunog pakialamera. Gumihit ang magpalarong ngiti sa kanyang mga labi bago mas lalong inilapit ang kanyang mukha sa akin. "Why, are you jealous?" tanong nito. "Bakit naman ako magseselos, boyfriend ba kita?" sarkastikong saad ko. "At saka p'wede ba, hindi kita type, no!" dagdag ko pa kahit pa nga ba ito lamang ang tanging lalaking kayang magpabilis ng t***k ng aking puso. "Then, let's put that to a test," saad nito bago walang pag-aalinlangan akong hinila palabas ng  bar. "T-teka, teka! Saan mo ba ako dadalhin!" malakas kong sigaw. "Saka magdahan-dahan ka nga! Natatapon na 'yong mga ibebenta ko!" bulyaw ko rito. "Let it be. I'll pay for all of it," saad niya. Hindi man lang ito lumingon habang sinasabi ang mga salitang iyon. "Mga mayayaman talaga, akala mo lahat tungkol sa pera," ismid ko. "What?" narinig kong tanong niya nang bumaling ito sa akin. Kasalukuyan kaming nasa tapat ng elevator at hinihintay iyong bumukas. "Wala. Sabi ko saan mo ba ako dadalhin," kunwa'y turan ko. Ngunit sa halip na sumagot ay nananatili lamang na nakatutok ang kanyang mga mata sa harap ng elevator. Muli kong sinubukang bawiin ang kamay ko mula sa kanya pero sa bawat pagpupumiglas ko ay mas lalo lamang humihigpit ang kanyang pagkakahawak. Makalipas ang ilang minuto, sa wakas ay bumukas na rin ang elevator. Agad niya akong hinila papasok sa loob. May pinindot itong numero bago itinap ang kanyang key card. Bahagya pa akong nagtaka nang hindi ang button papuntang ground floor ang kanyang pinindot. "S-Saan mo ba ako dadalhin?" usisa kong muli nang tuluyan kaming mapag-isa sa loob ng elevator. Sa halip na sagutin ay ganoon na lamang ang gulat ko nang bigla niya akong isalya sa dingding ng elevator. Malalim ang kanyang paghinga habang mariing nakadikit ang kanyang katawan sa akin. "Admit it," mahina niyang bulong sa pagitan namin. "A-Admit what?" naguguluhang tanong ko. "Admit that you want me as much as I want you. Because if not, you won't be here with me," bulong niya habang marahang ikinikiskis ang kanyang labi sa aking pisngi. Hindi ko mapigilang mapapikit nang maamoy ko ang mabango niyang hininga. Nagsisimula na ring gumapang ang hindi maipaliwanag na kiliti sa buo kong katawan. Ngunit ako dapat magpadala sa tawag ng laman. Kailangan kong pairalin ang aking prinsipyo. "H-Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. P-Pakawalan mo ako," nauutal kong wika. "Is that so?" turan niya bago marahang ibinaon ang kanyang mukha sa aking leeg. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi nang maramdaman ko ang kanyang mainit na dila na humahagod aking balat. "Then scream if you don't want this and I'll let you go this instant," dagdag pa niya. Gusto kong sumigaw dahil alam kong iyon ang dapat gawin ngunit sa halip na gawin iyon ay mariin kong kinagat ang aking labi upang pigilan ang ungol na nais kumawala mula sa aking mga labi. "I thought so." I can feel his smile against my skin. Sh*t! Napamura na lamang ako nang mapagtanto kong wala akong balak na sumigaw upang pigilan siya sa kanyang ginagawa. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang hinihintay ang susunod niyang gagawin. Ngunit ganoon na lamang ang aking pagtataka nang mag-angat ito ng mukha. "Let's go," aya niya.  Bigla kong binuksan ang aking mga mata at dali-daling sumunod sa kanya habang hindi pa rin nito binibitawan ang aking mga kamay. Napanganga ako nang tumigil kami sa tapat ng isa sa mga kwarto sa palapag na iyon. Bago pa man ako makapagsalita ay mabilis na niyang nabuksan ang pinto at walang pag-aalinlangan niya akong hinila papasok sa loob. Muli pa sana akong magtatanong ngunit agad niyang naselyuhan ang aking mga labi gamit ang isang halik. Ilang minuto ring nagtalo ang aking sarili kung tutugin ko ba ang kanyang halik o dapat akong magpumiglas. Bago pa man ako makapagdesisyon ay siya na mismo ang pumili nang dapat kong gawin sa pamamagitan nang pagpasok ng kanyang dila sa loob ng aking bibig. Bahala na nga! That was my last straw. Nakapagdesisyon na akong itapon ang lahat ng inhibisyon na mayroon ako. I admit, I want him as much as he wants me. Handa na akong hayaan ang aking sarili na mapaso sa apoy ng pagnanasa. *******************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD