Chapter 8

2004 Words
BILLIE NAGISING ako dahil sa kirot sa aking noo. Marahan ko iyong kinapa. Bahagi pa akong napangiwi nang makapa ko ang bendang tumatakip sa sugat sa aking noo. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at marahang inilibot iyon sa aking paligid. Napabalikwas ako nang bangon nang napagtanto kong nasa hindi pamilyar na silid ako. The screams wealth and elegance. Katulad iyon ng mga kwartong makikita mo lamang isa isang five star hotel. Nahigit ko ang aking hininga nang ang nakakatunaw na asul niyang mga mata ang bumungad sa akin. Mariin akong napalunok nang bago sinubukang magsalita.  Ngunit ganoon na lamang ang aking pagtataka nang walang kahit anong tinig ang lumabas mula sa aking bibig.  Umayos ka, Billie! saway ko sa aking sarili saka mariing kinagat ang aking pang-ibabang labi. "You're awake," turan ni Sir Damian nang magsalita ito. "Obvious ba?" bulong ko sa aking sarili. "You're saying something?" puna niya habang nakataas ang isa nitong kilay. "Ah- Eh- Wala po, Sir. S-Sabi ko po thank you. Pero bakit po pala ako andito? Saka nasaan po tayo?" usisa ko. Kasalukuyang nakaupo si Sir Damian sa single sofa na nasa tabi ng isang maliit na lamesa.  "Nawalan ka ng malay while working. So, I brought you here," kaswal nitong tugon saka muling itinuon ang kanyang mga mata sa hawak nitong papeles. "A-Ah, gano'n po ba. Hindi n'yo naman po ako kailangang dalhin dito. Okay na po ako sa clinic," turan ko. "Didn't your father taught you to just say thank you whenever some offered their help?" kunot-noong baling niya sa akin bago ibinaba ang hawak nitong papel sa ibabaw ng lamesa. Naumid ko ang aking dila dahil sa matalim niyang pagtitig sa akin. Mariin akong napalunok bago ko tuluyang nahanap ang aking boses. "M-Maraming salamat po, Sir," saad ko saka dali-daling tumayo mula sa kama. Ngunit bago pa man lumapat ang aking paa sa sahig ay narinig kong muli ang baritono niyang tinig. "Where do you think you're going?" tanong niya. "B-Babalik na po ako sa trabaho ko," tugon ko. "What makes you think na papabalikin pa kita after what happened?" seryosong tanong nito. Muli akong napalunok dahil sa takot sa paraan ng kanyang pagtitig. Bigla akong napabalik sa kama at napasuksok sa may ulunan nito nang bigla itong tumayo at marahang lumapit sa kama. Bahagya akong nakahinga nang maluwag nang huminto ito sa paanan ng kama. "K-Kailangan ko na pong bumalik sa trabaho," saad ko nang hindi ito magsalita at nananatili lamang na nakatayo sa paanan ng kama. Nagmamadali akong umalis sa kama at pilit siyang inawasan. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo nang muli itong magsalita. "I think I didn't make myself clear enough," narinig kong turan niya dahilan upang mabilis akong mapabaling sa kanyang gawi. Ngunit ganoon na lamang ang aking pagkabigla nang sa aking paglingon ay ang gwapo niyang mukha ang bumungad sa akin. Pakiramdam ko ay tinakasan ako nang ulirat nang mapagtanto kong halos ilang dangkal na lamang pala ang pagitan namin sa isa't isa. "A-Ano pong ibig n'yong sabihin?" Abot-abot ang aking kaba lalo na nang tumama sa aking mukha ang mabango niyang hininga. Napapitlag pa ako nang umangat ang isa niyang kamay at marahang humaplos sa aking pisngi. "You know what? My offer still stand," muli niyang turan na mas lalong napalalim sa kunot sa aking noo. Bakit ba pakiramdam ko ay lagi itong nagbibigay ng palaisapan sa tuwing magsasalita ito. Lahat nang lumabas sa kanyang bibig ay tila pa isang bugtong na kailangan kong pag-isipan ang sagot. "P-P'wede po bang pakilinaw? Hindi ko po kasi kayo maintindihan," turan ko saka alanganing ngumiti kahit pa nga ba abot-abot ang aking kaba. "Be my woman," diretso nitong turan. "Po?" gulat kong tanong habang halos lumuwa na ang aking mga mata sa pagkabigla. Be my woman. Parang sirang plakang paulit-ulit na tumatakbo ang mga salitang iyon sa aking isip.  "I already told you last time, you don't have to kill yourself by having two jobs. Just be my woman and all your problems will be solved," paliwanag nito. Saka lang bumalik sa aking alaala ang nangyari noong huli naming paghaharap. Biglang gumapang ang inis sa aking dibdib.  "Mukha po kayong seryosong tao pero iisipan ko na lang po na sa pagkakataong ito ay nagbibiro lang po kayo," matigas kong turan sa kanya. "Kung wala na po kayong ibang sasabihin, mauuna na po ako. Maraming salamat po ulit," paalam ko saka mabilis na tumalikod. "So, you would rather have yourself killed than accept my offer?" turan nito saka sinundan ng isang nang-uuyam na tayo. "I don't understand why poor people have so much pride when they have nothing to be proud of," matalim nitong turan. Tila naman nagpanting ang aking tainga dahil sa kanyang sinabi. Mabilis akong lumingon sa kanyang gawi at akmang sasampalin ito. Ngunit maagap niyang nahawakan ang aking kamay. "Do you really think I would let you slap my face again? Think again, woman," nakangising turan niya bago marahas na hinila ang aking kamay dahilan upang magkalapit ang aming mga mukha. "Slap me again and I swear I'm going to slap your ass until it turns red as a tomato," mariin niyang bulong. Biglang nag-init ang aking mukha dahil sa kanyang sinabi. Biglang gumuhit sa aking isip ang imahe ni Sir Damian na nakaupo sa isang mahaba sofa habang nakadapa ako sa kanyang kandungan at pinaparusan sa pamamagitan ng pagtampal sa aking pang-upo. Sa halip na matakot ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang init na gumagapang patungo sa pagitan ng aking mga hita. Mariin akong napalunok habang ang aking mga mata ay nakatutok sa mapang-akit niyang mga labi. Ilang saglit lang ay bigla akong nahimasmasan at agad na sinuway ang aking sarili tungkol sa pag-iisip ng malaswang bagay kasama ang lalaki na nasa aking harapan. Nang bumalik na ako sa aking katinuan ay agad kong binawi ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak ngunit hindi niya iyon hinayaang mangyari. "Bitawan mo nga ako!" mariin kong sigaw dito. Pilit kong pinapatapang ang aking boses upang itago ang panginginig ng aking kalamnam dahil sa magkahalong takot at pangamba. "You think I would let you off the hook this time? No one dares to lay their hand on Damian Zacharias Mavros without paying the price," seryoso nitong banta. Ngunit ang mas hindi ko inaasahan ay ang sumunod niyang ginawa. Naramdaman ko na lamang ang mainit niyang bibig na sumasakop sa aking mga labi. Pilit akong nagpumiglas mula sa kanyang pagkakayakap ngunit sadyang malakas ito. Mas lalo niyang idiniin ang kanyang katawan sa akin dahilan upang mapasinghap ako nang maramdaman ko ang matigas na bagay na dumudunggol sa aking tiyan. Agad naman niyang sinamantala ang pagkakataong iyon upang ipasok ang kanyang mapangahas na dila sa loob ng aking bibig. Estranghero para sa akin ang lahat nang aking nararamdaman. Ito ang unang pagkakataon na mayroong lalaking humalik sa akin nang ganito kapusok. Bagama't hindi ito ang unang pagkakataong hinalikan ako ni Sir Damian ngunit damang-dama ko ang pinagkaiba ng halik na ito sa naunang halik.  Ang halik niya ngayon ay mas mapaghanap at agresibo. Ang kanyang dila ay animo ahas na nagpapakislot-kislot sa loob ng aking bibig. He was teasing my tongue to come and play with his. Hindi ko alam kung paano tutugunin ang kanyang mga halik dahil sa tanda kong ito ay ito ang unang pagkakataon na nakaranas ako ng torrid kiss. Nais kong tumutol ngunit ang katawan ko ay tila may sariling isip na nagpapaubaya sa kanyang kapangahasan. Mas lalong tumitindi ang kiliti dumadaloy sa buo kong katawan lalo na pagitan ng aking mga hita. "Aaaaahhhhh..." malakas kong ungol sa pagitan ng aming mga labi nang maramdaman ko ang isa niyang kamay na marahang humuhimas sa aking p********e. Bagama't natatakpan iyon ng akin pang-ilalim at maiksing na cycling shorts ay hindi ko maitanggi ang init na dulot ng kanyang kamay sa ibabaw ng aking hiyas. Mas lalong pinag-igi ni Sir Damian ang paghalik sa akin nang marinig niya ang malakas kong ungol. Kahit ako ay nagugulat sa mga ingay na nililikha ng aking bibig. Mahigpit akong napakapit sa kanyang braso nang bigla niyang hawiin ang telang tumatakip sa aking p********e at saka marahang hagudin ng kanyang daliri ang aking basang hiwa.  Kasabay nang pagdama ko sa aking pagkabasa ay siya ring pagkagising ko sa katotohanan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto kong hinayaan ko ang pangahas na ito upang hawakan ang maselang parte ng aking katawan. Hindi ito tama. Inipon ko ang aking buong lakas saka malakas siyang itinulak. Marahil ay hindi niya inaasahan ang aking ginawa kaya madali ko siyang naitulak. "What the f*ck!" gulat na turan ng lalaki sa aking harapan. "I am not your woman, so, stop treating me like one," bulyaw ko sa kanya saka pilit na inayos ang aking suot. "At higit sa lahat, hindi ako bayarang babae! Hindi ko kailangan ang pera mo. Babayaran ko ang pagkakautang sa 'yo ng tatay ko sa tamang paraan," hinihingal kong turan. "Kahit pa nga ba mamamatay ako sa pagtatrabaho, hinding-hindi ko ibebenta ang katawan ko para lang sa pera!" Nagpupuyos ang aking dibdib nang matapos ako sa aking sinasabi. Mariing kumunot ang aking noo nang makarinig ako mula sa kanya ng isang mahinang tawa. Ngunit ang mas lalo kong ikinagulat ay nang bigla nitong dilaan ang kanyang daliri na kanyang ginamit upang kapain ang aking hiyas. That is so hot! turan ko sa aking sarili saka mariing napalunok habang nakatutok ang aking mga mata sa kanyang dila na humahagod sa kanyang daliri. "I respect your decision. But I want you to know that my offer stands for a limited time only," turan niya habang abala pa rin sa pagdila sa kanyang daliri. Napapitlag pa ako nang bigla itong mag-angat ng tingin sa akin. Ngumisi pa ito bago isinuksok ang aking kanyang kamay sa loob ng kanyang bulsa. "B-Bakit ako?" hindi ko naiwasang itanong. Kung ikukumpara ako sa mga modelo at artistang kusang lulukso sa ibabaw ng kanyang kama nang walang pag-aalilangan ay pihado namang wala akong panama sa mga iyon. Pangkaraniwan lang ang aking ganda. Iyong tipong tanging ang mga normal lang na taong kagaya ko ang aking mabibighani. "What do you mean?" tila kahit ito ay nagtaka sa aking tanong. "Mayaman ka, gwapo, at isa sa tinitingalang negosyante dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Kahit na sinong babae ay kaya mong makuha pero bakit ako?" saad ko. "Not everyone," mahina niyang turan ngunit sapat lamang ang lakas noon upang umabot sa aking pandinig. "Anong sabi mo?" kunwa'y tanong kong muli. "Nothing," mabilis nitong tugon. Kapansin-pansin ang pagiging mailap ng kanyang mga mata mula noon. Tila ba mayroon akong isang ipinagbabawal na paksang biglang nabanggit. "You don't need to know my reason why I want you to become my woman," he said dismissing my quiry. "All you have to do is accept my offer and I'll pay a handsome amount of money. Enough to support both you and your father," paliwanag niya. "Salamat sa offer pero hindi pa rin ang magbabago ang desisyon ko. At sa susunod na hawakan mo ako hindi ako magdadalawang isip na kasuhan ka ng harassment," banta ko. "Really? If I can remember it clearly, you liked my touch," pang-aasar pa nito. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi dahil sa kanyang sinabi ngunit pinili kong maging matatag. Dahil sa aking pagkapahiya ay hindi ko napigilang sagutin ito. "You're not that good, Mr. Mavros. Huwag kang masyadong mayabang," turan ko saka nagmamadaling tumalikod at tinungo ang pinto.  "What the hell! Come back here, woman!" hiyaw pa nito. Muntik pa akong madapa dahil sa pagmamadali. Bahagya pa akong nagulat nang bumungad sa akin ang opisina ni Sir Damian. Kung gayon, silid pala ang nasa loob ng pintong nakita ko noon nang una akong makapasok dito sa kanyang opisina. Nang marinig ko ang mga yabag niyang papalapit sa pinto ay dali-dali akong lumabas ng kanyang opisina. Tumakbo ako nang hindi alam kung saan tutungo. Basta ang mahalaga lamang sa akin sa pagkakataong iyon ay ang makalayo sa lugar na iyon. ******************    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD