BILLIE BUONG akala ko ay handa na akong isuko ang lahat sa lalaking ito. Ngunit ang tunog nang pagsara ng pinto ang nagsilbing alarm clock sa akin upang magising ako sa aking kahangalan. "N-No—" turan ko sa pagitan ng kanyang mga halik. "H-Hindi 'to tama." Pilit ko pa rin siyang itinutulak upang magkaroon ng distansya ang aming mga labi. "N-No!" muli kong sigaw nang bahagya kong mailayo ang aking mukha sa kanyang labi. Tila naman natigilan siya dahil sa malakas kong pagsigaw. "What the hell is your problem, Woman?" bulyaw nito saka mabilis akong binitawan. "You don't have to shout like that!" Nakakunot ang noo nito na tila ba natuliro dahil sa lakas ng aking pagsigaw. "Eh, kung hindi ako sumigaw, titigil ka ba?" sarkastikong tanong ko. "Point taken," tugon niya saka ngumisi bago mar