BILLIE NAGISING akong wala na si Damian sa aking tabi. Bahagya kong sinilip ang orasan na nasa ibabaw ng maliit na lamesa sa gilid ng higaan. Mag-aalas sais pa lamang ng umaga. Mukhang maagang bumangon si Damian upang pumasok sa opisina. Dumako ang aking mata sa kumpol ng mga paper bag na nasa may sulok ng silid. Naisip kong surpresahin ito kaya naman dali-dali akong nagtungo papasok ng banyo. Mabilis akong naligo at hindi na masyadong nag-aksaya ng oras dahil baka hindi ko na abutan si Damian. Nang matapos ay agad akong lumabas at kinuha ang bags ng aming pinamili. Inisa-isa ko iyon upang pumili ng maaaring kong suotin ngayong araw. Sa huli ay napili ko ang isang kulay mustard na bestida na lampas hanggang tuhod ang haba at may garter sa parehas na manggas pati na rin sa may neckline. S