Chapter 23

1926 Words

BILLIE HINDI ko namalayan ang oras dahil masyado akong nalibang sa pag-aalaga kay Papa at sa pakikipagkwentuhan sa dalawa. Gabi na nang makabalik kami sa mansyon ni Damian. Agad na bumukas ang gate nang tumapat kami sa harapan nito. Nauna kaming pumasok ni Lily sa kusina na nakakunekta sa may garahe. Si Lando ay naiwan upang ayusin ang pagkakapark ng sasakyan. Nang makapasok kami ay agad nang nagpaalam si Lily upang magtungo sa kanyang silid at magpahinga. "Pasok na 'ko sa kwarto, Billie," wika nito. Isang marahang tango lamang ang aking itinugon sa kanya. Ako naman ay umakyat na rin sa aking silid upang makapaligo at makapagpalit ng damit. Ngayon ko lang din naramdaman ang pagod mula sa buong araw na pananatili sa ospital. Naiwan si Ellen doon upang magbantay. Marahan kong minamasahe

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD