Chapter 4

2168 Words
BILLIE NGAYON ang huling araw ko sa pagiging receptionist dito sa Olympus Hotel and Casino. Bukas kasi ay magsisimula na ako bilang isang card dealer sa casino dito sa loob ng hotel. Ang akala ng lahat ay na-promote ako kaya nangyari ang biglaang paglipat ko ng trabaho. Lingid sa kaalaman ng lahat ang tunay na kalagayan ko kaya ako nasadlak sa ganitong posisyon.  Halos isang linggo ko ring pinagsabay ang pagpasok sa aking duty at pagte-training bilang isang card dealer. Mula alas-diyes ng gabi hanggang alas-sais ng umaga ang pasok ko sa pagiging receptionist habang mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-dose naman ng tanghali ang oras ng aking training. Hindi pala biro iyon. Akala ko ay sapat na na may kaalaman ka tungkol sa laro. Marami pa palang aspeto ang dapat pag-aralan bago mo tuluyang maging handa sa pagdi-deal ng mga baraha. Bagama't kinakabahan ay kailangan kong lakasan at tatagan ang aking loob dahil ako lang ang inaasahan ng aking ama upang malampasan ang pagsubok na ito.  Maya-maya ay ipinatawag ako sa opisina ng HR department upang kunin ang schedule ko para bukas.  "Good morning po," bati ko sa aming HR coordinator. "Here's your schedule for tomorrow. Ito na rin ang three sets of your uniform. Ibabawas na lang sa sahod mo ang pambayad d'yan," paliwanag nito.  Tanging tango lamang ang aking tugon dito. Nang wala na itong sasabihin ay agad akong tumayo upang umalis. Tapos na rin kasi ang shift ko kaya gusto ko nang makauwi agad upang magpahinga. Ngunit nang tingnan ko ang munting papel na naglalaman ng maging oras ng aking pagpasok ay agad na kumunot ang aking noo. Bago pa man ako magsimula sa trabahong ito ay malinaw kong hiningi ang tatlong araw na rest day upang magkaroon ako ng pagkakataon na rumaket sa ibang trabaho. Gagamitin ko kasi ang rest day ko upang maghanap ng pangalawang trabaho, so I can meet his demand. "Ahm, Miss," tawag ko rito nang lingunin ko ito. "Nagrequest po kasi ako na kung p'wede ay Biyernes, Sabado, at Linggo ang rest day ko," saad ko. Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag sa kanya ang dahilan kung bakit. "Iyan ang schedule na binigay sa 'yo ng Head. I can't do anything about it," turan niya. "Kung gusto mo ay pumunta ka sa opisina ng boss at sa kanya mo ipabago," habol pa nito.  Hindi ko mabasang mabuti kung seryoso ba ito o nagbibiro lamang siya. Pero ipagwalang bahala ko na lamang ang kanyang komento at muling nagtangkang makiusap na baguhin ang aking schedule. "I'm sorry, Miss. Pero hindi ba dapat magpasalamat ka na lang at binigyan ka ng trabaho ng may-ari nitong hotel nang gano'n-gano'n na lang. Hindi ko nga alam kung anong mayroon sa 'yo at tinutukan pa ni Sir Damian ang paglipat sa 'yo," saad ng babae. Damian. Iyon pa lang ang pangalan ng lalaking nagmamay-ari ng pinakamagandang pares ng mga matang nakita ko sa tanang buhay ko. Nagdadalawang-isip ako kung patuloy ko bang kukulitin ang HR namin upang baguhin ang aking schedule ko gawin ko na lamang ang suhestiyon nito na pakiusapan ko ang aming boss. Pero paano ako makakasigurong haharapin niya ako? Bagsak ang aking balikat nang lumabas ako mula sa opisina ng aming HR Coordinator. Ilang minuto pa lamang akong nakalayo roon nang biglang tumunog ang aking cellphone. Agad kong sinagot iyon nang makita kong si Agnes ang tumatawag.  Si Agnes ay kaklase ko noong highschool hanggang mag college. Katulad ko itong hindi gaanong nakakaangat sa buhay kaya madalas kaming magkasama noon sa mga raket. Siya rin ang hinangan ko ng tulong ngayon upang maipasok niya ako ng pangalawang trabaho. Namamasukan si Agnes sa isang below the line advertising agency bilang isang promodizer. Pero hindi na ganoon ang tawag nila ngayon. Ang karaniwang tawag ngayon sa ganoong trabaho ay Brand Ambassador. Depende sa class mo kung magkano ang magiging TF mo or Talent fee. Swerte ako at malakas si Agnes sa kanyang pinagtatrabahuhan kaya naipasok niya ako bilang Class A Brand Ambassador. Hindi naman sa pagmamayabang ay hindi naman nalalayo ang aking angking ganda sa mga babaeng sosyal na kalimitang pumupunta rito sa aming hotel. Matangkad ako kumpara sa karaniwang pinay sa taas na 5'7". May kalakihan ang aking dibdib at hindi rin naman nagpapahuli ang aking maliit na baywang. Agaw pansin rin ang aking makakapal na kilay na bumagay sa aking tila kwardadong hugis ng mukha. "Hello, Agnes," bungad ko sa kanyan nang sagutin ko ang kanyang tawag. "Hoy, Belinda! Ano ready ka na ba mamaya?" tanong niya. "Naku, eto nga at namomoblema ako dahil hindi Friday, Saturday, at Sunday ang off na ibinagay sa akin dito sa hotel. Wala ka na bang ibang raket d'yan?" turan ko.  Ngayong gabi kasi ang trial run para ko bilang isang Brand Ambassador sa raket na ibinigay ni Agnes. Kung sakaling maayos ang maging benta ko ay magiging regular na ang pasok ko kapag weekends. "Mayro'n, Beshy. Kaso hindi ganoong kalaki ang rate doon. Ito kasing binigay ko sa 'yo, malaki ang rate nito saka tiba-tiba ka sa tip kapag marami kang nabentang sigarilyo. Konting himas mo lang sa mga lasing maglalabas na agad ng pera 'yong mga 'yon," paliwanag nito. "Alam mo namang hindi ko gawain iyon," saad ko. "Alam ko naman 'yon, Beshy. Sinasabi ko lang sa 'yo na mas malaki ang kikitain mo kapag marunong kang magromansa ng lalaki," wika niya. "Agnes!" bulyaw ko dito. "Hay naku si Virgin Coconut Oil. Huwag kang malisyosa! Ibang romansa ang sinasabi ko. What I mean is marunong kang mang-uto ng mga lasing na customer," paliwanag ni Agnes. Alam ko ang kalakaran sa raket na binabanggit niya kaya sigurado akong mas malaki talaga ang kikitain ko sa pagba-brand ambassador ng sigarilyo sa gabi. "Sige bahala na. Susubukan kong kausapin ang boss ko. Baka sakaling mapakiusapan kong baguhin ang off ko para lang matuloy 'tong raket natin. Pero basta tuloy 'yong mamaya natin," turan ko. "Oh, sige, sige. Itetext ko na lang sa 'yo ang venue ng bar kung saan tayo magkikita. Iniwan ko na pala sa bahay n'yo kanina 'yong damit na susuotin mo para mamaya," bilin pa niya. "Sige, Agnes. Maraming salamat, ha," saad ko. "Naku! Walang kaso 'yon. Tayo lang naman dalawa ang magtutulungan. Basta pag nakabingwit ako ng mayaman isasama ko kayo ni Tatay Bernie sa pag-ahon ko," turan ni Agnes. Bahagya pa akong natawa dahil sa kanyang tinuran. "Puro ka talaga kalokohan," komento ko. "Anong kalokohan? Hindi 'yong kalokohan, no! Sisiguraduhin ko talagang mayaman ang mapapang-asawa ko para hindi ko kailangang maging Kuracha para lang mapag-aral ang mga kapatid ko," eksaheradang turan niya. "Oo na, sige na." Sabay na lang kaming natawa dahil sa kalokohan ng aking kaibigan. Matapos naming magpaalam sa isa't isa ay agad kong ibinaba ang aking telepono.  Muli kong tiningnan ang schedule kong hawak saka nag-ipon ng lakas ng loob upang kausapin ang aming boss. Tapos na rin naman ang duty ko kaya hindi ko kailangang bumalik agad sa aking station.  Halos mabingi ako dahil sa lakas ng t***k ng aking puso dulot ng labis na kaba. Marahan kong binabaybay ang pasilyo patungo sa kanyang opisina. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang kalakas ang kabog ng aking dibdib. Sa bawat kong hakbang papalapit sa kanya ay siya ring paglukso ng aking puso. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago binilisan ang lakad. May dalawang matangkad na lalaki ang nakatayo sa labas ng kanyang opisina. Pareho itong nakasuot ng amerikanang itim. Habang ang kanilang mukha ay tila ba hindi kailanman nasasayaran ng mga ngiti. Kasama sila sa mga lalaking dumakip sa amin noon ng aking ama. "E-Excuse me po, a-and'yan ba si Sir Damian?" tanong ko sa dalawang lalaki. "Do you have an apointment?" tanong ng lalaking nasa kanan. Kinabahan ako sa paraan ng kanyang pagtatanong pero hindi ako dapat magpasindak. "Hindi mo ba ako natatandaan? Ako 'yong anak no'ng may utang kay Sir Damian. B-Baka lang p'wede ko s'yang makausap kahit saglit lang? Sige na, please...." kunwa'y nagpapungay pa ako ng aking mga mata saka pinagdikit ang aking dalawang kamay na tila ba nagdadasal. "Sige na mga kuyang pogi. Baka p'wede n'yo naman akong papasukin," muli kong pakiusap saka kunwa'y hinawakan ang braso ng isa sa kanila. Nasa ganoon kaming posisyon nang biglang bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa noon ang lalaking kanina pa bumabagabag sa aking pagkatao. Hindi ko napigilang mapalunok nang masilayan kong mabuti ang gwapo niyang mukha. "What are you doing?" nakakunot ang noo at madilim ang kanyang mukha nang sitahin niya ako. "And why are you holding him?" malakas nag boses nitong saad. "Grabe ka namang makasigaw. Hinawakan ko lang naman ang mga tauhan mo, akala mo naman ninakawan ka," komento ko pa.  Agad ko namang natuptop ang aking bibig nang mapagtanto ko ang aking sinabi. Biglang nanuyo ang aking lalamunan nang makita ako ang madilim niyang mukha at ang matalim niyang mga tingin sa akin na para bang may malaki akong kasalanang ginawa. Magpapaliwanag pa sana akong muli nang bigla na lamang niya akong hilahin papasok ng kanyang opisina saka mabilis na isinarado ang pinto. "What are you doing here?" Wala na ang madilim niyang mukha nang muli siyang humarap sa akin. Hindi ko alam kung bakit ngunit tila napako ako sa aking kinatatayuan dahil na rin sa labis na pagkakalapit ng aming mga katawan. Parang bigla kong nakalimutan kung ano ang tunay kong pakay sa pagpunta dito. He snapped his fingers in front of my face. Dahilan upang muling manumbalik ang aking tamang katinuan. Hindi ko kasi namalayang kanina ko pa pala pinagpapantasyahan ang lalaking nasa aking harapan. "I'm asking you, what are you doing here?" masungit nitong tanong. "Ah– Eh– Kasi ano po.." Gusto kong batukan ang aking sarili dahil sa biglaan kong pagkautal. Mariin muna akong pumikit saka humugot ng malalim na hininga bago muling sinubukang magsalita. "Pumunta po ako dito para ipakiusap kung maaring baguhin ang schedule ng rest day ko." Sa wakas, kahit papaano ay maayos kong nasabi ang tungkol sa tunay kong pakay. "What's wrong with your schedule?" kunot-noong tanong niya. "Ahh kase..." Nag-aalangan ako kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang tunay na dahilan. "I don't have a lot of time, Belinda. Say it now," muli nitong turan saka marahang naglakad pabalik sa kanyang upuan. Bahagya pa akong nagulat nang banggitin niya ang aking pangalan. Mas lalo akong nataranta nang muli niyang ibaling ang kanyang nakakatunaw na tingin sa aking gawi. "May second job ako ng weekends. Kaya kailangan kong palitan ang rest day ko sa Biyernes, Sabado, at Linggo," tuloy-tuloy kong paliwanag sa kanya. Wala rin namang saysay na ilihim iyon dito dahil siya naman ang puno't dulo ng problema kong ito. Tumaas ang isa niyang kilay saka matalim akong tinitigan. "Bakit, kulang ba ang pinapasweldo ko sa 'yo?" kaswal nitong tanong. "Mukha ka namang matalino," saad ko. Agad na kumunot ang kanyang noo dahil sa pagtataka. "What's that supposed to mean?" "Nakalimutan mo na bang thirty thousand lang ang sahod ko bilang card dealer pero sinisingil mo ako ng fifty thousand a month bilang kabayaran. Sige nga, paano ko babayaran 'yon, aber?" mataray kong turan dito. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob upang sabihin iyon sa kanya. Sabagay, wala naman sa usapan na kailangan kong maging mabait sa kanya. Ang importante ay mabayaran ko ang pagkakautang namin. "It's not my problem," kaswal nitong tugon. Mariin akong napapikit upang pigilan ang rumaragasang inis na aking nararamdaman. Kung p'wede ko lang sakalin ang lalaking ito ay ginawa ko na. Muli akong humugot ng isang malalim na hininga saka pilit na pinakalma ang aking sarili bago ko siya muling hinarap. "Hindi ko naman sinabing problema mo. Ang sinasabi ko lang baka naman p'wede mong i-approve na baguhin ang rest day ko. Sabi sa HR ikaw lang daw ang may kakayahang gawin 'yon," dahan-dahan kong paliwanag dito na tila ba bata ang aking kausap. Mukha namang hindi niya nagustuhan ang aking ginawa dahil kitang-kita ko agad ang biglaang pagdilim ng kanyang mukha. "Are you mocking me, Agapiménos?" turan niya saka dahan-dahang tumayo mula sa kanyang kinauupuan saka unti-unting humakbang papalapit sa akin. "N-No! O-Of course not, Sir," kinakabahang tanggi ko habang marahang humahakbang paatras papalayo sa kanya. Bigla na namang binalot ng kaba ang buo kong pagkatao dahil sa kanyang presensya. "I think you do," mariin ngunit pabulong niyang turan. Huli na nang mapagtanto kong tuluyan na niya akong masukol nang tumama ang likuran ng aking binti sa paanan ng pang-isahang sofa na naroon sa loob ng kanyang opisina. "H-Hep! Hep!" Mabilis kong ihinarang ang aking kamay upang pigilan siya sa paglapit. "A-Anong gagawin mo?" kinakabahang tanong ko. "I have to check on something," seryosong turan niya. Ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang sumunod niyang ginawa. Ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang bigla niyang hablutin ang aking batok saka mabilis na sinakop ang aking mga labi. Pakshit naman! May utang na nga ako, nanakawan pa ako ng first kiss! ****************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD